UF: 01

4.2K 215 37
                                    

UF: 01

"Nandito ka na naman?" nagtatakang tanong ni Doyle sa kanyang pinsan na si Sefarino na kararating pa lang sa flower shop niya. Halos araw-araw ay nandito ito.

Nagpatuloy lang ito sa pagpasok sa shop saka tumungo sa shelf kung saan nilalagay ang mga pink carnations. Napakunot ang noo ni Sefarino nang madatnan niyang walang pink carnations sa pwesto nito kaya inis siyang bumaling kay Doyle.

"Nasaan na ang mga pink carnations?" inis na tanong ni Sefarino pero napangiwi naman si Doyle.

"Look, you bought it all yesterday... everyday, naubusan na ng mga stocks dahil sayo," sarkastikong sabi ni Doyle.

"What? Customer mo ako kaya kailangan mong ibigay ang gusto ko," inis na sabi ni Sefarino habang nakaturo kay Doyle.

"Excuse me, naubusan nga ng stocks saka hindi ko na nga mabilang kung ilan na 'yung nabili mo at malimit lang ang shop na nagtitinda ng mga poisonous flowers."

"Fuck! Hindi ko na rin alam kung saan ako bibili, naubusan na rin ang ibang shop," inis na sabi ni Sefarino saka nag-isip. "Pupunta ako sa garden kung saan sila kumukuha ng mga pink carnations!"

"Hoy, Sefarino, itanim mo nalang 'yung mga binili mo para rumami," suggest ni Doyle pero napangiwi si Sefarino.

"Tinanim ko nga pero hindi pa 'yon sapat."

Napalaki naman ang mga mata ni Doyle. "Hindi pa sapat? Araw-araw ka ngang bumibili ng pink carnations."

"Pero wala akong mabibili ngayon kaya hindi na araw-araw," inis na sagot ni Sefarino kaya napadaing siya nang sinipa ni Doyle ang pwet niya.

"Get out! Hindi ko kailangan ng customer na kagaya mo!" taboy ni Doyle sa kanya saka tinutulak siya papalabas.

"You should treat your customer-"

"Hindi na ako magtataka kung isang araw ay namatay ka na dahil sa pink carnations," sabi ni Doyle nang nasa labas na si Sefarino.

Nagsalubong naman ang dalawang kilay ni Sefarino na nakatingin sa kanya. "Hey, old man! I'll give a bad review about your shop!" inis na sabi nito saka padabog na pumasok sa kotse niya.

"Sa loob ng limang taon na umalis si Raziel, nag-iipon ka ng pink carnations araw-araw, sino ang hindi mauubusan ng stocks?" napapailing na sabi ni Doyle habang nakatanaw sa kotse ni Sefarino. "Ibang klase magmahal ang isang Lazarus."

Inis namang nag-drive si Sefarino para maghanap ng flower shop na mabibilhan niya ng pink carnations. Naramdaman naman niyang nag-vibrate ang cellphone niya kaya kinuha niya ito at binasa ang message.

"Fuck! Nakalimutan kong may meeting pala ako ngayon," napamurang sabi niya habang inis na pinalo ang manubela ng kotse.

Inis lang s'yang nag-da-drive papunta sa isang restaurant kung saan ang meeting gaganapin, drive lang siya nang drive ng biglang may batang tumawid kaya nataranta siyang prumeno.

"Shit!" Napamura nalang siya sabay baba ng kotse at nakita niya ang isang bata na lalaki sa harap ng kotse niya at walang takot na nakapaskil sa mukhan ito.

Akala niya walang dumadaan dito dahil hindi naman ito ang main road saka iilan lang ang bahay na nasa paligid.

"Hey, Mister, you should be careful about driving," pangaral ng bata sa kanya kaya napakunot ang noo niya. "Lessen your frowns, old man." Dahil sa sinabi ng bata ay napatawa siya at umupo para magkapantay sila ng bata.

"Hey, kid, are you okay?" tanong ni Sefarino sa bata saka tumingin sa mga mata nito at napahinto siya ng makita niya ang mga mata na pamilyar na pamilyar sa kanya.

Unbiased Fate - [MPREG]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon