Simula
Beatrice. Sabi ng mama ko ang ibig sabihin raw ng pangalan ko ay blessing, pero siguro kabaligtaran ito ng buhay ko ngayon.
I was packing my things in my old duffel bag when someone entered my room.
Candy. My cousin, anak siya ng kapatid ni mama na si Auntie Tessi.
"Beatrice ano tapos kana bang mag empake ng mga gamit mo?! Pakibilisan nalang ha meron kasing bagong titira dito na tenant. Atleast yon diba may pakinabang samin."
Pagkatapos ang ina naman nito ang pumasok.
"Beatrice eto oh limang daan, yan lang ang maipapabaon ko sayo pasensya kana."Sabay tungga nito sa hawak na alak.
"Salamat po." Ngunit bago kopa ito makuha sa mga kamay ni auntie ay nahablot naman ito ng kanyang asawa.
"Ano yan bakit mo naman binibigyan ang walanghiyang iyan ng ganyang kalaking pera?!"
Napalunok ako at nanghinayang sa perang hindi na mapapasakin lalo't nahablot na nga ito ni uncle.
"Lumayas ka na nga rito, pabigat ka."
Sabay hila sa akin palabas ng bahay namin na naging kanila na.Kasabay ng pagtapak ko sa labas ng pinto ng bahay na kinalakihan ko ay ang pagpatak ng ulan. Kung minamalas ka nga naman talaga.
Pero siguro hindi naman ako masyadong malas dahil saktong may dyip akong napara. Magsisimula na akong maghanap ng trabaho bukas na bukas rin pero uunahin ko muna ang paghahanap ng matutuluyan.
Simula ng mamatay sa isang aksidente ang aking mga magulang I really have to get along with my relatives. We don't have the best relationship to begin with. They just accepted me to be stay with them until I graduated college and the time has come. Pagkalipas nga ng graduation ko ay ang syang pagalis ko.
It must be a relief for them. I sighed as I walk into a bed space rental this is the only place that I can afford for the mean time.
"Ano ang atin iha?" Biglang tanong saakin ng medyo may katandaang babae sabay buga nito ng hinihithit na yosi.
"Ah nakita ko po kasi ito sa labas ng gate nyo." Sabay pakita ko ng karton na may nakalagay na "wanted bed spacers."
"Ah sige iha tuloy ka."
Pumasok kami sa isang bahay na hindi masyadong kalakihan dalawng palapag at malinis naman ito. May mga ilang kababaihan ding nakaupo sa couch ng sala na napatingin sa pagpasok namin.
"Anong pangalan mo iha?" Napalingon ako sa matanda.
"Beatrice po."
"Oh siya ang kada buwan dito ay 1500 ha libre ang lahat. Halika dito sa taas at ipapakita ko ang kwarto."
Umakyat kami sa ikalawang palapag ng bahay at binuksan ng matanda ang isang kwarto. May dalawang double deck ito at malinis.
"Wala ka pang makakasama sa kwarto na'to dahil wala pang mga bagong tenant dahil kaaalis ng mga dating bed spacers."
"Ah salamat po." Sabay abot ko ng 1500 sa ginang.
Lumabas na ang ginang sa kuwarto at sinimulan ko na ang pag aayos ng mga gamit ko. Pagkatapos ay nahiga na ako sa ilalim na kama ng double deck.
Dahil sa mahaba at nakakapagod na araw ay agad akong nahipo ako ng antok.
Paggising ay agad kong hinanda ang mga kakailanganin ko sa mga pag-aaplayan ko.
Business management ang tinapos ko sa kolehiyo. Inayos ko na ang aking sarili at tumingin sa isang full length mirror na nasa kwarto. Nakasimpleng blouse na pinatungan ng itim na blazer at sa pangibaba naman ay isang itim rin na slacks.
Pumara ako ng jeep at pinuntahan ang address ng mga nakita ko sa dyaryong pagaaplayan. Isa itong malaking kompanya at naghahanap ng sekretarya. Tinignan ko ang lumang relong suot ko 8 am na at ang interview ay 8:30.
Nakarating ako sa kompanyang pagaaplayan at dumeretso sa front desk.
"Excuse me nandito ako para sa job interview."
"Ah this way po." Iginiya ako ng babae sa isang waiting area ng opisina.
"Hintayin niyo nalang pong matawag ang panagalan niyo."
"Sige salamat."
Inikot ng aking mga mata ang istilo ng opisina, black and white ang tema nito at maaliwalas tignan.
"Beatrice Gomez?" Tawag sa aking pangalan.
"Ah ako po yon."
"This way po pasok po kayo sa loob."
Sabay bukas nito ng pinto papasok sa isang opisina. Kagaya sa waiting area ay black and white din ang tema nito."Sit down." I was startled by that baritone voice. I looked up on where that voice belongs to. There's a man sitting on a swivel chair reading something on his laptop.
I sat down on the chair beside his mahogany table.
"You're hired you can now start today."
I was caught off guard by what he just said.
"S..sir?"
"Are you deaf or just stupid. Go outside and make me a coffee or do you want to be fired?!"