Kabanata 13

9 7 15
                                    

Leave.

Pagkalabas ko ng mansiyon ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, halo-halong emosyon ang umiikot sa aking sistema. Itinanggi ako ni Eos. Iyan ang paulit-ulit na nagre-replay sa aking utak, ang akala ko ay kami na pero paano niya ako nagawang itanggi?!

Naglalakad na ako upang humanap ng masasakyan dahil ang gagong boyfriend ko ay hindi ako magawang ipakilala sa mga magulang niya. He didn't even bother to look at me earlier or explain the situation to me

Hindi ko namalayan na basa na ang aking mga pisnge dahil naguunahan na palang tumulo ang aking mga luha. Madiin ko itong pinunasan gamit ang aking palad at pinara ang taxi na nakita ko.

"San po tayo ma'am?" Tanong ng driver. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil kapag nagpunta ako sa trabaho ay malamang na makikita ko sila roon. Hindi ko pa kayang harapin si Eos dahil sa sakit na idinulot niya sa akin na akala ko ang masaya naming pagsasama sa maikling panahon ay magtatagal.

Pero kailangan ko ang aking trabaho dahil mahihirapan ako kung magreresign ako dahil kakaunti nalang ang perang naitabi ko. I will find a new job as soon as possible.

"Uh sa Montemayor Corp po." Tanging sabi ko at tumingin nalang sa bintana. My eyes is starting to sting again. Pero bago pa tumulo ang mga luha ko ay pinunasan ko ito.

Nakarating na kami sa kompanya, nagbayad na rin ako at bumaba na sa taxi para magtrabaho. Pinipigilan ko pa rin ang pagtulo ng aking mga luha. Pumasom na ako sa loob at dumeretso sa elevator pinindot ko na ang top floor at bago pa ito magsara ay may pumasok dito.

Hindi ko nakita kung sino ito dahil nakatungo lamang ako.

"Bea, nakita rin kita sa wakas!" Nagangat ako ng tingin upang makita ang nagsalita at ang nakita ko ay si Liya. She is still the same, her smile is still so bright and she's still pretty. I missed her. She's been my only friend that I can trust.

"Ilang araw ka ding wala dito may problema ka ba?" May bakas ng pagaalala sa kanyang boses at ng tignan ko siya ay mas lalong nalumo ang kanyang mukha napansin niya siguro na mukha akong may mabigat na problema at medyo halata siguro sa aking mata na umiyak ako.

Hindi ko na napigilang mapayakap sa kanya at halata ko na medyo nabigla siya ngunit sinuklian niya lang naman ang aking yakap. Nagsipatakan na rin ang mga pinipigilan kong luha. Siguro ay minadali talaga namin ni Eos ang lahat at naging mapusok ako sa tukso, pero masakit ito para sa aking parte.

"Hush. Tahan na." Ang malumanay na pagpapatahan niya ay mas nagpalakas pa ata sa aking iyak dahil sa wakas may isang tao na akong matatawag kong kakampi sa lahat. I'm so thankful that I met her.

Narinig namin ang pagtunog ng elevator hudyat na nasa top floor na kami. Lumabas kami pareho pero bago pa ako pumunta sa opisina ay hinila niya ako sa aking kamay.

"You can tell me anything, Bea nandito lang ako." Sabi niya at nginitian ko lang siya.

"Thank you Liya for being a friend to me. I still don't have the confidence to tell you what I'm going through right now but I will tell you when I'm ready." Naghiwalay na kami ng landas at nagpunta na ako sa opisina ni Eos.

Hindi ko pa siya kayang harapin kaya ng bumukas ang elevator ay sumikip ang aking dibdib at bumilis ang aking paghinga. Nagangat ako ng tingin at nakita kong sila nga iyon.

Nangunguna ang mga magulang niya na naglalakad patungo sa opisina, natanaw ko rin si Eos sa kanilang likuran na blangko qng ekspresiyon.

Pero mas nagulat pa ako sa kamay na nakasukbit sa braso ni Eos. Tinignan ko kung sino ang may ari ng kamay na iyon at parang mas nalumo ako ng makita ko na si Roxanne iyon, ang kasiping ni Eos sa kaniyang opisina nong mga unang araw ko sa trabaho!

Nag-iwas ako ng tingin at itinungo ang aking ulo dahil nangingilid na ang aking mga luha. Sinabi niya sa akin na hindi niya ito girlfriend o fiancé kaya bakit ganito ang ginagawa niya ngayon.

Tuluyan na silang nawala sa aking paningin ng makapasok sila sa opisina. Tumulo na rin ang aking mga luha na agad ko namang pinunasan.

Am I just his playtime? Kapag wala ang totoo niyang girlfriend ay ako ang pupuntahan niya? Tama nga siguro na naging mapusok ako at nahulog agad sakanya, naging mabilis ang lahat at hindi ko naisip ang mga kahihinatnan ng aking kilos.

Napabalikwas ako ng upo ng tumunog ang intercom.

"Can you get us four juices thank you." Ang nagmamayari ng boses ay ang mama ni Eos. Tumayo naman agad ako at inihanda na ang mga juice na hinihingi nila. Wala akong lakas na gawin ito ngayon ngunit kailangan.

Nilagay ko ito sa tray at dumiretso na sa opisina ni Eos. Kumatok muna ako dito.

"Come in." Boses iyon ng ina ni Eos.

Pinihit ko na ang doorknob at bumukas ito. Nasa couch silang apat, magkatabi ang magulang ni Eos at nasa tapat naman nila sina Eos at Roxanne. I put down the tray of juice on the table on their center and serve it to them one by one. Mayroon ata silang pinaguusapan dahil may mga gawak silang papeles.

"Hijo, kailan ang balak niyong magpakasal. I'm sure Roxanne's parents will be happy if you made it sooner." Makahulugang sabi ng mama ni Eos at mahinhin namang tumawa si Roxanne bilang tugon.

"I think it's still too early for that tita, we can just enjoy being boyfriend and girlfriend to each other." Sagot ni Roxanne.

The last drink is for Eos so I went to his side and I was about to put it on the table when his mother spoke.

"You're right but what if you're already pregnant? We will conduct a wedding right away."

Nanghina ang  ako sa sinabi ng ginang kaya hindi ko namalayan ay naitapon ko kay Eos ang kanyang juice. Nagpanik ako at sinubukang punasan ito.

"S-sorry. Pasensiya na po." Nanginginig kong sabi.

"Inggrata ka. How could you do that. Clumsy, stupid secretary." Napayuko ako sa sigaw ng mama ni Eos. Napalayo na rin ako sakanya. Roxanne helped him clean up my mess and remove his polo.

Masama rin ang tingin ni Roxanne sa akin habang si Eos ay parang walang pakialam na pinagtutulungan ako.

"Get out of here. Estupida."

Lumabas na ako at at tuluyang napahagulgol. Kinuha ko ang aking bag at hinanap ang cellphone ko. I called the only person I have.

"Hello, can we meet outside?"

Liya and I met at a cafe near the company. I told her everything that happened. She is just listening to me.

"Can you help me find a place to stay?"

"Sa condo nalang kita titira." Tumango nalang ako dahil wala akong choice.

"I will find a new job and a place to stay so I can leave your place asap."

"Ano ka ba you can stay whenever you please. I'm so worried about you. How about your things?"

"Kukunin ko iyon mamaya. Thank you Liya." Parang nakahinga ako dahil may napagsabihan ako ng problema.

"What are friends for diba. You can always count on me." Tumayo na akmi para makabalik sa trabaho pero agad na nagdilim ang paningin ko at bigla akong nahilo. Naramdaman ko nalang na natumba ako at sinalo ni Liya at tuluyan ng dumilim ang lahat.

Amore Mio [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon