CHAPTER SEVENTEEN

37 1 0
                                    


CHAPTER SEVENTEEN

ATHANASIA'S POV

Ang diyosang si Jelayah.

Ang pinaka-pinuno ng mga diyos at diyosa sa mundong ito. Kung si Bangun ay nakakakita ng hinaharap ay si Jelayah naman ang gumuguhit ng mga hinaharap ng mga tao at iba pang nilalang. Siya rin ang nagbibigay ng sumpa at misyon sa mga katulad ko na may ginawa noong mabibigat na kasalanan.

At siya ang pinaka-iinisan kong nilalang sa lahat.

She stole my memories. She gave me this immortality curse. She made my life miserable. And she took away the ones I loved. The people and animals I cherished. Zagan.

Hindi ko kailanman nakita o nakausap siya sa personal. Si Bangun lang ang nagpakilala sa akin kay Jelayah kaya ko alam ang mga impormasyong iyon. Pinilit ko pa siya noon na sabihin sa akin ang tungkol sa diyosang iyon kung gusto niyang papasukin ko siya sa buhay ko. She dislikes showing herself to mere beings.

Kaya para sabihin ni Bangun na gusto akong kausapin ni Jelayah, at tungkol pa ito sa misyon ko, ay talagang hindi ako makagalaw at makahinga nang maayos ng ilang minuto.

Nanatili akong tahimik hanggang sa makarating kami sa apartment ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman.

Takot ba? Kaba? Galit? Inis? Saya? Hindi ko na alam. Kaya naman nanatili akong nagmumukmok sa loob ng kwarto ko. Hinayaan naman ako ni Bangun kaya mas naging pabor sa akin.

Hanggang sa makatulog ako't magising kinabukasan ay ginagambala ng paksang iyon ang isip ko.

What does she need from me? Is she gonna tell me what my mission is? Is she gonna help me? Would she give back my memories?

Kahit sana clue ng alaala ko o kaya ng misyon ko ang ibigay niya ay tatanggapin ko ng buong puso. Malaki pa rin ang galit ko para sa ginawa niya sa akin pero kung tutulungan niya akong tapusin na ang buhay ko ay handa akong kalimutan iyon.

"You really want to die that bad?" tanong sa akin ni Bangun habang nasa hapag kainan kami para sa almusal.

I've kept my eyes on my plate. "You know the answer to that question, Bangun."

"Pero paano kung papiliin ka niya. Agad kang mamamatay kapag nagawa mo ang misyon mo o mabubuhay ka pa hanggang sa pumuti ang mga buhok mo, ano ang pipiliin mo?"

Napaangat ako ng ulo saka diretsong tumingin sa kanyang mga mata. "I think I had enough of this life, Bangun. Kaya pipiliin kong mamatay kaagad."

Napabuga naman ito ng hangin saka tumuloy sa pagkain. Hinayaan ko naman siya kaya tinapos ko na lang din ang almusal ko.

Nang pareho na naming naligpit ang lamesa at pinagkainan namin ay pareho kaming naupo sa sofa sa sala. "Kailan niya raw ako gustong makausap?"

"Isang araw pagkatapos ng book signing mo."

I scoffed. "Should I give her a signed book of mine as a present?" I sarcastically asked.

Napailing naman si Bangun. "Magiging mabilis lang naman ang pag-uusap niyo."

I rolled my eyes. "Of course, you knew that." Pareho na naman kaming natahimik.

"Athanasia..." mahinang pagtawag ni Bangun. Hindi naman nawala ang tingin ko sa TV sa harapan namin. Hindi na ako sumagot at hinintay na lamang ang sasabihin niya. "Kung may isang tao mang nagsabi sayong gusto ka niyang makasama habambuhay, hahayaan mo ba siya?"

Napaka-random ng tanong niya na nagpakunot ng noo ko't napaharap sa kanya. "What?"

He shrugged and faced me. Bangun expressed no emotions other than pure curiosity. Mas lalong lumalim ang gatla sa noo ko. "Simpleng tanong lang. Hypothetically speaking. Hahayaan mo bang mahalin at makasama ka ng taong iyon habambuhay?"

Mahina naman akong natawa. "Number one, no human can live forever with me. And number two, I don't want to live anymore. So no, Bangun. I won't let that person."

"So, gustong-gusto mo na talagang mamatay?"

I flatly looked at him. "Paulit-ulit? If a genie asks for my three wishes, those would be me dying, I die this instant, and my death."

Napabuga naman siya ng hangin na para bang sukong-suko na siya sa pangungumbinsi sa aking mabuhay. "Paano ang readers mo? Ang mga kwento mo?"

I shrugged. "Marami namang mas magagaling sa akin na writers kaya mapapalitan at makakalimutan din ako kaagad."

"Paano ako?" bigla niyang tanong saka iniwas ang tingin niya sa akin. "Paano ako kapag nawala ka? Paano naman yung mararamdaman ko kapag iniwan mo na ako?" Punong-puno ng lungkot ang bawat salitang binibitawan niya na nagpapakurap ng ilang beses sa akin.

Just what is he talking about? Why is he being like that? "Bangun..."

Bigla niyang akong tiningnan ng diretso sa mga mata. "Hindi mo man lang ba naisip ang mararamdaman ko kapag pinagbigyan ka ni Jelayah na mamatay? Hindi man lang ba pumasok sa isip mo kung anong mangyayare sa akin kapag hindi na kita makikita o makakausap? Ganyan ka ba ka-selfish? Alam ko kung anong pinagdaanan mo dahil sa sumpang ibinigay sayo ni Jelayah pero hindi pa ba ako sapat na rason para gustuhin mong manatiling buhay?"

Pigil ang hininga ko habang nagsasalita si Bangun, at nanatiling nakatitig sa kanya ang mga mata ko. "Bangun... Ano bang pinagsasasabi mo?"

Napabuga siya ng hangin saka tumayo at naglakad papunta sa pinto ng apartment ko. Hawak na niya ang doorknob nang muli siyang magsalita. "Alam mo, Athanasia? Minsan subukan mo ring buksan ang mga mata mo. Subukan mo ring pakiramdaman ang ibang tao sa paligid mo. Baka kasi hindi mo napapansin na may ibang nag-aalala sayo. At minsan, uso ring kalimutan si Zagan. Baka kasi hindi mo nararamdamang may iba ring gusto ng pagmamahal mo."

Pagkatapos noon ay tuluyan na siyang lumabas ng apartment ko. Nanatili naman akong nakatulala't nakatitig sa nilabasan niyang pinto.

Alam kong ilang beses nang nagsasabi ng wala sa hulog na mga salita si Bangun pero ngayon ko lang siya nakita't narinig na para bang nasasaktan siya. Sa hindi ko malamang dahilan ay parang mabigat din sa aking damdamin ang bawat salitang binitawan niya.

Nalilito ako, oo, pero mas nangibabaw ang pag-aalala ko kay Bangun. Ang mga salitang iyon. Ang lungkot at sakit na madadama sa tono ng kanyang pananalita. Lahat iyon ay nagpapaalala sa akin.

Anong nangyayari sayo, Bangun?

Endless Pen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon