CHAPTER FIFTEEN

37 2 1
                                    


CHAPTER FIFTEEN

ATHANASIA'S POV

Days have passed like wind, and before I knew it, my face was all over the internet. There were tons of compliments that made me cringe for a couple of days before slowly trying to get used to it—but of course, I'm failing.

I ended up not wanting to browse my social media accounts or the internet in general. I just tried to focus on exercising my hands and wrists—as well as my smile—because Bangun said I'll be needing those for the book signing event.

Though Bangun asked me to go shopping with him for some freebies that I'll give to my fans—my readers—who would come earlier than others at the book signing event.

I really didn't want to go, but he's persuasive so we both ended up inside the mall. He did tell me to wear a mouth mask, which I did find convenient since a lot of people finally know my face. Both of us, actually, were wearing facemasks.

So at the end of that day, Bangun and I have string bags, cute little stuffed horses, and simple bracelets for the freebies. And the fun part is that I didn't pay for anything. I let Bangun waste his money since he's the one who thought of that.

It was also Bangun's idea to buy those stuffed horses. Hindi naman talaga dapat ako papayag kasi una sa lahat, anong connection ng cute na mga kabayo sa kwento ko? I suggested buying scissors because my main character in that soon-to-be-book story used scissors to kill herself. But all I received from Bangun was a frown and disapproval.

As of today, nagpa-package na lang kami ng mga freebie. Ayoko sana dahil ano pang sense ng pagbabalot kung pwede namang ibigay na lang as is yung freebies.

"Napaka-effort mong nilalang," Bangun sarcastically told me.

We're currently in my apartment's living room. Both Bangun and I were sitting on the floor and all of our stuff was on my coffee table. He's teaching me how to make the package cute and pleasing to the eyes of the readers and fans.

Napabuntong hininga na naman si Bangun sa pang-apat na beses. "Ito nga muna kasi ang ilalagay mo, tapos ipatong mo yung thank you card mo with your signature," pangangaral nito sa akin.

I stretched my back and groaned. "Why are we even here on the floor? Pwede namang sa dining room gumawa para mas maayos tingnan at hindi—" I look around the living room floor. "—makalat katulad dito."

Nagulat naman ako nang biglang pitikin ni Bangun ang ilong ko. Mahinang pitik lang 'yun pero ang laki ng epekto sa akin. "Hindi ka kasi sanay gumawa ng ganito. Alam mo mas nakaka-enjoy at memorable ang ganitong mga bagay kung pinaghihirapan."

I couldn't help but frown at his last statement. "Pinaghirapan ko rin naman ang sinulat kong akda ah? Isn't that enough?"

Napailing na lamang siya. "Iba kasi yung libro lang sa mga idadagdag mong regalo sa readers mo. Alam naman na nila kung ano ang nilalaman ng mga kwento mo pero hindi ka pa nila lubos na kilala." Inangat niya ang hawak niyang stuffed horse. "Kung ngingitian mo sila at aabutan ng ganito, para mo na rin sinasabi sa kanilang, Salamat sa pagbabasa at paga-appreciate ng mga kwento ko kahit hindi niyo ako kilala. At kapag nalaman nilang ganoon ka, hindi lang ang mga kwento mo ang mamahalin nila kundi pati na rin ikaw."

"But I don't need other people's love and affection," mahina kong sagot sa kanya habang nakatingin sa mga string bag na pinirmahan ko.

"You do, Athanasia. At baka kapag hinayaan mong papasukin sa mundo mo ang mga taong totoong nagmamahal sayo, baka sakaling malaman mo kung bakit ka binigyan ng sumpa noon."

Agad akong napaangat ng tingin sa kanya. "Nasanay na akong hindi ko dapat hinahayaang may iba pang tao akong mahalin dahil alam kong ipagkakait lang din naman sa akin ng Maykapal na makasama sila." I bore myself to him. "I've met and cared for some people and even animals during my first century, Bangun. Pero lahat sila ay kinuha pa rin sa akin. And when I finally thought that I'll be with someone who would be with me, who understands me, who will live as long as I will, wala. Hinayaan pa rin naman nilang mamatay siya, diba?" I felt tears on my cheeks. "Alam ko naman nang parte ng sumpa ko ang maging mag-isa at miserable, kaya hindi ko na lang ulit hahayaang magmahal pa ako ng iba para lang masaktan muli, Bangun."

I stood up as I dried my tears, went to my room and locked myself in. Hinayaan ko na lang ang sarili kong umiyak. Sa hindi malamang dahilan ay nasabi ko ang mga iyon kay Bangun.

Kapag talaga ang mga nangyari sa akin noon ang pinag-usapan ay laging bumibigat ang dibdib ko at hindi ko maiwasang umiyak.

I just don't want to feel that same pain again. Masyado nang maraming nangyari sa buhay ko para maranasan ko na naman iyon.

Nang kusang tumigil ang mga luha ko sa pagbagsak ay pilit kong pinaalis ang sarili ko sa kama at kumuha ng damit at gamit ko para sa paliligo. Halos pagabi na rin kasi at malamang sa malamang ay nagluluto na si Bangun ng hapunan namin.

Sa hindi malamang dahilan ay nakasanayan na ni Bangun—well, pati ako—na sabay kaming kakain ng hapunan. Palagi siyang nandito sa apartment ko at nagluluto ng kakainin namin. Buti na nga lang at hindi siya natutulog dito eh.

Siguro ay dahil sa hinahanda niya ako para sa nalalapit na book signing event? Kasi kakailanganin kong masanay makipag-usap sa ibang tao kahit saglit lang nang hindi naiirita kaagad? Hindi ko rin sigurado pero pakiramdam ko naman ay talaga ngang nakakatulong siya kahit papaano.

Nang matapos akong maligo at magbihis ay agad akong lumabas ng kwarto ko. Nakita ko naman si Bangun na nagluluto kaya naman ay dumiretso muna ako sa sala pata magligpit ng kalat namin.

Ilang saglit lang ay narinig ko ang pagtawag sa akin ni Bangun. Tinapos ko kaagad ang pagliligpit saka pumunta sa dining room. Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain at kahit gustuhin kong kausapin siya tungkol sa pangyayari kanina ay hindi ko magawa.

"Mag-iingat ka ha?" biglang sabi ni Bangun na nagpakunot ng aking noo.

"What do you mean by that?" Bilang sagot sa aking tanong ay biglang nag-ring ang aking phone. It was the officer. I quickly picked it up. "Yes, officer?"

(Ma'am, nahanap ko na po yung babaeng pinapahanap niyo po noon.)

I quickly looked at Bangun who was staring at me. "Nasaan po siya?"

SPO3 Benjie automatically gave me the address of the lady. (Wala po siyang cellphone o kaya naman ay telepono kaya 'yan lamang po ang maibibigay ko.)

"And that's enough, officer. Thank you very much for your help." We both bid goodbye and I stared back at Bangun, not saying anything.

He then sighed and looked down on his plate. "Hindi kita pwedeng samahan dahil paniguradong mangengealam lang ako at hindi pwede 'yun. Kaya naman mag-iingat ka at gamitin mo na lang ang sasakyan ko pagpunta mo roon."

Tumango naman ako saka walang imik na tumayo at kinuha ang susi ng kotse niya bago tuluyang umalis ng apartment ko. I do hope that you'll be safe. I don't want to be the cause of another person's death once again. Mas binilisan ko ang paglalakad ko papunta sa kotse ni Bangun.

Endless Pen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon