PART 13: CURIOUSITY KILL THE CAT

219 4 0
                                    

“may mga bagay ng nakaraan, na hinde na dapat pang ungkatin … kase ang pagsisi ay nasa huli…CURIOSTY KILL THE CAT ika nga?”

***

Si Andy 18 ang kaisang isang anak at
Kasama nya ang mama niya na nagaayos ng pamigayin na gamit na hindi na nila kailangan, para I donate sa mga taong nasalanta bagyo…
At ng nag gegeneral cleaning sila… at tumutulong siya sa mama nya sa pag bubuhat ng mga kahon
At habang nag kakalkal si Andy, napansin niya ang isa sa isang kahon.

At ng nahalungkat niya ang isang lumang camera…at ang plastic na puno ng mga litrato nito.
Nakalagay sa camera ay ANDY’S CAMERA. Nakasulat ito at ang tatak ng camera ay nikon.

Hinde sariwa sa alaala nya na may camera siya , (hinde niya maalala) kaya nagtaka siya. Binuksan niya ang plastic ng mga litrato at nakita niya ang mga litrato ng mga hayop iba’t ibang klase lalo na ang mga uri ng mga ibon at mga magagandang tanawin sa iba’t iba rin lugar, nakikita niya tila nag out of town sila, kaya tinanong nya ang mama nya.

Ang sabi ng mama niya na mahilig siya manguha ng mga litrato nong bata pa siya.
Pero hinde niya maalala ng linaw tungkol sa kanyang kabataan, kaya naman naisip niya na ang mga litrato na ito ang nagsilbing alaala ng Masaya niyang kabataan…
Inisa-isa niya ang mga litrato at karamihan doo’y mga litrato ng mga ibon mahilig siya sa ibon.

Sa dami nun hanggang sa bago siya matulog, iniisa isa nya ang mga litrato sumunod nun ang mga pic ng pamilya nya at siya lahat iyun ay may petsa at pamagat banda sa likuran ng bawat litratong nakuha.

“Anak Andy? Huwag mo kalimutan inumin ang gamot mo, bago matulog!” ani ng mama niya.(dahil sakitin si Andy)
“opo” ani nito at patuloy sa pagtingin ng litrato sabay nun ang pag inum niya ng kanyang gamut, habang iniinum niya ang tubig iniisa isa niya pa rin ang litrato hanggang sa nakita niya ang litrato ng bahagi ng kuwarto niya.
Naka night mode ang pagkuha nito , at sa malaking closet niya nakunan, at black and white ito marahil madilim. Napatitig siya ng matagal sa litrato napansin niya na nakabukas ng kaunti ang pinto ng closet. At may blurred na puting imahe sa bandang ibaba sa loob ng closet.

Napansin nya ang pamagat ng litrato “ANG BESTFRIEND KO!” ang nakalagay.

Nagtaka siya , kaya kinaumagahan tinanong niya sa mama niya sa weird na litrato. Ng ipinakita nya ito, na shock ang mama niya.
“saan mo ‘to nakita?!, huwag na huwag mo na ito titignan muli anak, pakiusap!” sabi ng mama niya na bakas ang takot at labis na pagaalala.
Tinanong ni Andy kung bakit ganon na lang ang reaksyun ng mama niya- pero wala na siyang ibang sinabi sa halip na iwasan niya tignan ang litrato na iyun.

…pero sa pangamba ng mama niya ang na udyok sakanya na lalong alamin ang msyteryo sa litrato na iyun at kung anu o sinu ang tinatawag niyang kaibigan?

Kaya naman ng gabing ulit iyun nag lakas loob siya para malaman dahil hinde siya makatulog sa kaiisip kung anu iyun kaya dahil sa curiosity niya kaya niya sinuway ang mama niya, at kahit pa’y kinakaban itinuloy niya pa rin
, ini-scan niya ang litrato na iyun at in-edit (para Makita ng malinaw)
Ng malinaw na (nacontrast) tapos zinoom niya.
Nangilabot siya sa nakita niya…

… isang kakaibang nilalang , na nakasilip pula ang bilugan na mata at may matatalas na kuko. At nakangiti ito sa kanya.

Bigla niya na close ang inedit niyang litrato sa laptop niya, tapos may gumulat sakanyang nabasa sa pangalan ng litrato na nai-scan niya(hinde niya pa napapangalan o na rename)

“KAMUSTA?” ang nakita niya.

Sa takot niya halos masira niya ang laptop sa biglaang patiklop nito, sa takot niya….
Kaya naman abot abot ang pagsisi niya na sana nakinig na lang siya sa mama niya noong binalaan siya tungkol dito.

PINOY Horror Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon