PROLOGUE

206 8 6
                                    

Maingay. Amoy alak. Mga naglalandiang bulate. Mga hipong walang tigil sa paggiling. Lahat ng tao rito ay lahat nagsasaya, maliban sa akin.

May ideya na kayo kung nasaan ako. I took a sip of my liquor. Noon ay hindi ako mahilig ng ganito. Noon ay ayaw na ayaw kong dumaan at pumasok sa isang bar or club. And now, I totally changed after I got married with someone who doesn't love me from the start.

Inubos ko agad ang natitirang alak sa baso ko bago ko pa alalahanin lahat ng sakit na matagal ko nang itinatago. I badly want to give up. Tanging puso ko lamang ang nakakapit sa manipis na pag-asa sa pagitan naming mag-asawa.

"Ma'am, nakakarami na po kayo." Imporma sa akin ng bartender. Mahina akong tumawa.

"Parang hindi na po kayo nasanay sa akin, kuya." Sagot ko. Umiling-iling lamang siya bago i-entertain ang ibang customer.

May naramdaman akong humaplos sa walang saplot kong balikat pero hindi ko na binigyan ng pansin. I am wearing nude knee length off-shoulder dress. I do not wear this kind of clothes pag pumupunta ako rito. Nagkataon lang na galing ako sa isang party at naisip na pumunta rito para makapag-isip isip.

"Hi, Belle." Tawag sa akin ng lalaking ito. Umikot ang mga mata ko sa narinig. Naisipan pang ako ang landiin pero iba naman ang tinatawag sa akin na pangalan.

Agad kong inalis ang kamay niyang nakahawak pa rin sa balikat ko. Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba dahil sa ginagawa niya. Palagi naman akong nakakaramdam ng kaba sa tuwing na pumupunta ako sa mga ganitong lugar dahil naiisip kong baka nasa tabi-tabi lang ang asawa ko, pero iba ngayon. Pakiramdam ko ay may darating.

"I am not Belle, you f*cker. Kaya umalis ka sa tabi ko." Pagsuway ko sa kanya pero imbis na umalis ay narinig kong mahina siyang tumawa at idinikit sa likod ko ang matigas niyang tiyan. Nanghina ang mga tuhod ko, buti na lang ay nakaupo sa sa isang bar stool.

Namuo na ang mga luha ko nang maramdamang hinawakan niya ang harapan ko at mahinang pipisilin pero hindi natuloy dahil bigla siyang natumba.

"Go and find your Belle because this girl isn't her." Malamig na wika ng isang pamilyar na lalaki. Kahit hindi gaano malakas ang boses ng lalaki ay narinig pa rin ng bastos na lalaki kaya agad na umalis habang pinupunasan ang dugo sa pumutok niyang labi.

"Seb, honey." Mahina kong tawag sa lalaking nanuntok na ngayon ay nakatingin sa akin ng malamig. Nagsipatakan ang mga luha ko na naging dahilan kaya lumabo ang paningin ko. Bigla namang sumakit ang ulo ko.

Hindi ko na-control ang katawan ko at huli na nang mapagtanto kong nakahalik na ako sa lalaki. Dahil para siyang naestatwa sa kinakatayuan niya ay ako na ang unang gumalaw. Mas pinalalim ko pa ang halik ko pero hindi niya tinugon.

"Ta-tamara, stop." Itinulak niya ako ng mahina para maghiwalay ang mga labi namin. Why did he do that? Bakit nabago ang boses niya?

"Mara, stop. I am not Sebastian, ako si Jhon." Napatitig ako sa mukha niya dahil sa sinabi niya. Jhon? Bakit kapangalan niya ang dating boyfriend ko?

Huli na nang ma-realize ko kung sino siya dahil siya ngayon ang natumba. Nakahawak siya sa kanyang panga at sa kanyang ilong na ngayon ay dumudugo.

"What is your f*cking problem, Jhon Clark Williams! Noong una ay si Vanesse na ex-fiancée ko at ngayon na naman ay ang asawa ko ang aagawin mo!?" Malakas na sigaw ni Sebastian. He is the real Sebastian, not the man whom I kissed earlier.

Nanigas ako sa kinakatayuan ko nang pinagsusuntok suntok na ni Sebastian si Jhon. Hindi ko nagawang awatin ang dalawa dahil sa sobrang tinding takot. Agad silang inawat ng mga lalaking nagsasayaw kanina.

After Our Breakups (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon