AN: Good day! Here's the new chapter of this story for you all. Still, wala pang regular update, but soon ay meron na. Baka before or on March ay matapos ko na ang isang on-going na story ko and after that, I will continue writing this story.
I've posted this dahil nag-one year na ang fb page ko and it reached 2k+ likes/follows.And also I reached 200+ followers here in watty Thank you for your support❤️. Enjoy reading!!!-----
Buwisit na traffic! Tang*na!
"Manong, baka naman po may alam kayong shortcut? Alas nuvebe 'ey medya na at late na late talaga ako."
Bakit kasi ang malas ko sa araw na ito? Nagsabay pa ang mabigat na trapiko at ang late kong paggising! Thirty minutes na akong late! Umagang-umaga ay sirang-sira na ang araw ko, at ang beauty ko!
"Meron pong daan doon sa unahan, hindi pa mararating ang mataas na building na iyon, kaso hula ko ay traffic din doon. Pero doon po tayo dadaan."
Manghuhula pala si Manong drayber. Pati ata ulo ko ay papainit na, hindi dahil sa mainit na sikat ng araw kundi sa mga kotse na ito! Wala bang traffic enforcers sa daan? Baka mamaya ay may magkabangaan na.
"Bakit naman, manong?"
"Wala kasing pinapadaan ang mga police doon sa tapat ng mataas na gusali. Ang narinig ko ay darating daw ang may ari, ang CEO."
Agad na nag-isang linya ang mga kilay ko. Really? Bakit idadamay pa ang public road sa pag-welcome sa CEO nila? Sana sa liblib na lugar nila pinatayo ang kompanya niya para hindi maka-abala sa ibang tao. Para naman kahit araw-arawin niya ang paggrand entrance ay walang problema.
Hello! Hindi nila pag-aari ang daan para pagbawalan ang mga daan! Maiintindihan ko lang sana kung ang presidente ng Pilipinas ang may-ari pero sa tingin ko ay hindi. Pero kung siya nga?
Bumuntong-hininga na lang ako pampakalma. Hindi pa nga ako nakaka-tatlong linggo sa trabaho ko ay limang beses na akong nalate. Magtatagal pa ba ako?
Knowing that man, ang pinagsisilbihan ko, ay maikli lang ang pasensiya. Tatlong late lang ay mamaalam kana sa trabaho mo.
Isa lang naman akong stylist ng isang sikat na actor. Pinapangarap ng karamihan na magtrabaho kay Clevion Wartor, isang guwapo at sikat na actor sa panahong ito. Lahat ng katangian ng dream man mo ay almost nasa kanya niya.
Pero hindi katulad ng iba na gustong makalapit sa actor ang dahilan kaya nag-aapply ng kahit anong trabaho kay Clevion, ang habol ko lang ay ang suweldo. Mataas sila magpasuweldo. 50k per month, excluded jan ang gagamitin kong gastos pag may shoot siya sa ibang lugar at may pa- monthly bonus pa pag umabot ka ng isang taon! Talagang sobrang worth it ang pawis at tiyaga mong mag-early!
Isang magsasaka lang naman ang tatay kong nasa sixty-nine ang edad. Ang nanay ko naman ay retired teacher ng isang mababang paaralan sa probinsya namin at isang grocery store owner na ngayon. Kaya ako na ang tumayo bilang breadwinner, ang nagpapa-aral sa dalawa kong mga kapatid. Para tumigil na si tatay sa pagsasaka at ma-enjoy nila ni nanay ang buhay.
Mag aalas-diyes na nang marating namin ang sinasabi niyang daan. Tanaw ko ang mga police na nagkakalat sa tapat at malapit sa pinakamataas na gusali rito.
Totoo ngang may darating na may mataas na rangko. Mabutas nasa ang mga gulong ng sinasakyan niya para sa gayun ay makaganti ako sa pagsayang niya sa oras ko.
Pagkababa ko palang ay takbo na agad ang ginawa ko. Ni-hindi ko nga nakuha ang sukli kong 840 pesos eh. Malaki nga ang sahod ko pero parang mapapa-keep the change ako palagi pag 'di ako matutulog ng maaga!
Pagkapasok ko pa lang sa main entrance ng building ay sinalubong na ako ni Drake, ang mabait na manager ni Clevion. "Late ka na naman! Pasalamat ka talaga at kararating lang namin!"
BINABASA MO ANG
After Our Breakups (ON-HOLD)
RomanceSEBASTIAN RODRIGUEZ is a famous and successful CEO. At the age of twenty-eight, he owns five big corporations and many businesses around the globe. He thought his life is perfect which is very wrong. He has billions but true love? He has not. He tho...