"Her name is Tamara? Bagay sa kanya dahil mukha na siyang tamaraw ngayon."Lumalabo na ang paningin ko dahil sa narinig. Kumalma ka Tamara, huwag pairalin ang inis.
Kahit anong pagpapakalma ko sa sarili ay wala pa rin. I just can't accept that someone just called me tamaraw. Alam ko namang sobrang lapit lang nila pero ni isa ay walang nagtangkang tumawag sa akin non.
Ako? Mukhang tamaraw ngayon? Baliw na ba siya? Alam kong mukha akong cute pag naiinis o nagagalit. Kaya nga palagi akong iniinis ng mga close friends ko eh, ang cute ko raw.
Napatingin ako ng masama kay Drake nang nanggigil ito. Buti na lang ay nagcontinue na ang shoot dahil kung hindi ay yari siya sa director.
Napansin kong pinagtitingnan kaming tatlo. Ang karamihan ay kinikilig. Nakakita lang ng guwapong bisita ay para na silang mga bulate. Ayy wait, hindi pala guwapo si Sebastian, mukha siyang butiki.
"Haluh, may sparks."
Natatawang wika ni Drake kaya nagtatakang napalingon kami ni Sebastian.
"What do you mean, bro?"
"Wala, sabi ko twinkle twinkle little star."
Iniwan ko na silang dalawa dahil naiinis pa rin ako. Makahanap nga ng salamin at i-sampal sa magaling na Sebastian na iyon.
Nakita kong nakaupo sila Clevion, Sebastian, at Drake doon sa malaking sofa. Tatalikod na sana ako nang tawagin ako ni Drake na lumapit sa kanila.
Tatanggi sana ako kaso nainis ako sa mukha ni Sebastian na ngayon ay nakangisi. Para bang pinapahiwatig niyang takot akong sumali sa usapan nila.
"Clev, alam mo bang may sparks sa kanila?"
Daldal ni Drake pagkaupo ko pa lang sa pang-isahang sofa. Ang daldal talaga ng lalaking ito.
"Sparks?"
"Oo, bagay sila."
Muntik nang maibuga ni Sebastian ang iniinom niyang kape. Sayang naman, magsasaya na sana ako kung sa ilong niya lalabas ang kape. Ipo-post ko talaga sa Instagram.
"How can you say so?"
"Kanina kasi ang lagkit, este ang sama ng tingin nila sa isa't isa. Para bang inlove, este galit na galit sila sa isa't isa."
Kung may alam lang akong writing contest ay pipilitin ko si Drake na sumali. Baka paggawa ng story ang bagay sa kanyang trabaho, hindi pagiging manager.
"You two know each other?"
Kuryosong tanong ni Clevion sa amin.
"Ngayon ko lang nalaman ang pangalan niya, but we'd seen each other yesterday. She's a dangerous woman."
Si Sebastian ang sumagot.
"What did she do?"
Nagiging chismoso na ang boss ko. Pinaningkitan ko ng mga mata si Sebastian ng magawi sa akin ang tingin niya. Sabihin mo ang totoo at tatadyakan talaga kita.
"Natapunan ko lang naman siya ng wine kagabi. Ano ka ba Sebastian, iyon lang eh sinasabi mo nang delikado akong babae."
Sagot ko. Sinalihan ko pa ng pekeng tawa para medyo magmukhang totoo pero hindi na-convince ang dalawa.
"She kissed me yesterday without my permission."
Sagot ni Sebastian.
"Woah, a dangerous woman indeed."
Wika ni Drake sabay palakpak. Si Clevion naman ay nakita kong napangisi bago sumipsip sa kape niya.
"Bakit ang honest mo‽"
BINABASA MO ANG
After Our Breakups (ON-HOLD)
RomanceSEBASTIAN RODRIGUEZ is a famous and successful CEO. At the age of twenty-eight, he owns five big corporations and many businesses around the globe. He thought his life is perfect which is very wrong. He has billions but true love? He has not. He tho...