Josh's P.O.V.
RAMDAM ko ang paghaltak sa akin pataas ng dalawang guwardiya sibil na hinawakan ako sa magkabilang braso.
" Kapitan..." Lahat sila sumaludo at nagbigay galang sa kanya. Agaran siyang tumayo at pinagpagan ang kanyang uniporme na napuno ng alikabok. "Ano ang nangyari dito?"
Ang mga mata niya ay dumiretso ng tingin sa likuran namin at sinundan ko yun. Napanganga ako ng makita lahat ng napinsala at nasira ko dahil sa katatakbo. "Nakita po namin siyang paikot-ikot sa loob ng kampo. Sigurado po ay isa siyang espiya."
Namilog yung mata ko nang sabihin nila yun at nagpumiglas. "Sinabi ko nang hindi ako espiya eh!! Ba't ba ang kulit niyo?!"
Lalo pang humigpit ang hawak nila sa akin. Alam ko namang wala silang balak na pakawalan ako pero atleast I tried.
"Imbestigahan siya." seryoso niyang sambit habang nilalagay sa kanyang likod ang mga kamay niya at nauna nang maglakad sa amin. Napaawang yung bibig ko. Kinalibutan ako ng marinig ko ang boses niya. Di parin ako makapaniwala, I just heard Captain De Dios' voice.
Teka lang, di ba patay na siya?
DINALA nila ako sa isang silid na nasa loob ng kampo. May isang kahoy na lamesa at dalawang upuan sa may bandang gitna. Puwersahan nila akong pinaupo doon at tinali ang mga kamay ko sa likod.
"Pakawalan niyo ko!!...Hoy!!" Sinubukan kong hilain ang mga braso kong nakatali pero lalo kong naramdaman ang paggasgas ng magaspang ng tali sa pulsuhan ko. I'm doomed, there's no way out of this.
"Hindi ko alam kung anong mga trip ninyo pero for the 100th time, I'm telling you na hindi ako espiya!!" Ngunit kahit anong pagsigaw ang gawin ko, kahit pa siguro magasgas na ng todo ang lalamunan ko kakasigaw ay wala silang balak na pansinin ako.
"I don't know what you guys are doing but just to let you know that you are violating my human rights!..tama bang igapos niyo ang isang inosenteng tao ng ganito? I can report you the police!"
Pasigaw na uli ako nang biglang pumasok si Kapitan De Dios. Hindi ko alam kung bakit ba ako biglang natahimik.
Nagulat ako ng bigla siyang tumayo sa harap ko, sa tabi nung isang sundalong nakaupo na malamang ay magiimbestiga sakin. "Ano ang iyong ngalan?" nakita ko na bumwelo na ang sundalong naka-upo at handa ng isulat sa lumang papel sa harap niya ngayon ang bawat impormasyong sasabihin ko.
"Josh Santos" ngiti ko. "4th year Med Student. Ano bang nangyayari dito? Am I dreaming? Hanggang dito ba naman Captain De dios pa rin?" I shook my head in disappointment.
"Di ko mawari ang iyong mga pinaparating, bagong estilo ba yan ng nga espiya upang balaan ang mga kakampi ninyo?!" sigaw niya sakin. Natulala ako bigla, trying to process out everything and after a few seconds, I laughed.
"Bravo, bravo, bravo. Kudos sa theatre club, they've totally outdone themselves this year. Nakahanap sila ng kamukha ni Captain De dios and the set up, so realistic!" I said in total awe. Kung di lang nakatali ang kamay ko, kanina pa ako pumalakpak. "So may cultural event ba ang UST ngayon? Is this act a part of that?" nagtataka ko silang tinignan.
Muntik na kong matumba sa kinauupuan ng nilabas niya yung baril niya at tinutok sakin. "Sino ang nagpadala sa iyo dito?! Anong binabalak ninyo?!"
Di ko alam kung ano ano mga pinagsasabi nila basta ngayon di ko mapigilang matawa. "Ang mamahal siguro ng mga suot niyo 'no" napatakip ako ng bibig dahil sa pagkamangha. "Totally loved the performance. You guys slayed. Feel na feel ko yung takot. Oh siya, cut the acting na, parang anytime babarilin mo na ko eh."
YOU ARE READING
Captain De Dios; Since 1892 | JoshTin AU
Historical FictionJosh Santos, a 4th year UST Med Student is tasked to do a history research about Captain De Dios of 1892. An SB19 Story Adaptation of Captain Jeon; Since 1894 Highest Rankings: #1 - sb19sejun #1 - sb19xatin #1 - johnpaulonase #1 - stellvesterajero ...