Himala yata, bakit parang walang pinapagawa si Justin ngayon..
Magtatanghali na at nandito parin ako sa dorm ng mga sundalo. Walang pinaguutos na kahit anong training si Justin kaya hindi kami pwedeng lumabas hangga't hindi pa saktong alas-dose ng tanghali para kumain. Pinagmamasdan ko lang ang paghampas ng hangin sa mga dahon ng puno ng mangga sa bakuran ng kampo nang may biglang kumatok sa pinto.
Naguunahang makarating doon si Silvestre at Gabriel, nang mabuksan ay tumambad sa kanila ang isang opisyales ng kampo. Napa-ayos tuloy sila lahat ng tayo at pati kaming mga naka-upo ay napatayo at napasaludo na rin.
"Pinasasabi ng opisina ng heneral at kapitan na maaaring lumabas ng kampo at magpahinga ang lahat ng mga soldado en entrenamiento. Kayo ay inaasahang bumalik dito sa kampo bukas ng alas-diyes ng gabi. Maaari na kayong mag-impake ng mga nais ninyong dalhin at lumabas na ng kampo."
Nagtalunan kami sa tuwa at naghiyawan ng marinig iyon at agad na kinuha ang mga sling bag namin para mag-impake. Buti naman at pinayagan kaming magday-off ngayon. Gustong gusto ko nang makauwi at matulog sa malambot kong higaan...
"Joshua, may pupuntahan ka ba agad paglabas natin? Tara't uminom muna tayo sa karinderya ni aling pacing..." para bang pumalakpak ang tenga ko ng marinig 'yon. "Sige, sasam-"
"Maliban sayo Santos.." sabi nung opisyales "pinapatawag ka ni Kapitan sa kanyang opisina, ora mismo" biglang kumunot ang noo ko at nagbago ang mood ng marinig 'yon. Napatigil tuloy ako sa pagiimpake at tinignan ang opisyales.
"Seryoso?" tanong ko. "Wag nang magbagal, ayaw ng kapitan ang pinaghihintay siya" ma-awtoridad niyang utos bago lumakad paalis. "Sumunod ka nalang sa karinderya, Joshua." Pagpapalam nila at tinapik ang likod ko bago tuluyang umalis ng kwarto namin.
Napa-padyak nalang ako sa inis at nagmamaktol na lumabas ng kwarto namin. Ano na namang gusto niya? Hadlang talaga siya sa kasiyahan ko!
---
Pumasok ako sa opisina ni Justin. Na-abutan ko siyang nakaupo sa harap ng lamesa niyang napupuno ng mga papeles at mapa nang kung ano anong lugar.
Napa-halukipkip nalang ako ng braso at tumayo sa tapat niya.
"Pinatawag mo daw ako?" Sarkastiko kong panimula "bakit, miss mo na ko 'no" napalitan ang tono ko ng pang-aasar, dahil don ay napatingala na tuloy si Justin
"Hindi ko na naman mawari ang iyong mga sinasabi." Tumayo siya ng mesa niya at lumakad papunta sa book shelves niya sa may tabi ng bintana. "Ako'y napag-utusan ng punong heneral upang ituro saiyo ang lección bàsica ng pagiging isang sundalo."
Sinimulan niyang kumuha ng mga libro sa book shelves. "Lecc-letchon ano? Wag mo nga akong kinakausap ng spanish." Di niya ako pinansin at tuloy tuloy na kumuha ng mga libro, napansin kong nakakadami na siya, mga 7 na libro na.
YOU ARE READING
Captain De Dios; Since 1892 | JoshTin AU
Historical FictionJosh Santos, a 4th year UST Med Student is tasked to do a history research about Captain De Dios of 1892. An SB19 Story Adaptation of Captain Jeon; Since 1894 Highest Rankings: #1 - sb19sejun #1 - sb19xatin #1 - johnpaulonase #1 - stellvesterajero ...