07.

419 26 4
                                    

PINAGMAMASDAN ko si Adela habang inaayos niya sa porselanang vase ang mga mirasol na dala namin. Hindi mawala sa mga labi niya ang ngiti noong inabot ko sa kanya iyon kanina hanggang ngayon. Minsan ay napapansin ko rin na palihim niya akong sinusulyapan. Aminado naman ako na kay gandang lalaki ko talaga.

"Señor, ano ho ang ibig ninyong inumin?" Tanong ng isang kasambahay. Nakaupo ako ngayon sa kahoy na upuan dito sa sala at tinitignan si mama tsaka si Adela na may kung anong pinaguusapan sa azotea. "Kahit pineapple juice na lang po tas paki-damihan na rin ho ng yelo." naka-ngiti kong sagot.

"Ho?" Napalingon sa akin ang kasambahay, nakatabingi ng konti yung ulo niya at halatang hindi niya na-gets yung sinabi ko. "Ahh...ehh...sige ho, tubig na lang." Napakamot na lang ako ng batok. Masarap sana mag-juice kapag ganitong medyo mainit-init ang panahon." 'tas pakipuno parin po ng yelo."

Umalis na yung serbidora habang ako nama'y nagikot-ikot sa loob ng sala nila. Nasa fuerza daw si Don Santiago at inaasikaso ang mga tulisan kaya mag-isa lang ngayon si Adela. Tumapat ako sa isang mesa na napupuno ng mga picture frame na gawa sa kahoy.

Ang iba ay larawan ni Adela, ang iba nama'y larawan ng pamilya nila, ang isa ay parang kinuha sa isang studio.

Kinuha ko iyon at pinagpagan ng kaunti ang salamin upang matanggal ang alikabok. Lahat sila ay nakadamit ng pang europeyo. Si Adela ay nakaupo sa kaliwang binti ng lalaking malamang ay si Don Santiago habang mayroon ding batang lalaki na nakatayo sa tabi nito at katabi niya ay isang babae na siyang bukod tanging nakangiti sa larawang ito.

Sa likod naman nun ay isa pang larawan ng dalawang batang lalaking mag-kaakbay. Halatang mas bata ang isa sa kanila. Nakasuot sila ng brown coat at beret hats. Hindi ko man alam kung anong relasyon nilang dalawa pero mukhang malalim 'yun.

"Ginoo..." Narinig ko ang mahinhing pagtawag ni Adela. Tuwing tinatawag ako ng señor o ginoo, kinakabahan ako. Di ako sanay.

Tapos na pala ang pag-uusap nila. Sinenyasan niya ako gamit ang mata niya at di ko namalayang dinadala na ako ng paa ko sa hardin nila.

Nakasunod ang tagapag-bantay ni Adela sa amin, mga ilang hakbang rin ang layo niya para mapanatili ang personal space naming dalawa. Ilang minuto na rin kaming naglalakad ng mabagal, sinasabayan ko ang bawat hakbang niya, ni isa sa amin ay wala paring nagsasalita, hindi ko magawang magsalita. Ang tanging naririnig lang ay ang ingay sa kalsada at mga huni ng ibon na masayang umiikot sa loob ng hardin. Nagulat ako ng tinignan niya ako ng diretso sa mata bago nilingon ang bantay niya na napahinto rin sa paglalakad.

"Teresa, maaari mo muna kaming iwanan." Nagtaka ang itsura ng utusan na para bang nag-aalinlangan siyang gawin 'yon "Ngunit, señora .." nginitian siya ni Adela na para bang sinasabi nito na ayos lang siya bago tuluyang tinalikuran. Maya maya lang ay umalis na rin si Teresa. Nakatayo lang kami sa kalagitnaan ng hardin. Napupuno ito ng pulang rosas. Pumitas si Adela mula sa malapit na paso at inipit iyon sa kanyang nakatirintas na buhok.

Niyaya niya akong maupo sa isang upuang kahoy. Mahaba ito at mayroong sandalan. Nakaharap kami ngayon sa mataas na bakod ng mansion ng pamilya Gutierrez. "Napaka-aliwalas ng langit at sariwa rin ang simoy ng hangin..." Marahan niyang nilanghap ang hanging umihip. "Hindi ba't kay ganda ng panahon ngayon, ginoo." Ngiti niya.

Tumango na lang ako at pinagmasdan siya habang inosente siyang nakatingin sa langit. Mahahaba ang mga pilik-mata at medyo singkit ang mata niya. Matangos ang ilong at hugis puso ang mga labi. Mistisa rin siya. Napangiti ako ng makita ang pinagmamasdan niya. Isang pulang saranggolang malayang lumilipad sa hangin. Para siyang isang batang pinagmamasdan ang hawak na candy ng taong nasa harap niya.

Captain De Dios; Since 1892 | JoshTin AUWhere stories live. Discover now