MARIIN kong nginunguya ang bawat kagat ng suman habang naka-pokus ang tingin sa kalsada at nagmamaktol dahil sa sapilitang pagsasama sakin ni mama. Sabi niya ay puro pag-gala lang naman daw sa plaza ang inaatupag ko at wala raw iyon madudulot na maganda sa akin. Mas mabuti pa raw na sumama ako sa kanya sa simbahan upang mapalapit ang loob ko sa Diyos.
Ilang beses ng nauudlot ang mga naka-schedule kong pagsunod kay Justin. Maaaring magkulang-kulang na ang mga impormasyong maisusulat ko. Hay, kung pwede ko lang sabihin sa kanya na ang paggagala ko ay may malaking ambag sa kasalukuyan at future, baka sinamahan niya pa ko.
Wala na akong nagawa at sumama na lang ng mapayapa. Huminga ako ng malalim at nilanghap ang sariwang hangin habang nakasakay sa kalesang malumanay at kalmado lang ang takbo ng bigla na lang akong tumilapon mula sa kinauupuan.
Agad akong tumayo para sana pagalitan si Tinio ng makarinig ako ng isang pamilyar na boses. "Magandang umaga, Tinio!!!" nagulat ako ng makita si Ligaya, nakatayo siya sa may gilid ng kalsada. Kinikilig siya habang kumakaway dahilan para patakbuhin ni Tinio ng mabilis ang kalesa.
NASA loob na ng confession room si mama habang nagkukumpisal kay padre. Nakaupo lang ako at nakaharap sa altar. Napabuntong hininga ako bago lumuhod at nag-sign of the cross. Di ko alam pero bigla akong naluha ng maalala ko na lagi ko ring sinasamahan ang tita ko noon na magsimba. Nami-miss ko na ang dati kong buhay.
Ngayon, ang tanging hiling ko lang ay ang makauwi na.
At tila ba parang sinagot agad ng langit ang panalangin ko. Nakita ko si Justin, pitong silya ang layo niya sa akin. Nakasuot siya ng unipormeng pang-militar. Nakayuko siya habang hawak hawak ang kanyang sumbrero at nagdadasal ng taimtim. Napasingkit ang mga mata ko at pinagmasdan ko lang siya hanggang sa matapos na siyang magdasal. Hindi ko inakala na ang isang katulad niya ay may panahon pang pumunta sa simbahan para magdasal.
Nang matapos ay agad siyang tumayo at naglakad ng mabilis papalabas ng simbahan. Di ko namalayan na tumayo at naglalakad na rin ako para sundan siya. Pagkalabas ko ay agad kong natanaw na pasakay na siya ng kalesa, hahabulin ko sana pero agad naman akong sinalubong ng mga tindera at walang tigil na inaalok ng mga paninda nila. Sa kapilitan tuloy ay nakabili ako ng dalawang kakanin.
Nang makatakas mula sa kumpol ng mga tao ay agad akong sumakay ng kalesa at tinapik si Tinio na nakaidlip. "Tinio, gising. Sundan natin si Justin, dali!.."
HUMINTO ang kalesang kinasasakyan ni Justin sa isang mansion na halos kasing-laki rin ng bahay nila Adela. Kumatok siya sa kahoy na gate ng bahay at sa di katagalan ay mayroong lumabas na isang matandang lalaki. Sa itsura ng kanyang pananamit ay siguradong isa rin siyang Don. Sandali pa silang nag-usap sa labas bago inakbayan ng lalaki si Justin papasok ng bahay.
Nang mangyari iyon ay agad kong inihanda ang sarili ko para sundan siya. "Saan ho kayo pupunta, señor?" tanong ni Tinio. Tinuro ko ang bahay sa may di kalayuan, sinundan naman niya iyon ng tingin. "May mga bagay lang akong dapat gawin. Balikan mo na si ina sa simbahan, sigurado tapos na yun magkumpisal. Uuwi na lang ako ng mag-isa." mabilisan kong bilin bago tumawid ng kalsada.
YOU ARE READING
Captain De Dios; Since 1892 | JoshTin AU
Historische RomaneJosh Santos, a 4th year UST Med Student is tasked to do a history research about Captain De Dios of 1892. An SB19 Story Adaptation of Captain Jeon; Since 1894 Highest Rankings: #1 - sb19sejun #1 - sb19xatin #1 - johnpaulonase #1 - stellvesterajero ...