Kabanata 1: Sino ang Unang Presidente ng Pilipinas?

23 0 0
                                    

Minulat ko ang aking mata. Alas-tres na pala at nakatulog na ako ng higit sa libreng oras na mayroon ako. Dali-dalian akong tumayo at tumakbo patungo sa aking silid-aralan. Ngunit, ng ako'y makarating, ako'y nahuli ng aking guro at tinitigan ng aking mga kaklase. Ako'y napahiya ngunit sampung minuto lang akong late at binalewala ko na lamang ito. Nang ako'y umupo sa aking upuan ay bigla na lang akong tinawag ng aking guro.

"Ethan, tumayo ka nga at pumunta ka dito! Ikaw ang sasagot sa unang tanong ng inyong assignment."

At ng sinabi iyon ng aking guro, bigla na lamang bumigat ang aking dibdib nang ako'y nataranta dahil bigla ko na lamang naalala na wala akong assignment na maipapasa at mas lalong wala akong alam sa topic na ito. Ngunit, hindi ko pinayagang maging hadlang ang problemang iyon at tumayo ako, dala-dala ang aking mabigat na libro, sa pahina 23, at binasa ang unang tanong.

"Sino ang unang presidente ng Pilipinas?" matapang kong sinigaw sa harap ng buong silid-aralan.

"Madali lang pala ang tanong," ang sinabi ko sa aking sarili matapos kong sabihin ang tanong.

"At ano ang iyong sagot, Ginoong Ethan?" ang tugon ng aking guro.

"Si Andres Bonifacio ang unang presidente ng Pilipinas!"

Ngunit, bigla na lang akong tinitigan ng lahat ng aking mga kaklase at ng guro ko at nang tignan ko ang libro ko muli'y bigla na lang akong nakarinig ng tawa na mas malakas pa sa sigaw ng aking mga kaibigan. Nalito ako, "Bakit sila tumatawa? Tama naman ako, diba?" Hindi ko naintindihan hangga't sinabi ng aking guro na ang tamang sagot ay si Emilio Aguinaldo. Hindi ako makapaniwala, pero ito'y pinalampas ko lamang at hindi ko na ipinagtanggol pa. Ngunit, sa aking isip, siguradong-sigurado ako na si Bonifacio talaga ang unang presidente ng Pilipinas. Sa kasamaang palad, kinailangan ko pa ring sagutan ang aking malinis na libro bago pa man makaabot ang guro ko sa ika-tatlong tanong.

Mabilis akong gumawa ng paraan para sagutan ang lahat ng mga tanong at nagawa ko ito sa ilalim ng dalawang minuto, ngunit, mas mabilis ang pagsuri ng aking guro sa aming mga gawain. Hindi naman masama kung ako'y makakakuha ng tatlong wastong sagot sa isang gawain na mayroong dalawampung tanong, diba?

Hindi naman ako nagtagal sa aking klase at maya-maya lamang ay pinaalis ako ng aking guro sa klase niyang walang kwenta. Sino ba namang mag-aakalang ganoon ang itunuturo niya sa mga estudyante niyang nag-aaral para malaman ang totoo? Sino ba namang mag-aakala na dito ako napadpad dahil sa matalino kong sarili na pumunta sa HUMSS kaysa sa STEM. Nasa Engineering sana ako ngayon kung kinuha ko ang STEM. Sayang talaga, sa walang kwentang kurso pa ako napadpad na puno ng mga kasinungalingan.

Nang ako'y humakbang sa huling hakbang ng hagdanan ng kolehiyong pinapasukan ko ay, nakita ko na lamang ang dalawang lalaki na nakaupo sa may bandang puno na itinanim ng mga Tourism students sa tabi ng ibang building na hindi sa kanila doon noong 1998 pa. "Sino ba ang uupo sa walang kwentang puno na iyan na ginawa ng mga walang kwentang Tourism students?" ang tanong ko sa aking sarili. Nang lapitan ko sila ay, napansin ko ang kanilang mga mukha. Nagulat ako dahil nakilala ko sila agad. Sila yung mga kaibigan ko na sina James at Raymund na nag-aaral ng Computer Science. Akala ko free-time lang nila kaya hindi ko na inisip pa ang maaring mangyari.

"Hoy, pre, anong ginagawa niyo sa walang kwentang puno na 'to?"

"Wala lang. Wala kasi kaming mapupuntahan, pinaalis kami ng magaling naming guro dahil 'di daw kami nakikinig." ang tugon ni James.

"Wehh, totoo ba?" ang sabi ng nagdudang sarili ko.

"Oo, seryoso, di porquet Computer Science yung kurso namin ay matalino na kami, pero at least magaling ako mag=espanyol." ang tugon ni Raymund.

El Primer Presidente de FilipinasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon