[Prologo]
—
Sadyang hindi inaasahan,
Na ang araw na iyon ay darating.
Paggunita sa nakaraan,
Tila sa alapaap ako nahihimbing.Mala anghel mong wangis,
Mga ngiti mo'y hindi maiwaglit.
Natatangi mong talento'y labis,
Nabihag kahit na iyon ay saglit.Pambihirang pag-ibig,
Ang akala ko'y hindi maalipin.
Paglulubid ng salita'y pulos buhay at hilig,
Ngunit ngayo'y mga saknong ng pagtingin.Hindi inaakalang titibok yaring puso,
Para sa binibining hindi pa kilala ng husto.-Leon
—
****
Guhit, Sukat at Tugma
✑ Ito na ang pagsisimula ng makulay na pag-ibig na hinaluhan ng sining, panitikan at mga likhang kamay. Nawa'y nariyan pa rin kayo hanggang sa matapos ang nobelang ito. Maraming salamat sa pagmamahal at suporta sa aking mga akda. Mahal ko kayo. ♡
@JohnnyAlf
BINABASA MO ANG
Guhit, Sukat at Tugma
Historische RomaneSYNOPSIS: Isang binibini na bihasa sa pagpinta ng isang obra at isang ginoo na bihasa naman sa paglikha ng matatalinhagang mga tula. May kanya-kanyang buhay na sinusuong, mga nakasanayang gawain at pangarap na ibig abutin. Ngunit paano kung ginuhit...