-------------------------------------
---------------------------
Chapter 2New Brothers
---------------------------
--------------------------------------KASALUKUYAN akong inaayusan ni Midnight. Ngayong araw ang dating ng mga bibisita sa amin, hindi ko alam kung kaano-ano nila ang mga iyon kaya bisita na lamang ang itatawag ko sakanila.
Pinapasuot sa akin ni Midnight ang isang bestidang kulay puti na may mga disenyong rosas na kulay puti rin. Napapansin ko lang sakanila na ang parating mga pinasusuot sa akin na mga bestida ay puro bulaklak ang disensiyo. Amp. Wala man lang plain? Simpleng bestida lang ay ayos na rin sa akin. Magmumukha akong paso dahil nababalutan ng mga rosas ang bestida ko.
"My, my. Our princess is so gorgeous today." malawak ang ngiting ani Midnight.
Wow, ah? Ngayon lang ako maganda? Segu-segundo akong maganda. Simula nang makita ko ang aking hitsura ay wala na akong ginawa kundi titigan ang aking sarili sa salamin.
Mas lalo ngang nawirduhan sa akin si Twilight dahil hindi ko maiwan-iwan yung salamin sa study room niya noong nakaraang araw. Eh sa gandang-ganda ako sa sarili ko eh. Ngayon alam ko na kung bakit ako kinababaliwan ng lahat. Biro lang, hindi naman lahat. Saka ko lamang napagtanto na kaakit-akit nga talaga ang angking kakyutan at kagandahan ng aking katawang-bata.
Kaya pala naaabnormal sa akin si Kieran at gustung-gusto akong angkinin. Gayon din sina Sirius at Jadeite. Kumusta na kaya ang mga ulupong na iyon?
Pero bakit ganoon? Hindi man lang naakit ang siraulo kong ama sa taglay kong kakyutan? Kahit na sabihin na nating hindi niya ako totoong anak, sana man lamang ay na appreciate niya ang cuteness ko diba? Napaka-rare ko para balewalain niya ako!---biro lang. Kaya lamang siya hindi tinatablan ng cuteness ko kasi isa siyang pader. Grabe napakatigas na batong semento.
"Lil' twin. Narito na ang mga sasakyan nila. Narito na sila." biglang sulpot ni Nightfall nang bigla na lamang niyang buksan ang pinto ng aking kuwarto.
Itong si Nightfall napakabastos. Hindi talaga siya marunong kumatok.
Grabe naman,nariyan na kaagad ang mga bisita. Buti na lamang ay tapos na akong bihisan at ayusan ni Midnight.
Bakit ba kasi ang tagal niyo akong ayusan?
"Okay, let's go." ani Midnight saka niya ako binuhat at lumabas ng kuwarto.
Para saan pa ang pagsasapatos ko na pinasuot niya sa akin kung hindi naman pala ako makakapaglakad. Putakte na iyan.
Sabay na kaming bumaba mula sa ikalawang palapag, at nang dumeretso kami palabas ng bahay upang salubungin ang mga panauhin ay nauna na palang nakaabang sa labas si Twilight.
Tumabi kami kay Twilight habang ang atensiyon namin ay na sa dalawang sasakyan na nakaparada sa harapan namin.
Lumabas ang isang lalaki na may kalakihan ang katawan sa driver's seat sa kulay abong sasakyan,hapit na hapit ang suot nitong damit dahilan upang bumakat ang mga muscles nito sa braso pati sa dibdib.
Damn those muscles! Nakakatakam! Chos! Gastug nakakapanglaway na nakakadiri. Ewan ko ba, hindi naman ako masyadong mahilig sa ganyang pangangatawan. Slight lang.
Naka-shades ito nang harapin kami matapos niyang isara ang pinto ng kaniyang sasakyan.
"Triplets!" tawag nito sa tatlong kasama ko. Saka malalaki ang hakbang na lumapit sa amin na may malawak ang ngiti sakaniyang labi.
BINABASA MO ANG
The Mafia's Illegitimate Child (Book 2) (On-Going)
Abenteuer( O N - G O I N G ) Eri Leticia Callidora Yvaine the daughter of a mafia boss has a 22-year-old mentality. In her past self, she was Rei Claire Flaviano who was a college student but died later due to an accident.As the cliche scenario is it was i...