Kabanata 2

12 1 0
                                        

Pag pasok namin ay kakaunti na lang ang mga studyante sa labas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Pag pasok namin ay kakaunti na lang ang mga studyante sa labas. Siguro ay nasa classroom na ang lahat, madalas kasi ay pumipila muna kami para sabay-sabay pumasok sa classroom.

"Okey lang ma late, atleast may chismis tayong dala." Sabay ngisi ni Louis.

Nang makarating kami sa Classroom ay magulo ang lahat, wala pa kasi ang teacher namin kaya nasa kanya-kanyang grupo ang iba. Nilapag ko ang aking bag sa armchair ko at na upo.

"Grace, na miss kita huhuhu, wala akong makopyahan ng sagot sa mga quizi." Agad akong niyakap ni Arah at na upo ito sa tabi ko.

Napangiwi ako dito dahil sa pula ng labi niya, ang puti din ng mukha nito dahil sa foundation na nilagay niya. Saming dalawa, mas close sila ni Louis dahil nagkakasundo sila sa mga panlandi sa mukha.

"Hoy may chika kami ni Grace sa inyo." Lumapit si Louis sa'min bitbit ang armchair niya.

"Ikaw lang damay mo pa ako," ani ko.

"Hala, hala, hala! Ano 'yon?" Kita sa mukha ni Arah na excited ito sa sasabihin ni Louis.

"Asan na si Baby Marcus?" tanong ni Louis. Luminga linga kaming dalawa para hanapin sa classroom si Marcus. Pero mukhang wala pa ito.

"Wala pa siya, lagi namang late 'yong lalaki na iyon. Sakin n'yo muna ichika 'yan bilis." Pumalakpak pa ito ng tatlong beses.

Umayos ng upo si Louis at pinaglapat pa nito ang dalawang palad niya at malanding inusli ang p'wetan nito sa pagkakaupo.

"Ayon nga, may na tagpuang patay sa lugar namin. Si Mang Jojo 'yong matanda na nilait lait ako dati."

Mag kakalapit lang ang bahay namin nila Louis at Marcus—hindi naman gano'n kalapit. Pero mga ilang bahay din ang layo nito sa bahay namin. Nagiging Moca Uson ako sa sinabi ko.

"Jusko, bakit pinatay?" Napatakip ng bibig si Arah.

"Hindi ko alam, tanungin ko ba?" pilosopong sabi ni Louis sa kanya.

Ayon din ang katanungan sa isip ko, bakit pinatay si Mang Jojo, ano ang dahilan nito bakit binaboy nito ang katawan ng matanda. Napapikit ako ng maalala ko na naman kung paano hiwain ang tyan nito. Sinampal ko ng mahina ang pisngi ko para tanggalin sa isipan ko ang pagkamatay nito. Pumalumbaba at nakinig na lang sa dalawa.

"Paano siya pinatay?" halata kay Arah na interesado ito sa usapan nila ni Louis.

"Ay jusko, nakakaloka ang itsura niya. Ni hindi ko nga siya matignan ng matagal, diko keri! May malaking hiwa ang tyan niya tas labas 'yong mga lamang loob niya." Nanginig pa si Louis habang nag kwe-kwento. "Tapos iyong mata n'ya wala na. Inuuod na din siya."

Napapikit uli ako. Kahit tanggalin ko sa isipan ko ang sinapit ni Mang Jojo, ay hindi ko magawa dahil sariwa parin sa utak ko ang lahat. Wala talagang puso ang pumatay sa kanya, paano niya naatim na patayin ang matanda.

D' IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon