Kabanata 1

16 3 2
                                        

Malamig na pawis ang tumutulo mula sa mukha nito na bumababa sa pisngi at leeg nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Malamig na pawis ang tumutulo mula sa mukha nito na bumababa sa pisngi at leeg nito. Hirap man sa pag takbo dahil sa hilo galing sa alak na kanyang ininom kanina  ay pinilit nitong hindi matumba—gawa na din ng panginginig ng buong katawan nito sa takot.

"Maawa k-a!"  sigaw nito sa akin habang nililingon ako nito at tila tinitignan kung na saan na ako. "T-ulong!" sigaw muli nito, natawa ako dahil sa hina nitong sumigaw, dala na din siguro ng katandaan niya at lulong pa ito sa alak.

Ngumiti ako parang demonyo dito, sakto naman ay napalingon muli siya. Nilakihan ko ang mata ko habang hindi ko parin inaalis ang malaking ngiti sa labi ko. Inangat ko ang kutsilyong hawak ko. Mas lalong gumuhit ang takot sa mukha nito, kalat na din ang luha sa buong mukha nito. Mas binilisan nito ang kanyang pag takbo, napahalakhak ako ng lumalayo na ang agwat naming dalawa.

"Takbo!" sigaw ko sa kanya. Mas nilakihan ko na ang aking hakba. Lumingon muli siya sa akin, ng makitang naglalakad na ako ng mabilis papunta sa kanya at na pasinghap ito at lumingon sa harap at mas binilisan ang pag takbo, ngunit dahil na din sa lasing ito ay bigla itong bumagsak sa lupa. Narinig ko ang pag-iyak nito at pag daing sa sakit.

"Maawa ka, maawa ka please," naiiyak na wika niya.

Mas lalo akong natuwa sa pagmamakaawa nito, tila isang musika ito sa aking, isabay pa ang pag-iyak nito. Nakakataba ng puso— ngunit kulang pa iyon, meron pa akong gustong marinig mula rito, meron pa akong gustong makita mula sa mukha niya. Gusto kong makita ang itsura niya habang nagmamakaawa, habang umiiyak, hanggang tuluyan na siyang malagutan ng hininga.

"Malapit na ako..." ngiti ko dito. Hindi ako nito nilingon at patuloy lang ito sa pag-iyak habang nakadapa parin. "Takbo!" inis na sigaw ko dito.

Napatigil ito sa pag-iyak ng makita niya ang aking paa sa gilid ng ulo niya. Unti-unti niyang inaangat ang kanyang ulo paangat para tignan ako. Nang mag tama ang mata namin, puno ng takot ang dalawang mata nito—napakaganda, yumuko ako hinawakan ang buhok niya para ilapit sa mukha ko.

"Bakit tumigil ka sa pag takbo? Hindi ka susunod sa'kin?" naiiyak kong sabi dito, nilalamon ng inis ang buong katawan ko. Bumilis ang pag hinga ko at kinagat ko ang ibabang labi ko para pa kalmahin ang puso ko.

"Maawa ka," bulong nito.

Gumuhit ang galit sa mukha ko kasabay ng pag tulo ng luha ko.

"Maawa? Tangina ang sabi ko tumakbo ka!" sigaw ko, sabay untog ko sa ulo nito sa lapag.

"Ahh!" sigaw nito. Agad akong napangiti sa sigaw nito at bumalik ang galak sa aking puso. Ito nga, ganyan nga, ganya ang gusto kong marinig.

D' IDENTITYMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon