Kabanata 3

1 1 0
                                        

"Everyone, please past your paper!" Minadali kong sagutan ang huling tanong sa quiz namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Everyone, please past your paper!" Minadali kong sagutan ang huling tanong sa quiz namin.

"Grace, Grace!" Nilingon ko si Marcus sa likuran ko. Nakayuko ito ng bahagya upang hindi siya nakita ng guro namin.

"Ano sagot mo sa last question?" Tinaasan ko siya nang kilay, pero di mawala ang ngiti nito sa labi.

"Hulaan mo na lang! True or False lang naman to!" inis kong sabi sa kanya. Napanguso ito sa akin. "True ang sagot," bulong ko. Agad n'yang sinulat sa papel niya ang sagot at pinasa ito sa akin.

Napasandal ako nang lumabas na ang english teacher namin. Ang sakit talaga sa ulo ang pag aaral.

"Tae, bakit pa kasi tayo nag-aaral, mamamatay din naman tayong lahat," reklamo ni Louis at umupo ito sa tabi ko. Siniko ko siya dahil sa sinabi niya. "Bakit? Totoo naman, lahat ng tao mamamatay!"

"Mauuna ka!" Natatawa kong sabi sa kanya. Dinilaan niya ako at sabay middle finger sa akin.

"Ay, oo nga pala. Samahan mo akong manood ng basketball sa gym?" Inayos ko ang gamit ko at nilagay ito sa bag. Nilingon ko si Louis na nagsasalamin na naman.

"Bakit? Anong meron?"

"Basketball, kakasabi ko lang kanina, Grace. Bangag kaba?" Ni hindi ito tumingin sa akin dahil busy siya sa pag titig ng sarili niya sa salamin.

"Mabasag salamin sa mukha mo, Louis!" Tumawa-tawa si Marcus, tumayo na ito at binitbit ang bag niya. "Mauna na ako sa inyo, mag pi-pisonet lang ako." Hindi na niya hinintay ang sagot namin at umalis na ito.

"Oh, saan pupunta 'yon?" tanong ni Arah na kakatapos lang mag paganda.

"Pisonet," sagot ni Louis habang nagpapa-cute sa salamin nito.

Maaga ang uwi namin ngayon dahil busy ang ibang mga guro. May magaganap kasing program sa school namin kaya iyon ang pinagkakaabalahan nila.

"Tara na guys, boy hunting time!" sigaw ni Louis. Sumabay din si Arah ng sigaw sa kanya.

"Sandali lang tayo manood ah, gusto kong mag pahinga agad." Sumunod ako sa kanilang maglakad. Nauunang maglakad si Louis..kasabay ko naman si Arah.

Kung hindi ko lang mahal 'tong mga kaybigan ko ay iiwan ko na sila at uuwi na lang ako. Kaso ayaw ko naman magtampo sila sa akin. Hindi lang talaga maayos ang pakiramdam ko dahil sa mga alaala na matagal ko ng binaon sa limot.

Si Papa.

"Boring mo Grace! Mag saya ka naman kahit minsan." Napabusangot ang mukha ni Louis sa akin.

Nang makarating kami sa gym ay marami-rami na ring studyante ang nandito. Karamihan ay puro babae...sarap sanang isipin na may interest sila sa basketball, pero lalaki talaga ang pinunta nila—katulad ng dalawang kasama ko.

"Go, papa Jeron!!" Tili ni Louis habang naghahanap kami na pwede naming upuan.

Hindi pa naman nag uumpisa ang laban, ay mainit na ang tinginan ng dalawang grupo.  Kalaban no'ng team ni Jeron ang kabilang section. Ang balita ko ay mag kaaway ang dalawang section na iyon—'yong leader n'ong kabilang section at si Jeron talaga ang mag kaaway. Hindi naman ako chismosa para alamin pa ang pinag ugatan ng awayan nila. Pero ang narinig ko babae daw ang pinag aawayan—'yong babae na maganda sa section 1. Sa totoo lang di naman talaga siya maganda, maputi lang siya tas ma makeup sa mukha. Nadaan lang sa mga kolorete niya sa mukha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

D' IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon