CHP 7

676 25 0
                                    

Ken's POV

               "Anong gagawin natin bukas?"
Tanong ko habang sini-sway sway ang magkahawak naming nga kamay.

"Aray, aray! Mapipilay nako Suson!"

"Ahahah, sorry sorry. Mwuah mwuah"


Inirapan lang niya ako at sumandal sa braso ko.

Kasalukuyan kaming naglalakad para magpahangin ngayong gabi. Away from stresses and problems.

Iniwan muna namin si Qiera kay Vester at Jah na ngayon ay nasa bahay na naman nila nanay at tatay.

"Ayokong may gawin bukas.."
She murmured.


"May bagong bukas na restaurant sa kaliwa ng building natin, gusto mong pumasyal?"

I said in soft voice.

Panandalian muna siyang natahimik at tumango rin lang pagkatapos.

I feel so comfortable even if we'll keep silent for hours, basta siya ang kasama ko.
Alam mo yung kahit na hindi kami nag uusap, parang nagkakaintindihan ang puso namin.

Sounds really cheesy but it's true.


Walang wala ang previous relationship ko sa pagmamahal na pinapadama ni Cia sa akin..


Kahit na madami akong nagawa kasalanan, kahit na iniwan ko siya nung mga panahong kailangan na kailangan niya ako, patuloy pa rin niya akong tinanggap at pinatawad.

"Hubby, bili tayo ice cream.."

"No, late na.."

She stumps her feet like a child and glare at me.
"Please"
She grumpily said.

Nakakita kana ba ng babaeng nag ple-plead pero galit? Hahaha, kakaiba ka talaga Cia.

"No"


"Fine, kay Vester nalang ako magpapakuha"

Dadamputin pa sana niya ang cellphone niya pero agad ko na iyong inagaw.

"Tatawagan mo talaga siya!?"
Nakatingin ako ngayon sa contact list niya na nakaview na sa number ni Ajero.

"At 'Ves'?!"

Natawa siya at inagaw muli sa akin ang phone niya.
"Bakit? Bawal ko naba siyang bigyan ng nickname? Ikaw nga tinatawag na 'Kenny' ni Zelle eh"

"You're making me jealous on purpose, am i right?"
I said as i narrowed my eyes to her.


"You're jealous?"

"What else could i be? Grateful?"
Sarkastiko kong sagot at umirap.

Lalo siyang natawa at pinalo pa ako sa braso na as if biro ang sinabi ko.

"Ilang taon na ang nakakaraan, Mr. Suson.. Hindi kapa rin nakaka move on?"
Hagalpak niya ng tawa.

"Taon man yan, dekada, o siglo, nagustuhan ka pa rin niya.."
Masungit kong sabi.

"You're unbelievable, Mr. Suson"
She said and clap her hands.

Aba't inaasar pa talaga ako.

"You're unbelievable, Mrs. Suson"
I said and copy her tone and voice.

Napa aray lang ako nang bigla niyang suntukin ang braso ko. May kaaway ba toh o ano? Lakas manuntok, yawa.

"Napaka seloso mo, bili na kasi tayo"

Hinila niya ako patungo sa isang ice cream shop at bumili ng apat kahit na gabing gabi na.
"Hun, ang dami niyan! Wag mo sabihing ibibigay mo yung iba kay Qiera? Gabing gabi na"

Inilabas lang niya ang dila niya sa akin at hindi ako pinansin. Minsan talaga napaka isip bata ng asawa kong ito.

Pumunta kami sa counter at binayaran ang mga binili niya.

"Sayo ang isa.. Sakin ang tatlo!"
Masaya niyang sabi sabay abot sa akin ng isa.

"Ang takaw. Naglilihi kaba?"
Pabirong tanong ko habang panay ang pag dila niya sa hawak niyang ice cream.

"Ano naman kung oo?"

Napatigil akong sa paglalakad at muntik ng nabitawan ang hawak na plastik.
Napa nganga ako at nanlaki ang mga mata.

Teka, nagiinit ang mga mukha ko.


Huminto naman siya at nilingon ako nang mapansing hindi ako nakasabay sa kanya.

" Hoy biro lang, gagi!"
Wika niya sabay tawa.

Nalaglag ang balikat ko at sinamaan siya ng tingin.
"How can you joke in that matter, huh?"
Masungit kong tanong.

Naglakad naman siya pabalik at hinawakan ako sa braso.
"Sorry na nga. Hindi na mauulit"
She said and tiptoed to kiss me on cheek.


"Nag pt ako kanina.. Negative"
She said and pouted.


Ginulo gulo ko ang buhok niya at ngumisi.


"Don't worry, bukas positive na yan. Kaya uwi na tayooo"


Napatili siya ng bigla ko siyang hilain at itinakbo.



"Ken Susonnn! Umayos kaaaa!"

My Husband's Love (BOOK 2)Where stories live. Discover now