CHP 12

620 26 0
                                    

Tricia's POV

          Narinig kong may kumatok na naman sa pinto ng kwarto ko sa pangatlong pagkakataon na ikinamulat ng mata ko.

Narinig ko ang pamilyar na boses ni nanay sa kabila. Kanina si Tim at Ken..


"Anak..."

Kasalukuyan akong nakaupo sa sahig at nakasandal sa pinto ng kwarto namin ni Ken. Ilang oras na rin akong nasa ganitong posisyon at halos hindi ko na maramdaman ang katawan ko sa pagkangawit.


"Buksan mo na ang pinto oh.."

Wika pa niya pero walang naging reaksyon ang buo kong katawan.
Mabigat rin ang talukap ng mata ko at nais lang pumikit palagi.

Namamaga na rin ito dahil sa ilang araw kong iniyak.




"Sa tingin mo ba mahahanap niyo ang anak mo kapag nagkukulong ka dyan?"



Magtatatlong araw nang hindi namin mahanap si Qiera. Still unreachable pa rin si Zelle at Kendra. Alam kong magkasabwat silang dalawa.. Ang hindi ko lang maintindihan ay paanong nagawa ni Kendra iyon sa sarili niyang apo?

Kahit ang mga pulis ay walang magawa.


Ilang araw na..



Hindi ko na alam ang iisipin.
Paano kung may nangyari ng masama sa kanya?
Paano kung sinasaktan na pala siya ng baliw na si Zelle?
Hindi ko kakayanin..



"Anak, alam kong napapagod at natatakot ka ng sobra. Lahat naman tayo eh.. Lalo na si Ken.."

She said.


"Tricia, kausapin mo na ang asawa mo.. Kapag pinagpatuloy mo pa toh, manghihina na rin siya.. Araw araw siyang lalabas, para hanapin ang anak niyo sa kahit anong sulok ng pilipinas. Tapos uuwi siya, gabi gabi ka niyang susuyuin, kakatokin dito, nagmamakaawang buksan na ang pinto... Ngayon na hindi mo siya kinikibo, wala siyang pagkukunan ng lakas.. Wala si Qiera.. Tapos wala ka pa.. "


Habang pinapakinggan ang mga salitang iyon ni nanay, hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha kong hindi maubos ubos.


Umiiyak na naman ako...



Ganito na naman...




"Ilang araw ka ng hindi kumakain anak.."
Base sa boses na iyon ni nanay, umiiyak na siya.

Medyo natauhan ako dahil doon. Ngayon ko lang ulit siya Narinig na umiyak.
Kahit na nung araw na nawala si Qiera, hindi siya umiyak.. Hinagod niya lang ng hinagod ang likod ko para icomfort..ayaw niyang ipakita sa akin na nasasaktan siya..



"Madami tayong kasama dito Tricia.. Andito sila Dio, si Mr. Zhang, Mr. Lopez, at iba pang malalaking tao sa industriyang pinagtratrabahoan mo. Madami silang tumutulong, mahahanap natin si Qiera.."


Tahimik akong napahagulhol kasabay ng pagsinghot ni nanay sa kabila.



Paano ako magiging malakas kung wala dito ang source ko?

Pero tama si nanay..
Hindi pwedeng ganito nalang ako hanggang sa mahanap namin si Qiera. Ako ang nanay niya, dapat ako ang pangunahing may ginagawa..


Alam ko ring napapagod na si Ken..
Matigas lang talaga ang ulo ko kaya hanggang ngayon ay nakakulong pa rin ako sa sariling kwarto.



Dahan dahan kong pinunasan ang luhang naglandas sa mata ko at tahimik na tumayo. Saglit akong napangiwi nang maramdaman ang sakit dahil sa namamanhid kong mga paa.




Dahan dahan kong pinihit pabukas ang pintong iyon at nadatnan ang nakayuko, umiiyak na si nanay.


Napatango rin siya dahil doon at napangiti habang umiiyak.
Lumapit siya sa akin at niyakap ng mahigpit.


Because of my mother's warmth and presence, i feel so safe and secured..



"Thank you, Tricia.. Thank you.."
She whispered.


Hinarap niya ako at pinunasan ang pisngi.
Tumumyad siya at hinalikan ang dalawa kong mata.

"Magang maga na ang mga mata mo, anak.."

Hinawakan niya ang kamay ko at muling ngumiti.



"Ngayong andito kana, mas kakayanin nating lumaban pa.."




Pagkatapos akong kausapin at yakapin ni nanay, naglakad na kami papuntang sala kung saan sabi niya'y nag uusap ang lahat..

Pagkarating namin doon, nakita ko ang puro nakayuko at nagmamasahe ng sintindong mga lalaki. Maraming papel at computer ang nasa harap nila.
Kitang kita rin ang pagod at puyat sa mga mata nila..




Lalo na ang asawa ko.





Naaawa tuloy ako ng sobra at gusto nalang sampalin ang sarili.
Bakit kasi pinili ko pang ikulong ang sarili ko na akala mo'y ako lang ang nasasaktan sa nangyari..




"M-ms. President?"
Gulat na wika ni Dio nang mapansin na ako ng tuluyan.



Sabay sabay nilang itinango ang kani-kanilang ulo kasama na si Ken.



Napatayo silang lahat nang makita ako ang presensya ko.
Tinapik naman ako ni nanay at naglakad na papunta ng kusina.

Tumakbo papalapit sa akin si Ken, nang malapit na siya ay nakita kong tumulo ang luha niyang kanina pa pala nastuck sa mga mata niya.


Kagaya ni Nanay, mahigpit niya akong niyakap na akala mo'y wala ng bukas.



"H-honey.."

He's crying.


Dahil doon ay utumatiko akong lumambot at niyakap siya pabalik.
Ngayon lang siya umiyak sa harap ko except sa araw na ikinasal kami.

Napangiti rin si Tojie, Tim at Dio na nasa likod lang namin.

"I'm really really glad you're finally here.."
Wika ulit niya at hinigpitan pa ang yakap.

Napangiti ako kasabay ng pagpatak ng luha.
"S-sorry"
Sabi ko gamit ang basag na boses.


Ngayon ko nalang ulit naibuka ang bibig ko para magsalita..

"No, honey.. Thank you. Thank you kasi pinili mo nang samahan ako... Maraming maraming salamat"

Hinarap niya ako kasama ang isang ngiti. Ngiti na parang nagsasabing, nakapagpahinga na siya at handang ng lumaban ulit.


Tama nga si nanay,
Kami ni Qiera ang lakas niya..



"I miss you so much.."
He whispered then gently kissed my forehead.



"Worry less, Ms. President, andito tayong lahat. Mahahanap natin si Qiera."

Sabi ni Dio sa likod na ikinangiti ko.






Sana nga...






Sana mahanap ko na ang anak ko at makulong sa impyerno si Zelle.

My Husband's Love (BOOK 2)Where stories live. Discover now