CHP 15

696 24 0
                                    

Tricia's POV

        "Lord.. Wala na po akong ibang gustong sabihin kundi 'salamat'.. Salamat kasi kasama ka namin sa buong byahe ng buhay.. Pero ngayon.. Siguro kailangan na muna naming huminto.. Kailangan naming magpahinga"

Pagkatapos ng tahimik kong dasal na iyon, dahan dahan na akong tumayo mula sa pagkakaluhod ko at pinagmasdan ang dalawang taong nalaluhod pa rin at nakapikit.


Napangiti ako Kasabay ng pagpatak ng luha..

Sa wakas...



Pagkatapos ng bagyo, narito na ang bahaghari ko..



Pagkatapos ng sunod sunod na takot at problema, narito na ang tuldok.





Malaya ko na namang napagmamasdan ang mag ama ko. Ligtas at Buhay.. Isang bagay na akala ko'y hindi na mangyayari ulit.




"Mommy, you prayed shorter than us.."

Nginitian ko lang siya.



Kasalukuyan kaming nasa simbahan.. Nagpapasalamat sa lahat, at muling humihiling..


Na sana wala ng mangyaring ganun.




Naligtas namin si Qiera. Nahuli ang lahat kabilang na si Zelle. Si Kendra lang ang hindi. Siya ang nadaplisan ng bala sa balikat that time. Hindi naisentro ng mabuti nung tauhan nila ang baril kaya imbes na kay Qiera tumama, sa boss nila na si Kendra dumiretso.


Hindi pa nakakapagdesisyon si Ken kung anong gagawin niya sa mommy niya, kahit hindi niya sabihin.. Alam kong nag aalala pa rin siya sa mommy niya.



Kahit na malakaing kasalanan ang nagawa niya, alam kong hindi pa rin sapat ang galit para takpan ang pagmamahal niya sa ina niya.



I suggest to let Kendra go, since nakakulong na si Zelle, wala na siyang lakas para ulitin ang ginawa nilang dalawa.
Pero ang sabi ni Ken, baka daw siya pa ang tumulong kay Zelle para makalabas ng maaga.


Nagpapasalamat talaga ako sa limang lalaking tumulong sa amin.. They are my angels.



"Ang lalim ata ng iniisip mo, wife.."

Nabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ang boses ng asawa kong kanina pa pala nakatayo sa harap ko, buhat buhat ang anak namin.

Marahan lang akong umiling at inakay na sila para lumabas.
Nang makita ang labas, hindi ko mapigilan ang sarili kong singhotin ang bagong hangin.


It's like a signature for us to refresh our new lives.

Kahit na anong dilim pa man yan na patuloy sa pagdapa sayo, palagi mong iisipin na patuloy ka rin dapat sa pagtayo. Tayo.. Tayo.. Tayo..

Kasi ganun ang buhay.


Hindi mo makikita ang magandang ilaw na nasa harap mo kung palagi kang nakayuko sa dalang problema ng kasalukuyan.. Tumango ka...tumayo ka...


I was done breathing when i noticed my husband staring at a family, formed by four members..
May panganay ring babae at bunsong lalaki.


Natawa nalang ako sa isipan ko.
"Gusto mo ba nyan?"
Bulong kong tanong kay Ken.

Tumingin naman siya sa akin ng nakakunot.
"Makapagsalita ka mahal akala mo laruan yan na pwede nating bilhin.."
He said then pouted.


Lalo akong natawa, this time sa bibig na.
He really wants a new member for our family..


Ibinaba ko muna sa bisig niya si Qiera at hinawakan iyon sa kamay.

I tiptoed and lean closer to his ear.
"Gusto mo ba o ayaw?"


Naguguluhan pa siyang tumingin sa akin at kalaunay Tumango tango rin ng sunod sunod.

I chuckled.
"Punta ka sa kotsye, tignan mo sa maliit na drawer.. I have a surprise for you.."


Pagkatapos kong sabihin iyon ay agad na kaming naglakad palayo ni Qiera para bumili ng gusto niyang kainin habang naiwang tulala naman sa harap ng simbahan si Ken.

Marahil ay nagtataka siya sa inaasta ko.



Hahaha, well.... Let's see.







***
Ken's POV

         Habang naglalakad palapit sa sasakyan namin, hindi ko mapigilang mapalingon sa direksyon nila Cia at mapakunot ng noo.

Ano na naman kayang trip ng asawa kong iyon?
So mysterious..

Pero sa totoo lang ngayon, natutuwa ako.
Kasi kahit na andaming nangyari, buo pa rin kami.
Walang kumalas,
Walang umalis,
Walang bumitaw..

Hindi na namin ginaya ang dating kami.

We held on.. That's why we're here again in the place of our hapiness.

Our Paraluman...



Pagkarating ko roon ay agad akong pumasok at tinignan ang deskboard ng kotsye.
Hinahanap ko ang pinapahanap niya.


Patuloy ako sa pagkapa doon nang maramdaman ang rektangolong bagay.
Napakunot ako at inilabas iyon para makita.


Isang segundo pagkatapos kong makita iyon ay agad na nanlaki ang mga mata ko.
The blood normally running to my vein, accelerated.

Muntik ko ng mabitawan ang bagay na iyon at napatakip sa bibig.
Lumabas ako sa kotsye at muli itong tinitigan.

"Wooohooooo!"
Hindi ko mapigilang mapasigaw at mapatalon talon sa tuwa.

Pinagtitinginan na ako ng lahat, marahil akala nila'y nabaliw na ako.


Well, talagang mababaliw na ako sa tuwa.



The thing i just got inside our car was a PREGNANCY TEST!
Guess what buddy! It's POSITIVEEEEEEE!

Hindi ko napigilang tawagan si Dio dahil sa kasiyahan ko.

"Hello?"

"HELLO MEN, YEAH, PAKI-INFORM ANG LAHAT NG DEPARTMENT NA MAGHANDA NG REGALO PARA SA BABY KO"
Masigla kong sabi habang malawak pa rin ang ngiti dahil sa nakita.


"Huh? Malayo pa naman ang birthday ni Qiera ah.."


"You're wrong buddy, buntis si Cia ngayon. Wohoooo!"


"Kumalma ka nga, next year pa lalabas ang anak niyo, anong gagawin niyo sa mga regalo ngayon?"


"Aisshhh! Sino ba dito ang boss? Ikaw o ako?"

After that, i ended the call.
Kill joy eh.

After some moment, muli akong napahagikhik at tinitigan ang PT. I can't believe I'm going to be a father AGAIN.
This surprise was.. Was... Was.. Quite mind blowing!


Nasagot na agad yung pinagdasal ko kani-kanina lang sa simabahan. Ang bilis!







"WOOOHOOOOOOO!!!"






My Husband's Love (BOOK 2)Where stories live. Discover now