Aphrodite's POV
Papunta ako sa bahay ni Jewel para ihatid siya papunta sa mall, since bibili kami ng mga school items for our classes next week.
Well, sad. Pero need eh. Para may maabot naman akong pangarap in the future.
Pagdating ko doon, agad agad akong kumatok sa pintuan niya at hinintay ko lang kung sino yung magbubukas.
"Miss, sino po hinahanap niyo?" Tanong ng nagbukas ng pintuan.
Napatingin na lang ako sa lalaking yan at natameme na lang ako ng wala sa oras.
Iba yung datingan niya ah.
"Miss!" Pagtapik niya sa mukha ko na ikinagulat ko.
"Kanina ka pa natutulala. Sino hinahanap mo?" Tanong niya.
"Uhmm... si Jewel?"
"Si Jewel? Naliligo pa." Sagot niya.
Pero in fairness, ang gwapo niya.
"Pasok ka!" Pagyaya niya na ikinalaki ng mata ko.
"S-sure ka ba?!"
"Oo nga! Halika na!" Sambit niya bago ako hilain papasok sa bahay niya.
Ewan ko lang, unang araw ko lang siya nakilala, naiilang ako ng wala sa oras.
"Gusto mo ba ng water or juice?" Tanong niya.
"Water na lang po." Sagot ko bago pumunta sa kitchen yung lalaki.
Pagbalik niya na may dalang tubig, agad agad niya itong inabot saakin at umupo na lang ito sa tabi ko.
"Kaano ano mo ba si Jewel?"
"Best friend. Bakit po?" Tanong ko.
"Lagi ba kayong ginagabi pag magkasama kayo?" Tanong niya nanaman.
"Uhmm... pag uuwi na ako, si Jewel yung laging nagpapatagal." Sagot ko na ikinatuwa niya.
"Pasensya ka na sa kapatid ko ah. Hindi siya ganung kadali mapagod pag gala eh. Pero pagdating sa gawain bahay, ayun. Akala mo pagod na pagod galing sa gala."
Ay wow ah! Nang e-expose pala to ng kapatid.
"Hehe... tamad ba talaga si Jewel?"
"Minsan hindi, minsan oo." Sagot niya.
"Ang gwapo mo." Bulong ko sa sarili ko.
"Ano?" Tanong niya na ikinalaki ng mata ko.
"Uhmm... wala!" Sagot ko.
"Ano palang pangalan mo? Sorry kung biglaan. Baka naghihintay ka na kay Jewel eh." Tanong niya.
"Aphrodite." Pagpakilala ko.
"Jewel!!!" Pagtawag niya kay Jewel.
"Kuya!!!"
"Kanina pa naghihintay si Aphrodite! Ang tagal mo sabi niya!" Pagbiro niya na ikinatuwa ko ng onti.
"Sandali lang naman Aphrodite! Patapos na ako magbihis!" Sigaw ni Jewel.
"Bilisan mo na daw!" Sigaw ulit ng Kuya niya.
Bumaba na din si Jewel na bihis na bihis at agad itong pumagitna saamin ng kuya niya.
"Hi girl! Kumusta ka na?" Tanong ni Jewel saakin.
"I see na nakilala mo pala si Kuya Xander."
Ahh, Xander pala pangalan niya.
"Kuya! Thank you sa pagpasok mo kay Aphrodite ah!"
"Nakakahiya naman kung maghihintay pa siya sa labas ng bahay natin." Sambit niya na ikinatuwa ko.
"Tara na nga! Punta na tayo sa mall Aphrodite!" Pagyaya ni Jewel bago tumayo.
"Bye Kuya! Mauuna na kami!" Sigaw ni Jewel kasabay ng paghila niya saakin palabas ng bahay.
"Teka lang Jewel! Ang sakit ng paghila mo saakin!" Pagreklamo ko.
Xander's POV
Nang nakaalis na yung dalawang babaeng yan, bakit bigla na lang ako napaisip tungkol sa babaeng nakita ko kanina?
There's something about her that kinda makes me wanna know her more.
Maya maya, napatingin na lang ako sa phone ko at nakita ko na lang yung chat ni Jewel.
Picture ng sisig. Kumakain si Jewel ngayon ng sisig.
Maya maya, may sinend siya na video na hinahalo na niya yung sisig kaya pinanood ko na ito.
Nakakamiss kumain ng sisig ah.
Medyo nagfo focus na rin kasi ako sa workout routine ko for now kaya iniiwasan ko muna kumain ng mga food na puro mantika.
Ilang sandali pa, nag chat nanaman si Jewel saakin at agad ko itong binasa.
Jewel: Kuya!! Gagabihin ako ng uwi ah!! Magdi dinner na lang kami ni Aphrodite diyan sa mall!! Gusto mo ba ng pasalubong?
As expected, gagabihin nanaman si Jewel.
Xander: Salad na lang kung meron. Pero pag wala, wag ka na gumastos. Luluto na lang ako ng dinner ko.
Agad na lang ako tumayo at pumunta sa kwarto ko para magpahinga ng onti.
Habang nagpapahinga ako, napatingin na lang ako sa phone ko na may nag friend request saakin.
Aphrodite Mejia.
Siya yung best friend ni Jewel ah!

YOU ARE READING
I Love You Kuya
Fanfiction"Kuya lang siya, pero bakit iba na itong nararamdaman ko? Bakit hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya matanggal sa isip ko? Do I love him?" - Aphrodite Does age really matter when it comes to love?