Chapter 2

44 0 0
                                    

Aphrodite's POV

Agad na lang ako napatingin sa phone ko at tignan kung inaccept ba ako ni Xander.

Knowing na kuya siya ni Jewel, hindi ko pa rin maiwasan isipin kung anong klaseng kuya si Xander sakanya.

Well, mukhang hindi niya ako ia-accept. Sad life, pero kailangan tanggapin.

If you're wondering kung bakit kong inadd si Kuya Xander, just for him to know who I am as a friend of Jewel.

Napahiga na lang ulit ako sa kama ko at napapikit.

Kinabukasan, nagising ako at tumingin na lang ako sa phone ko kung sakaling may nangyari ba.

Nanlaki na lang ang mga mata ko nang malaman ko na inaccept pala ako ni Kuya Xander.

And all I know is online siya ngayon.

Ilang sandali lang, agad agad akong tumingin sa mga my day niya at eto, nagwo workout siya ngayon.

In fairness, maganda rin katawan niya ah. Pang model.

Tumayo na ako sa kama ko at dumiretso sa banyo para maligo at mag freshen up for a day.

Agad agad na lang ako nag chat kay Jewel kung may nabili na ba siya na mga requirements sa school since last year of college na kami, kaya magsisikap kami para lang makapag tapos.

We will face reality after this, nakakakaba, pero wala eh. Ganyan ang buhay.

Lalabas na sana ako ng kwarto, pero agad akong napatingin sa phone ko nang may natanggap akong chat.

Xander: Hi Aphrodite.

Ewan ko lang ah. Kinabahan na lang ako ng wala sa oras sa pag chat ni Xander saakin.

Reply kaya ako. Para di naman ako mukhang nangho-ghost.

Aphrodite: Hi po.

Nakakahiya, pero ayun nga. Hahahaha!

Xander: You said na matagal na kayong close ni Jewel diba? Just wanna ask if may mga nambu bully ba sakanya pag nasa school or ano?

Aphrodite: Wala naman. Tsaka if ever man na meron, ipagtatanggol ko siya.

Ewan ko ba kung anong trip niya para makichat saakin, pero ngumingiti na lang ako minsan ng wala sa oras.

Xander: Alagaan mo yan ng maigi ah! Alam mo naman na kayo laging magkasama!

Ang sweet naman ni Kuya Xander bilang kuya!

Aphrodite: Okay po. Maaasahan kita diyan. 😉

Xander: O sige. Kumain ka na. Baka di ka pa kumakain diyan. 😂😂😂

Ang lakas ng trip neto ah! Paano niya nalaman na di pa ako kumakain?! Basta, luto na nga ako ng breakfast.

Nagutom ako bigla eh!

Pagkababa ko, agad na ako pumunta sa kusina para magluto ng breakfast.

Pagkatapos kong magluto, agad na lang ako nagulat nang may nag doorbell kaya tumayo na ako at dumiretso ako sa pintuan ko.

"Aphrodite!!!!!" Sigaw ng pamilyar na boses na ikinalaki ng mata ko.

"Jewel?!"

Kaya agad agad kong binuksan yung pintuan para lapitan siya.

"Jewel! Napadaan ka?"

"Tambay lang ako sa bahay mo! Tara girl!" Sigaw niya bago umakyat papunta sa kwarto ko.

Oo, sanay na ako na umaakyat si Jewel sa kwarto ko, tutal, tinuri ko na din siyang kapatid mula nung naging kaibigan ko siya.

Aakyat na sana ako nang may pumasok din sa bahay ko.

Wait! Si Kuya Xander yan ah! Bakit kasama siya?

"Aphrodite!"

"Uhmm... hi po." Nahihiyang sambit ko.

"Pasensya ka na kay Jewel ah. Sadyang hyper lagi eh." Natatawang sambit ni Xander na ikinatuwa ko ng onti.

"Nasanay na po Kuya. Hehe."

"Sabagay, matagal ka nang nasanay sa kakulitan niya." Pagbiro niya.

"May jowa ka na ba Kuya?" Tanong ko sakanya.

"Uhmmm... ex." Sagot niya.

"Sorry."

"Ayos lang. Tsaka natuto naman ako sa ex ko na wag basta basta maniniwala sa mga lambing lambing na magpapaikot saakin." Sagot niya.

Mukhang may pinagdadaanan din ito. Kasi napapansin ko sa mukha niya na hindi siya masaya eh.

"Uhmm... may gusto sana lang ako itanong sayo Aphrodite." Sambit niya na ikinakunot ng noo ko.

"Alam mo naman na pupunta si Jewel sa probinsya namin bukas diba? Since doon nakatira parents namin."

"Oo. Bakit? Di ka ba sasama kay Jewel?"

"Something personal din." Sagot niya na ikinatango ko lang.

"Since di naman ako sasama doon, gusto mo ba na yayain kita sa labas?" Tanong niya na ikinalaki ng mata ko.

Wait! Seryoso ba siya? Yayayain niya ako?!

"Don't get me wrong ah, wala akong gagawin masama sayo. Sadyang wala akong magawa sa bahay ko pag wala si Jewel. Tsaka wala ka naman gagawin sa bahay mo diba?"

"Wala naman. Pero tignan ko lang schedule ko kung pwede." Sagot ko.

"Sige. Chat mo na lang ako kung pwede ka ah." Sambit niya na ikina-ngiti ko lang.

"Aphrodite! Tara! Usap tayo saglit!" Sigaw ni Jewel sa taas.

"Sige na. I'll tell you kung kailan ako available. Tsaka pagplanuhan natin yan." Sambit niya na nakangiti.

Ngumiti na lang ako sakanya pabalik at umakyat na ako para mag usap kami ni Jewel.

"Girl! Sorry di tayo makakagala ulit before classes ah! Need talaga ako bumalik sa probinsya!"

"It's okay. You don't need to worry about me." Sambit ko.

"Sure ka girl? Baka ma bore ka lang sa bahay niyo! Wala pa namang signal diyan sa probinsya namin for data!" Pagpaalala niya.

"Yeah. Tsaka may tanong ako."

"Ano yun girl?" Tanong ni Jewel saakin.

"Bakit hindi kasama si Kuya Xander sa pagbalik mo sa probinsya?" Tanong ko na nagtataka.

"It's very personal girl. I'm sorry ah." Sambit niya habang tinatapik niya balikat ko.

Something is bothering sa family nila. And I wanna know what it is. Pero paano ko yan malalaman?

I Love You KuyaWhere stories live. Discover now