Chapter 3

27 0 0
                                        

Aphrodite's POV

Kinabukasan, naghanda na ako ng pwede kong isuot since nag chat ako kay Xander na available ako sa libre niya.

Since wala si Jewel sa ngayon at nasa probinsya pa siya, I guess I should take this opportunity na mas makilala ko si Kuya Xander.

Chineck ko muna yung phone ko at nabasa ko na yung chat ni Xander.

Xander: Nasa tapat na ako ng bahay niyo.

Agad agad naman akong bumaba sa kwarto ko at lumabas ng bahay ko.

Nakita ko yung kotse na nakatapat sa bahay ko at agad agad ko itong linapitan.

Pagkalapit ko doon, sumilip ako sa loob ng bintana at bumaba ito.

Syempre, may tao sa loob eh.

Pagkababa ng bintana, nakita ko na si Xander na nakasuot ng shades at ngumiti na lang ito saakin.

"Maka ngiti naman to! Akala mo, artista!" Pag asar ko na ikinatuwa niya.

"You better hop in bro! Malayo tong pupuntahan natin!" Pagyaya niya.

"Ha?! Malayo?! Loko to ah! Saan mo ako dadalhin?!" Tanong ko na nakataas ang kilay.

"Chillax bro! Hindi ako kidnapper!" Pagbiro niya na ikinairap ko.

"Sakay na kasi!"

"Eto na! Jusko!" Singhal ko bago pumasok sa kotse niya.

"Road trip?" Sambit niya na ikina-ngiti ko.

Habang nagmamaneho, hindi ko pa rin matanggal sa isip ko kung bakit hindi siya sumama kay Jewel sa probinsya nila.

Considering na may ex siguro siya doon, it's kinda understandable. Pero I want to know what's really behind the struggle he's facing.

Pero kinakabahan ako kung ano ang dahilan ng pagka hiwalay nilang dalawa.

Di bale na, basta gusto ko munang magsaya kasama siya. Tsaka naiisip ko talaga na maybe it's too personal for him to share this kind of problem.

Habang nagmamaneho kami, pumara siya sa may tapat ng sari sari store at doon na siya bumaba.

"Tara?" Pagyaya niya.

Agad agad naman akong sumunod sakanya papasok sa loob ng sari sari store at tumingin kami ng pagkain.

"Puro sisig kayo ngayon Ate ah!" Sambit ni Xander na natatawa.

"Pasensya na po ijo, yan lang ang kinaya ng budget namin eh. Masyadong nagmahal ang gulay ngayon." Sambit ng tindera.

"O sige po. Pa order nga po ng pork sisig."

"Okay, eto na."

Sisig... what a weird texture honestly. Yeah, I saw Jewel ate sisig, but by the way it looks, I don't think I might like it.

"Ano gusto mong kainin Aphrodite?" Tanong ni Xander saakin.

"Uhmm... it's okay. I'm not hungry." Pagtanggi ko.

"Sige na, libre ko na to." Pagpilit niya.

"It's okay Xander. I appreciate your kindness, but I'm not hungry."

"Well, if you say so." Sambit niya bago kunin yung order niya.

Tumingin muna ako sa mga ibang pagkain at natanaw ko lang sa mga mata ko yung barbeque chicken.

"Ate, magkano po ang barbeque chicken?" Tanong ko.

"60 isa ija." Sagot niya.

"Eto po yung bayad sa sisig pati sa barbeque chicken." Sulpot bigla ni Xander na ikinalaki ng mata ko.

Saan galing to?! Bigla bigla namang susulpot kung saan saan!

"Like I said Aphrodite, libre ko na to." Sambit niya bago pumunta sa pwesto niya.

"Eto na yung order mo." Sambit ng tindera bago ko ito kunin.

"Thank you po." Sambit ko bago pumunta sa pwesto ni Xander.

Sa tuwing kasama ko si Jewel, laging sisig ang order niya. Ganun pala silang magkapatid, mahilig sa sisig?

"Aphrodite, matanong ko lang? Hindi ka ba mahilig sa sisig?" Tanong ni Xander.

"Uhmm... I just don't like the texture of it." Sagot ko.

"Have you tasted it?" Tanong niya na ikina-iling ko.

"Bro! Ang tagal mo na sa Pilipinas, hindi ka kumakain ng sisig?!" Pag asar niya.

"I mean, there's one time that I had an overnight with my classmates, kasama na doon si Jewel, she made sisig. So everyone was enjoying it, pero it's really weird when I look at it." Pagkwento ko.

"You can't trust the one she made inside the house bro. Kasi syempre, hindi talaga madali magluto ng sisig, it's either you taste good sisig or bad sisig." Sambit niya na ikinabuntong hininga ko.

"Aphrodite, sometimes you need to try something new. Kasi kung stuck ka lagi sa comfort zone mo, you won't have a chance to explore new things."

"Ang deep ha!" Pag asar ko na natatawa.

"Ganito. Sa susunod na libre ko, try sisig. Well, you don't need to like it, but at least you tried it." Sambit niya na ikina-ngiti ko.

"Okay. I'll try next time."

"O sige. Kain pa tayo!" Pagyaya niya bago kami kumain.

After eating, nag travel nanaman kami ni Xander kung saan saan.

I started to know more about him, which is great. You know what, he's like the boy version of Jewel once you get to know him more.

Madaldal, makulit, prangka, mahilig mag work out pag walang ginagawa,I can't deny na I really am vibing with him.

"Tas eto pa ah! One time, nung naligo kami ng family ko sa dagat, walang hiya na Jewel na yan! Nagdala pa siya ng manok ni Daddy para paliguan!" Pagkwento niya na natatawa.

"What?! Bakit?!" Tanong ko na natatawa.

"Aba'y malay ko sa Jewel na yan! Ang sinabi lang saakin ni Jewel para malinis tignan yung manok!"

"Jewel! Anong pumasok sa utak mo?!" Tanong ko bago kami tumawa.

"Diba?! Like, who bathes a chicken bro?! Pwede na ngang gamitin yan ni Daddy para may makain kami eh!" Sambit niya.

"Or sa sabungan!" Dagdag ko.

"Sinabi mo pa! Sabong dito, sabong doon! Non stop sabungan yung mga tito ko diyan sa probinsya." Pagkwento niya na ikinatuwa ko.

"Uhmm... Xander?"

"Why?" Tanong niya.

"Can I ask you something? Sorry if it's too personal." Sambit ko bago siya nakinig.

"No no no. It's fine, ask me anything." Sambit niya na nakatingin sa harapan ng kotse niya.

"Bakit di ka sumama kay Jewel sa probinsya?" Tanong ko. Pero agad na lang ito tumahimik at na guilty ako sa sinabi ko.

Dang it Aphrodite! Bakit mo tinanong yan?!

"Sorry... I shouldn't have asked that." Sambit ko bago umiwas ng tingin.

"It's because of my ex."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 04, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Love You KuyaWhere stories live. Discover now