Dear Zach,
Hindi mo alam kung gaano ako masaya nu'ng gabi na 'yon.
Pati pag-sasandok ng kanin nakangiti ako. Parang tanga lang.
Kinabukasan, pagkapasok ko pa lang ng school, nakita na agad kita.
Nakatingin ako sa 'yo habang nakikipagkwentuhan ka sa mga kaibigan mo.
Naramdaman mo atang may nakatingin sa 'yo kaya napatingin ka sa gawi ko. Nag-tama ang mga mata natin, nagkatinginan tayong dalawa at sabay na ngumiti sa isa't-isa.
Grabe, ang ganda tignan ng ngiti mo, Zach.
We became friends after that. Ansaya mo kasama.
Walang araw na hindi ako masaya sa tuwing kasama kita.
BINABASA MO ANG
Dear Zach,
Storie brevia short story. ꒰ dear series two ꒱ malapit na 'kong sumuko sa 'yo, pero nu'ng panahong susuko na 'ko, binago mo ang isipan ko at mas lalo kitang hindi na papakawalan pa.