Dear Zach,
Malapit na birthday mo. May reregalo ako sa 'yo.
Malapit na rin tayong grumaduate, natatakot ako. Baka iwan mo rin ako.
Siguro naman hindi mo ako iiwan 'no? Sana.
Zach, it's your birthday! Happy Birthday!
Sinabi ko sa 'yo na pumunta tayong waiting shed kasi do'n ko ibibigay ang regalo ko.
Excited akong makita mo ang regalo ko sa 'yo.
Nandito ako sa waiting shed, hinihintay ka. At hindi rin nagtagal, dumating ka.
Pero, mukhang hindi ka masaya. Nagulat ako dahil pagkaupo mo pa lang, umiyak ka na.
Tinanong kita kung bakit, at sabi mo ay aalis na mga magulang mo, pupunta sa ibang bansa.
Nalungkot ako. Binigay ko sa 'yo ang regalo ko. Bracelet na may pangalan mo, Zach.
Napag-desisyunan ko na aamin na 'ko sa 'yo ngayon, pero wrong timing.
Nakaisip ako ng paraan para maging masaya ka na.
Sinabi ko sa 'yo na pagkatapos nating grumaduate, sundan mo magulang mo sa ibang bansa.
Agad ka ring umagree sa sinabi ko. Eto na nga ba sinasabi ko. Iiwan mo rin ako.
Pero kasiyahan mo naman 'yon, Zach. Bakit ko 'yon ipagkakait.
Kahit masakit, basta masaya ka, masaya na rin ako.

BINABASA MO ANG
Dear Zach,
Historia Cortaa short story. ꒰ dear series two ꒱ malapit na 'kong sumuko sa 'yo, pero nu'ng panahong susuko na 'ko, binago mo ang isipan ko at mas lalo kitang hindi na papakawalan pa.