Dear Zach,
5 years na.
5 years na kitang hinihintay. Napag-desisyunan kong kapag sa birthday mo, hindi ka pa rin bumalik, kakalimutan na kita.
It's your birthday now, Zach.
Pumunta ako sa waiting shed, naghintay mag-hapon, umaasang may Zach na dadating.
Kanina pa 'ko nandito sa waiting shed, mukhang tangang nakaupo at naghihintay sa 'yo.
Gabi na rin at konti na lang ang mga tao.
Malapit na rin ako sumuko.
"Happy birthday, Zach.." bati ko kasabay nang pag-bagsak ng aking luha.
Akmang tatayo na 'ko pero biglang may umupo sa tabi ko.
And there you are, 'yung taong matagal ko ng hinihintay, may mga ngiti sa labi habang nakatingin sa akin.
Maiyak-iyak akong tumitig sa 'yo at niyakap ka. Niyakap mo rin ako pabalik. Sobrang namiss kita, Zach. Thank you for coming back.
"I'm back, Riyah." sambit mo.

BINABASA MO ANG
Dear Zach,
Cerita Pendeka short story. ꒰ dear series two ꒱ malapit na 'kong sumuko sa 'yo, pero nu'ng panahong susuko na 'ko, binago mo ang isipan ko at mas lalo kitang hindi na papakawalan pa.