Dear Zach,
Nakwento mo sa akin na sobrang close mo sa family mo. Nakwento mo pa na hindi mo kakayanin kapag wala sila sa tabi mo.
Sana lahat gano'n, Zach.
Ibang-iba pamilya mo sa pamilya ko.
Ayaw na ayaw sa akin ng pamilya ko. Bunga lang daw ako nang isang pagkakamali.
Araw-araw, pinaparamdam nila na hindi ako kasama sa pamilya. Araw-araw, pinapamukha sa 'kin na dapat tuluyan na akong umalis sa bahay.
Tanging si Mama na lang ang pag-asa ko. Siya lang ang kakampi ko sa bahay. Sila Papa at mga kapatid ko, ayaw sa akin.
Araw-araw akong ginagawang yaya sa bahay kapag umaalis si Mama. Hindi alam ni Mama 'yon, kasi kapag sinabi ko sa kaniya 'yon, babaliktarin lang ng mga kapatid ko.
Kaya sana lahat ganiyan ang pamilya, Zach.

BINABASA MO ANG
Dear Zach,
Historia Cortaa short story. ꒰ dear series two ꒱ malapit na 'kong sumuko sa 'yo, pero nu'ng panahong susuko na 'ko, binago mo ang isipan ko at mas lalo kitang hindi na papakawalan pa.