-22 ''Mahal na mahal kita Den .. Sobra sobra '' -

267 2 0
                                    

-22-

-Blaise El -

''LEEEEEEE PUNYETA KA LUMABAS KA SA LUNGGA MOOOOOOO !''

Naghuhuramentadong sinugod ng girlfriend ko si Lee .  Oo tama girlfriend ko na nga si Denisie . Nakngtalaba , kakahiya lang no , kalalaki kong tao hindi pa ako nanligaw sakanya . Pero ganun talaga kanya kanyang diskarte . Hindi naman yan nasusukat sa tagal at kung paano manligaw ang isang tao . Nasusukat iyon sa kung paano mo siya liligawan at susuyuin kahit kayo na , at kung paano mo ipaparamdam at ipapakita sa kanya kung gaano mo siya kamahal at gaano siya kaimportante sayo na hindi mo na siya kayang pakawalan pa  . Ang mga babae kasi hindi basta basta . Minamahal sila , inaalagaan na para mo naring ina . At kailangan nila lagi ng assurance lalong lalo na galing sa mga taong mahal nila . Kahit kasi gaano kaganda at kabuti ang isang babae , hindi parin maiiaalis sakanya ang pag iisip na ' Marami namang diyang iba , paano nalang pag iniwan niya ako dahil may mas mahanap siyang MAS sakin' o kaya 'Tingnan mo naman ako , ano bang magugustuhan niya sakin ? Hindi magtatagal magsasawa narin yan sakin' . Kailangan paring nating ipadama sa kanila na lahat ginagawa natin para makuha siya kahit kayo na at siya na yung panghabang buhay mo , na wala ka nang hahanapin pang iba , kasi perpekto siya sa mga mata mo at kahit ano pang flaws meron siya , mamahalin at mamahalin mo parin siya at hindi ka hahanap ng iba .

Si Den ang mahal ko at hinding hindi ako mapapagod na suyuin siya araw araw at iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal .

''H*yop ka Lee , bakit mo sinampay yung mga underwears ko sa may garden , TANGA KA BA HUH?? ''

''HAHAHAHA sorry , malay ko bang magdadala ka dito ng lalaki mo ? AHAHA uyy pre MUSTA ?'' bati sakin ni Lee at ginawa na yung hand code namin .

''Loko ka talaga pre , Wag mo ngang inaaway GIRLFRIEND KO '' sabi ko sabay kindat kay Denisie .

Tinaasan niya ako ng kilay at sumeryoso bigla '' Kailangan ko pa bang ulitin sayo yung mga sinabi ko dati ?''

''Hindi na , saulo ko na 'yon at hindi ko naman yun gagawin sakanya ''

Kumindat sakin si LEE , at dun na nagsimula . Sinuntok niya ako at sinigawan '' GAGO KA BA HUH , T*ng ina mo Blaise . Layu layuan mo ang KAPATID KO ''

Susugod na sana ulit si Lee nang pigilan siya ni Den .*BUUUURP* '' Ano ba DENICO , BAKIIIT MOOO SINUNTOK SI BLAISEE ?? Gusto mo bang bugbugin kita ?''

''Hoy Denisie , tigil tigil mo na yan huh . Ibreak mo na iyang gagong 'yan baka dumilim pa ang paniningin ko at mapatay ko pa yang h*yop na yan ! Palayasin mo yan dito''

'' Ano bang pinagsasabi mo Lee huh *BUURRRP* ? Alam mo wala na akong pakialam , Mahal ko si Blaise at hindi ko kayang makipag break sakanya . Hindi siya aalis dito dahil lang gusto mo ---''

Hindi na ako nakapag pigil at hindi ko narin siya pinatapos mag salita , Binuhat ko siya at nilagay sa balikat ko at bago pa ko makapunta sa kwarto ni Den , nabatukan pa ako ni Lee . Hay baliw talaga ang gagong 'yun -.- gusto pa ng eksena eh .

'' Blaise ano baaa ?? Ibaba mo nga ako , hindi pa ako tapos makipag usap kay Lee '' *boink* ''Hayop ka Blaise bakit mo ako binaba -.-''

Wala na akong pinalipas pang oras at umibabaw na ako sakanya , hindi ko na mapigilan ang sarili ko . Hinalikan ko siya . Dun ko na binuhos ang pagmamahal ko sakanya . Hindi talaga siya nabibigong iparamdam saking ako ang mahal niya . Tang ina puputok yung puso ko sa pagmamahal sakanya . Kinagat ko yung ilalim niyang labi , para humingi ng permiso na ipasok yung dila ko sa bibig niya . Binukas naman niya ang labi niya at hindi ko na mapigilang umungol nung dumikit yung labi naming dalawa . Hinawi ko yung mga buhok niya at isinipit sa tenga niya . Pinulupot naman niya sakin ang mga kamay niya sa batok ko at kasabay nun ay ang pagpulupot din niya ng mga binti niya sa baywang ko .

''Hmmm '' .

Dun ko na naisip at sumampal sa mukha ko na ... Wala na , baliw na baliw na talaga ako sa babaeng 'to . Hinding hindi ko na kakayanin mapapunta siya sa iba .  Siya na ang babaeng ihaharap ko sa altar at magiging ina sa MGA magiging anak ko .

''Mahal na mahal kita Den .. Sobra sobra '' bulong ko sakanya habang magkadikit parin ang mga labi at nakatingin ng diretso sa kanya . Ngumiti siya at pumikit ulit ang mga mata at siya na ang humalik sakin . Napangiti nalang ako sa mga labi niya ..

*BUUUUUUURP*

 ahahahahahaha .

THE END ..

-*-*-*-

ed .

JOKE lungssss AHAHAHAHA baliw baliwan lang ;D ..

http://www.wattpad.com/story/3223411-make-love-to-me

--majinBulateee <3

Torpe siya ( EDITING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon