-5 ''MAS higit pa'' -

534 8 7
                                    

-5-

- Blaise El-

Para akong tangang nakatayo dito sa may kusina at may hawak na basong tubig . Iniisip ko pa rin kung ano ba talaga ang nangyari kanina .

Mag iisang oras na ata akong nakatulala at kahit siguro bagyuhin ako dito , di ko mamamalayan sa lalim ng iniisip ko.

Si Denisie kasi eh . Siya ba yung tipo na babae na kahit nasasaktan na kinikimkim lang niya sa sarili niya. 

She's really brave and I admire her for that . She won't even have second thoughts of saving her loved ones in case of emergencies . That's how great she is . 

Pinagtataka ko lang talaga kung bakit may mga gago katulad ng mga ex niya ang may ganang saktan at iwan siya para lang ipagpalit sa iba ng walang pasabi . Gago ang mga p*tangna.

Humigpit ang hawak ko sa baso .

"Calm down Blaisel , it's not the right time for that" i keep chanting to myself . 'Keep calm pare'

Kapatid lang naman talaga ang tingin ko kay Denisie noon . 'Yung bang gusto ko siyang alagaan at protektahan sa mga taong pwedeng manakit sakanya. 'Yung ipakita sa kanya na hindi lang magulang at si Lee ang concern sa kanya . 'Yung bang gusto ko ako rin ipakita sakanya na may care ako. That's what friends are for ayt ?

Hindi ko pa alam noon kung bakit gan'un ang nararamdaman ko sakanya . Iniisip ko lang na siguro nagiging isang protective brother lang ako dahil nga saksi ako nung mga panahong nasasaktan siya , pero mali pala ako .

Pagkatapos nu'ng outing d'un nasagot ang totoong nararamdaman ko , d'un nasagot ang lahat .

Lahat ng nararamdam ko para sakanya . 

Para bang ... Ayyy ewan !! Basta 'yun na 'yon eh !

Hindi lang pala kapatid tingin ko sa kanya ,

MAS higit pa .

Ang problema nga lang , natotorpe ako . Nak nang teteng naman oh .

Masisi mo ba ako , eh 'yung mga past relationship ko eh mga babae yung unang lumalapit sakin at BOOM kami na agad <(--. )7 . That's what you call Blaise charms . Eh unfortunately 'di ata nakita ni Den 'yon . Tsk tsk .

Pero kahit nasa isang relasyon ako , 'di ko magawang mag paasa ng babae , oo sweet ako pero ako kasi yung tipo ng lalaki na di nagsasabi ng ''mahal kita'' sa isang babae kung hindi naman talaga 'yun ang nararamdaman ko . Sa mga naging ex ko alam nila yun . I had feelings for them . I really cared . But not as much as I care for Den . Oo may mga lalaki paring gan'un ngayon . Gulat ba kayo ? Sad to say nauubos na kami . Malay ko bang I'm smart enough to use my head not my dick ? Maybe I'm just a boy who can keep his manhood in his pants . But trust me , it's so hard . Mothafucking hard .

 (Oh tama na Blaise naiintindihan ka na namin , Hard nga napapamura eh . Tigas ! )

Mabalik nga . Ayy oo . 

Kaya napakabago para sakin ang nararamdaman ko eh , hay 19 years old na ko di pa rin pala ako naiinlove , ta*na ngayon lang .

--

Umalis na nga pala si Denisie kanina , sinundo siya ni Lee , yung kambal niya . Galing ata sa date eh , tsktsk isa pa ding yun lalaking yun napakababaero . Iba't ibang babae nalang kasama n'un tuwing nakikita ko.

Gabi narin nung dumating si Jeremy sa bahay , aba'y gagong  'yun binatukan ko nga , di pinapakain si Jolie eh , nainterrupt tuloy yung *cough kiss cough* Putek parang babae lang ako umasta eh .

Umiling iling na lang ako n'ung makita ko yung pinaka collar ng t shirt niya , aba anak ng tinapa may lipstick pa -__-'' , hay Jeremy ano kayang hitsura mo pag nakita mo na 'yung babae para sa'yo .

Naisip ko naman bigla yung labi ni Denisie . Kahit walang kung ano ano sa labi , mamula mula pa din . Para na talaga akong bading dito , makaakyat na nga sa kwarto ko at makaligo na baka sakaling mawala tong katorpehan ko -.-'' . Kuskusin baka sakaling mawala .

Sabagay wala naman akong gagawin ngayon . Papakilala nalang ako ;) .

(hay nako ka Blaise pag 5 UD ko na ito ngayon ka lang nag balak magpakilala)

Sus daldal talaga nitong si MajinBUlateee , manuod ka na nga lang ng dragon ball (m.n: tae kang Blaise ka , bigyan ko ng ibang kapartner si A eh , tapos ako makatuluyan mo :P)

Hehe joke lang majinBUlateee kong mahal . ;D

Ako nga pala ulit si Blaise El Mariano , nag iisang anak ng nanay at tatay ko (ayy hndi anak ka ng aso nyo -_-'') ,19 years old . Tulad nga nung sabi ko sa ibang bansa ako nag aral kasama mga barkada ko . HRM ang course ko dun , yung kasi ang pinaka in demand na course dun , dun din nag sstay mga magulang ko nandun kasi mga trabaho nila . At syempre may negosyo din naman kami dito sa Pinas na minsan ay dinadalaw ko at chinecheck kung ayos pa ba 'yun.

Dun ko na din nakilala yung mga kabarkada ko , mga di pa ata ako teenager nung makilala ko yung mga yun . Ang tagal narin namin magkakaibigan .

Hay naiisip ko na naman si Denisie . Sigurado talaga akong mahihirapan akong ligawan yun . Unang una , di ako marunong manligaw pero may paraan naman para jan , natotorpe nga lang talaga ako sa kanya . Pangalawa pagkatapos niyang maging broken hearted sa tatlong gagong lalaking sinaktan siya , eh ay nako mahihirapan talaga ako . Mailap pa naman 'yun sa ibang lalaki puwera nalang ng mga lalaki sa barkada .  Parang magkakapatid narin kasi yung turingan namin sa isa't isa , iba nga lang yung turing ko kay Denisie .

 Hay Denisie ..

Lahat ng napag aralan ko nawawala . Inoccupy mo ba naman kasi ang utak ko .

Nakahiga ako sa kwarto habang iniisip yung mga bagay bagay na yan , kakatapos ko lang maligo at obviously hindi naman nakakatanggal ng katorpehan ang paliligo .

Malaki laki din 'tong kwarto ko , black and white yung theme tapos kada sulok ng dingding sa pinakabubong ng kwarto ko may mga nakapalibot na maliliit na white speakers ^_^ sabay naming binili ni Den 'yan .

Pag baling ko ng higa , sa balcony na ako napaharap , nakita ko na naman 'yung kwarto ni Den . Kami na kaya para sa isa't isa o sadyang coincidence lang talagang nagkatapat yung kwarto namin?

Nag mumuni lang ako hanggang sa nakatulog na , at kahit sa panaginip si Denisie parin ang nakikita ko .

Damn men I'm whipped .

-------------------

--majinBUlateee <3

Torpe siya ( EDITING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon