( ALL CHARACTERS NAME, ORGANIZATIONS, PLACE AND EVENTS ARE FICTIONAL. THIS IS WORK OF FICTION AND BASE/INSPIRED FROM THE AUTHORS IMAGINATION. GRAMMATICAL ERRORS AHEAD)
Another normal day, minsan nakakatamad na bumangon wala namang magandang nangyayari sa buhay ko. Imagine gigising ka pa eh matutulog lang din naman.
"KATHLINA BUMANGON KANA JAN"
Ow here goes my beautiful mama, kung hindi lang dahil sa kanila ewan ko nalang siguro wala na ako dito sa mundo.
"ITO NA PO, COMING!"
We are living in our old house which is 1980's pa, hindi padin napaayos. Kapos kami sa pera kaya ayon ending maraming mga Marites nagchichismissan tungkol sa bahay namin. Atleast kahit sira-sira hindi naman kasing dumi at kalat ng mga bahay nila. Malalaki nga bahay nila, mga mukhang pwet naman nakatira. Ow, napakaharsh ko yata? Anyways people keep judging base on what they see, natural sa society na yan pasanayan nalang.
"KEYKEY MALIGO KANA DUN, MALE-LATE KANA NAMAN"
Tumango ako at nagtungo na sa banyo. Hay lunes na naman, ano na naman kayang kababalaghan mangyayari sakin sa school. Nakakatamad na, na pati katamaran kinakatamaran ko na.
Ilang oras din bago ako nakapag ayos, wearing my usual outfit over-size shirt, high-rise flare jeans and my high cut shoes. Well, hindi ako makakapagsuot ng uniform at letcheng Patricia na yan pinagdiskitahan.
May extra ako sa cafeteria nun, every recess and vacant time dun ako tumutulong sa mga workers. Since next year mag co-college na ako kaya todo kayod para makatulong din kila mama.
Habang naglalakad papasok, bigla bigla akong binangga ng napakalaking nguso ni Patricia. Natapunan ng ice coffee yun uniform ko. Sabi niya siya na daw maglalaba, at ang bruha ginupit-gupit kaya ayon gusot-gusot. Buti nalang talaga at may bestfriend akong mayaman, pinatahian ako pero syempre babayaran ko naman pag nakaraos baka sa susunod na araw may uniform na ako ulit.
"KEYKEY BAKIT KANA NAMAN LATE BESHY"
"SUS PARANG HINDI SANAY, KAMUSTA TULOG MO?"
"WEIRD, I DREAMED OF SOMETHING LIKE A WATCH? EWAN HINDI KO NA MAALALA LAHAT"
Hindi na kami nakapagchichat ng maayos at dumating na teacher namin sa second subject. Yeah, palagi akong late sa first subject at napaaga naman sa pangalawa.
Pagkatapos ng klase diretso ako kaagad sa cafeteria, hindi bilang estudyante kundi bilang worker.
Maya-maya may nagsisigawan na namang mga frogs na ang pupula ng mga mukha parang sinuntok ni Satanas. Dahil na naman to sa limang butiki panigurado.
Parang sa drama lang, may groupo din kami dito. Sikat sila at kilala sa pangalang KAPE BOYS. From the word itself, yeahs lahat sila adik sa kape. Campus crush silang lahat, hindi mapagkakaila na may maayos sila na itsura at halatang laking mayaman. Isa sa kanila ay boybestfriend ko.
"FIVE SERVE OF ICE COFFEE MISS" wika ni Lejan sabay wink.
Naghiyawan naman ang mga estudyante sa paligid, ang iingay.
Si Lejan ay kababata ko, bago pa kami nagkakilala ni Tephanie naging magkasundo na kami ni Lejan. Si Tephanie at Lejan ay magpinsan, dahil kay Lejan nagkaroon ako ng babaeng kaibigan. Hindi kasi talaga ako palakaibigan, at nakakatamad kumilala ng tao. Kaya nun pinakilala ni Lejan sakin si Tep, wala akong kibo hanggang sa hindi ko namalayan nagiging madaldal ako dahil kay Tep. At ngayon close na close na kami.
"HOY KATHLYN AMPANGIT MO TODAY" biglang sulpot ni Jake.
Jake is a famous chixboi, he came from a prestigious family. His mom is a certified doctor-a licensed naturopathic doctor. At yong daddy naman niya ay isa sa hinahangaang abogado dito sa Pinas.
YOU ARE READING
MEMOIRS OF TOMORROW (time series #1)
Randomif you are given a chance to escape, what would you do?