CHAPTER 3

4 1 0
                                    

Nagising ako dahil nangangamoy ang luto ni Donny. Ang sarap nakakagutom, kaya naman dali-dali akong pumasok sa banyo at naligo.

Napakaswerti ko talaga at si Donny ang naging room-mate ko, hindi ako magugutom. Hindi na din ako nale-late dahil sa kaniya. Palaging ang bango ng kanyang niluluto kaya maaga din akong nagigisng kasi nakakagutom.

"GOODMORNING KEYKEY, BREAKFAST IS READY" bati sakin ni Donny.

"YOU ARE SPOILING ME DONNY" tugon ko habang suklay-suklay ang aking buhok.

"ALL FOR YOU MISS" sabay tawa niya.

Hinanda ko na ang lamesa at nagugutom na talaga ako. Napakasarap magluto ni Donny, pwede na nga siyang magtayo ng restaurant e. Kaso nagmamay-ari sila ng crafting business. Mahilig kasi gumawa ang mama niya mag design, mahilig sa arts kaya ayon ganyan ang naging business ng fam niya.  May kapatid din naman siyang na-adopt yong passion ng mama niya kaya laking tulong na iyon.

Pagkatapos kung kumain nagpaalam na ako sa kanya at may P.E. session kami ngayon.

Pagkarating ko sa gym hinanap ko na kaagad si Kefer. At natagpuan ko na naman ito sa may sulok. As usual, with his earphone. Habang nakaupo, para itong umiidlip. Kaya napag-isipan kong gulatin ito. Bago ko paman magawa iyon, nauna na niyang maimulat ang kanyang mga mata.

"WHAT ARE YOU DOING?" curious na tanong niya habang nakatitig sa akin.

Hindi ko namalayan na nakafreeze pala ako sa position na nakanganga. Gugulatin ko nga dapat siya eh.

Inayos ko sarili ko at nakiupo nalang din. Maya-maya tinawag na kami para sa session.

Tinuruan kami ng mga basic attack, self-defense at iba pang strategy.

"ANYONE, WHO WANTS TO VOLUNTEER AND PERFORM WHAT I'VE TEACH YOU?" tanong ng P.E teacher namin.

Walang nagtaas ng kamay, natahimik ang lahat. Maya-maya nakita ko sa gilid na nagtanggal si Kefer ng earphone at nagtaas ng kamay.

"ALRIGHT, WHO WANTS TO GO AGAINST MISTER BRAKEN?" pagtatanong ng teacher namin, walang nagtangkang magpataas ng kamay kaya napagdesisyunan kong ako nalang.

Walang imik si Kefer, hindi man lang nagreklamo na ako ang magiging kalaban niya.

Pina-posisyon na kami sa gitna. Nang nagbigay hutya ang guro namin na magsimula na kami, walang pag dadalawang-isip inatake agad ako ni Kefer.

"THINK AS IF I AM YOUR ENEMY" bulong niya sa akin.

Kaya nang umatake ulit siya, hindi ako basta basta kumibo o kaya gumalaw. Umasta pa akong yayakapin siya, pero it's a shin-kick my dear.


Hindi ko nakontrol sarili ko kaya sure akong masakit yun, pero hindi mo makikita sa mukha ni Kefer na naapektuhan siya. Wala man lang kareact-reaction.

I use the four basic of Karate. The stances, punches, blocks and kicks. Since that's what our teacher taught us earlier.


Ilang minuto din kami dun ni Kefer, at kapansin-pansin na kinokontrol niya ang bawat atake niya.

Akala ko susuntukin na niya ako sa mukha nang biglang nagreklamo kasi pagod na daw siya. Kahit ang totoo walang kahit isang pawis ang makikita sa mukha niya. Habang ako basang-basa na ng pawis. Hinihingal na nga, tapos si Kefer wala lang. Halatang sanay sa mga ganito.

MEMOIRS OF TOMORROW (time series #1)Where stories live. Discover now