I LOVE YOU - A B1A4 Fanfiction; FIRST STORY: "Jinyoung"

1.3K 29 12
                                    

I LOVE YOU - A B1A4 Fanfiction

FIRST STORY: "Jinyoung"

Pakiramdam  ko ako na yata ang pinakamalas na tao sa mundo.

Nasa Korea ako ngayon – nag-aaral, nagttrabaho at nagttraining.

Gusto ko talagang makapagaral sa korea dahil ito ang naiisip kong paraan para maiahon ang pamilya ko sa kahirapan. Dahil sa kagustuhan kong sa korea makapagtapos, nangutang ng malaking halaga ang mga magulang ko para lang maipaaral sa akin, nagsanla ng lupa at bahay, at nagbenta ng mga kagamitan. Naawa ako sa sitwasyon ng  pamilya ko sa pilipinas kaya wala akong  choice kundi ang magtiis dito sa korea.

Nagtuturo ako ng English sa isang international school sa seoul, part time lang un at medyo alalay lang ako ng isang tunay na teacher talaga. Kapag nakagraduate na ko, dun na ako makakapagturo ng full time. Minsan tutor din ako ng koreanong nasa katabi kong apartment, dagdag income din. Tapos un pagiging trainee ko, wala, sinabit lang ako ng kaibigan kong si jinyoung. Masyado kasing mapangarapin ang isang yun kaya nag-audition sa WM entertainment. Siya bilang singer, ako...wala P.A niya lang ako. Tinawag ko lang na trainee ang sarili ko dahil nagsusulat din ako ng mga kanta at kino-contribute sa WM. Binabayaran naman nila ako kaya nag-enjoy ako sa pagsama sama kay jinyoung sa company.

Si jinyoung? Ah wala lang yan, kaibigan ko daw. Nakilala ko yan sa bookstore, parehas kaming naghahanap sa isang section ng kyobo bookstore ng music related book, tapos...

Jinyoung: ah miss, meron ba kayo nun “music for soul”?

Miyoung:  teka muna mister, una sa lahat, hindi ako staff dito at pangalawa bakit hindi mo gamitin ang malaking ipad na un para maghanap dahil kung hindi mo alam, search engine un, at pangatlo, parehas tayo ng hinahanap na libro kaya kung makakahanap ako nun hindi ko na sasabihin sayo dahil sigurado akong nag-iisa na lang un sa bookstore na to.

Jinyoung: tapos ka na? Sige mauna na ko, babayaran ko pa kasi itong librong bibilhin ko. *hawak ang music for the soul na libro*

Miyoung: ahm.. teka. S-saan mo nakuha yan?

Jinyoung: dito oh, kanina ka pa kasi nandiyan, hindi mo man lang binuklat itong part na may nag-dobleng file ng libro. Yan tuloy naunahan ka...

>.<

Miyoung: Sandali lang, baka naman ... pwedeng ako na lang ang bumili niyan, may mahalagang tao kasi akong pagbibigyan ng libro nay an. Parang awa mo na *malapit na umiyak*

Jinyoung: sorry pero isang dosena na ang napuntahan ko at itong bookstore na ito lang ang meron nitong libro na to, sorry talaga.

Miyoung: nagmamakaawa ako, kahit lumuhod pa ko sa harap mo, hayaan mo lang na ako ang bumili ng libro na yan *umiiyak na*

Tumingin siya sa akin, akala ko maaawa siya pero makalipas ang ilang Segundo dumiretso na siya sa counter, nagbayad at umalis.

SIGURADO AKO...ako na ang pinakaswerteng nilalang sa mundong ito.

Nasa Seoul ako ngayon – nag-aaral, nagttrabaho at nagttraining.

Gusto ko talagang maging isang performer, bata pa ako hilig ko na ang kumanta, magcompose at magsulat ng lyrics. Nararamdaman kong ito na ang kapalaran ko, kaya naman sinubukan kong mag-audition sa isang company, hindi man siya kasing sikat ng SM entertainment at JYP, sa tingin ko pwede na to. Natanggap naman ako at ngayon nga 2 buwan na kong trainee.  Yung trabaho ko, ah, wala lang un, sinasamahan ko lang si Miyoung, pantulong din sa kanya, kailangang kailangan kasi niya ng pera kaya tinutulungan ko siyang magturo ng English sa mga kalahi ko. Hindi man ako ganun kagaling sa English, kahit paano natutulungan ko siya – minsan labandero niya ko, kusinero, at madalas, tagalinis ng bahay.

I LOVE YOU - A B1A4 Fanfiction; FIRST STORY: &quot;Jinyoung&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon