Kabanata 2 (dalawa)♡

17 2 0
                                    

! THE RED ROOM !

Pag dating ng lunch nakita ko na si zanny na nakaupo sa may field kung san kami nakatambay kanina

"Hi zanny" sabi ko at umupo sa tabi niya

"Uyy musta first day?" Tanong niya sakin habang nag tatype sa cellphone niya may kachat yata.

"Nakakapagod" simpleng sagot ko at napatingin naman siya sakin

"Ano pala work mo aryan?" Bigla niyang tanong sakin

"May work ako dati sa isang coffee shop malapit lang din dito yun kaso nag resign ako nung nalaman ng tita ko" sagot ko sakanya

"Gusto mo mag waiter sa pinagtratrabahuan kong bar?" Alok niya sakin

"BAR pwede ka ba dun? Ano trabaho mo dun?" Gulat kong tanong sakanya

"Gaga cashier ako dun eto kung ano ano iniisip" sabi niya at tawa ng tawa

"Sige magdadala ba ko biodata or resume" tanong ko naman sakanya

"Wag na napag paalam na kita sa boss ko okay lang naman daw" sabi niya at ngumiti pa sa ere.

'Gage nagkagulo nanaman sa red room'
'May nasugatan daw'
'Sila leo nanaman nag umpisa panigurado'
'Nawalan daw ng malay si founder chaud'
'Tara tingnan natin'

Napatingin kami sa mga taong nagtatakbuhan papunta sa pulang pinto at ang tawag nila dun ay redroom.

"Ano meron!?" Tanong ko bigla

"Di ko din alam" sagot ni zanny

"Sikat yang redroom at lagi ngang nababalitaan may nag aaway dyan pero for college students lang yan at mostly lalaki lang ang nakakapasok meron lang sigurong 5 girls per college ang nakakapasok dyan at dun mo lang makikita ang isang importanteng bagay swerte mo pag nakapasok ka ng walang backer" dagdag pa ni zanny at tumayo na para yata pumunta sa next class niya.

Napaisip naman ako sa sinabi niya kung makakapasok ako sa redroom pwede kong malaman ang sikreto nila.

"Huyy aryan tara na!" Sigaw ni zanyang at lumakad naman ako palapit.

'Balita ko naghahanap ng bagong member sa redroom'
'Magaagawan nanaman ang house of nueona at redroom nyan'
'Basta ako pag di nakapasok sa kahit isa dyan sa memory club ako sasali'

Memory club ano nanaman yun!!

"Zanny ang dami naman atang club dito, sa dating school ko puro normal club lang" pukaw ko sa atensyon nyang deretso lang maglakad

"Sa totoo lang naniniwala kasi silang may mahika ang mahika unibersidad batay na din sa pangalan neto kaso walang nakapag patunay nito syempre wala naman ng may magic sa panahon ngayon" sabi niyang naiiling

"Nasa ordinaryong mundo tayo, mga tao talaga"

Pagpasok namin sa room usap usapan pa din ang away sa redroom.

Habang hinihintay namin ang next teacher si zanny may kachat nanaman sa cellphone.

"Guys nagpost na ang redroom looking for a new member" sigaw ng isa naming kaklase tumakbo ito papunta sa mga kaibigan niya at inabot ang papel na hawak niya.

'Tara mare sali tayo'
'I try natin besh'
'Makakapasok ba kayo dyan 15 person lang hanap nila oh'

Di ko alam kung anong pumasok sa utak ko pero may naguudyok sakin na sumali.

ANO BA KASING MERON SA REDROOM NA YAN!!!!!!

"Ah zanny ilang club ang pwede mong salihan?" Tanong ko kay zanny na busy pa din sa pag cecellphone niya.

"Huh? , Bakit?" Tanong din niya pabalik

"Wala lang gusto ko mag try sa Redroom" sabi ko sakanya

"Hala seryoso ka ba!? Di ka ba nahihibang?" Gulat niyang akusa sakin

"Bakit??" Tanong ko sakanya

"Paano kung di ka na makalabas sa redroom?"

"Try lang zanyang" bigla kong sabi sa malapit na niyang pag hehesterical.

"Oh sige" yun na lang ang nasabi niya at tumingin na lang ulit sa cellphone niya

Ilang segundo lang dumating na rin si sir Mark Quenco ang History teacher namin.

"Sir pwede po magtanong!?" Taas ng kamay ng isa naming kaklase

"Ano yun iha?"

"May alam po ba kayo sa mahika unibersidad?, bakit ganun po yung tawag?" Direderetsong tanong ni Anicka isa sa mga classmate namin

"Madami na ring kasaysayan ang meron sa mahika unibersidad pero isa lang ang di ko makakalimutan ang magpangalan neto. Si Mr. Mahiko Alvarez bago siya mamatay sa aksidente sa Redroom 10 years ago sinabi niya na baguhin ang Magic University at ilipat ito sa lenguwaheng tagalog" kwento ni sir samin

"Eh sir anong meron sa redroom?" Tanong pa ng iba naming kaklase nacurious ako bigla.

"Ang redroom ay parang film studio di ba sa isang studio madalas iba ang kulay ng paligid para mas acceptable sa background. Ayon pa sa mga kwento ng ibang estudyante na naka pasok, bago mamatay si Mr. Alvarez ito ay isang di ka nais nais na filming." Biglang tumigil sa pagkukwento si sir Mark

"You may Go class" huling sabi niya samin at umalis na

Anong nangyari?

"Hala aryan minanipulate mo sir para maaga tayo makalabas" asar sakin ni zanny at tawa pa ng tawa

"Gaga ka" sabi ko at hinampas siya pero di naman malakas

"Ibig sabihin ang redroom ay isang bad site" sabi ni Ivan na nakaupo at nakatingin sa cellphone

"Ano bad site?"

"Ou tama bad site nga yun sila yung parang mga cyber bullying hanggang sa ma depress yung tao madaming nagrereport sa page nila pero walang nakakagawa magaling na hacker si leo" biglang sabat ni russel

"If your manipulative then your free to join" basa ng isa naming kaklase sa looking for new member paper ng redroom

"Ang sama nga"

Konti na lang kaming nag brabrain storming dito sa room dahil naglabasan na ang iba maming kaklase

"Aryan pwede ka dun!?" Biglang bulong ni zanny sakin

"Baliw" sabi ko at tawa naman siya ng tawa.

After ng buong araw na klase parang nakaramdam ako ng napakabigat na pakiramdam at pagod na pagod.

"Aryan bukas na lang daw tayo pumasok sabi ng boss ko" sabi ni zanny pag pasok na pag pasok namin sa dorm.

"Ou sige" yun na lang ang nasabi ko

------------------------☆-------------------------

Yey umabot ka dito

THANK YOU AGAIN AND SUPPORT MY STORY

Ps. If may wrong grammar at wrong spelling pasensya na po ^-^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Bahay Ng NueonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon