Upat

9 2 0
                                    

A/N:
Sorry late update but narito na ang ikaapat na kabanata.

ENJOY!


Ikaapat na kabanata

"Ako po ito Señorita Estrella , si Cassandra."

Nanlumo ako sa narinig ko.

Not again!

Bumuntong hininga ako. I picked up the diary na naihulog ko kanina. Dinampot ko ito nang nakabukas and to my surprise pagkakita ko sa laman nito, wala na ni  kahit anong mga sulat kamay.

I flipped the pages pero wala pa rin. I tried looking for the rose na lagi kong nakikita kasama sa diary na ito. Ngunit nabigo lamang ako.

Dumapa ako at tiningnan ang ilalim ng higaan. Sa pagbabakasakali na makita ko ang lantang rosas sa ilalim ng higaan. Beneath the bed is madilim pero makikita mo pa rin naman na wala ni kahit anong pigura ng bagay ang nabubuo.

"Señorita tinatawag na po kayo ng iyong ama. Siya ay lubos na magagalit kung ikaw ay magtatagal pa riyan." dinig kong wika ni Cassandra. "Ahh.. Saglit lang." tugon ko sakanya.

I stand up and started lifting the mattres. dahil baka napadpad lang doon pero wala pa rin. "Estrella? Ikaw ay tinatawag na ni ama. Kinakailangan ka na doon." ika ng isang tinig ng taong hindi ko alam ang pangalan. I just ignored her and started walking towards the pwesto ng bed side table na ngayon ay wala na.

I swear may bed side table rito.

"Really? Of all the people baki ako pa?" bulong kong sabi sa sarili.

I heard the doorknob action. May gustong pumasok sa silid. Lumingon ako sa gawi ng pinto at sinalubong ako ng galit na mukha ng babae habang nasa gilid naman si Cassandra na naka yuko. "Estrella! Magagalit si Ama kung ikaw ay maglalagi pa rito ng matagal." bungad ng babae saakin. "Hindi naman ako nagtagal dito."  sagot ko sa babaeng may suot na kulay gintong baro't saya. Kitang-kita na siyaay isang galing sa isang maimpluwensya at mayaman na pamilya. "Kaya pala gabi na. Nakalugmok ka lang dito maghapon at kaarawan mo pa naman ngayon." ika niya saakin pero binalewala ko lang ang mga sinabi niya. "Halika na nga" ika ko habang tinatapik ang shoulders na nakangiti sa kaniya at naglakad na. Nagsalubong ang mga kilay niya habang sinusundan ako ng tingin.

Naramdaman ko na sumunod sila saakin dahil sa mga yapak na maririnig mo dahil sa kahoy na sahig.

Unti-unting nawala ang mga ngiti ko nang makita ko ang mga tao sa baba ng hagdan. Ang dami ng mga tao tantya ko hindi kumulang sa 100 tao ang nasa loob ng bahay. Makikita mo rin na may tao sa labas dahil sa mga liwanag ng lampara na naka sabit.

Napahinto ako sa paglakad bago pa man ako makahakbang papalapit sa mga tao. Lumingon ako nila Cassandra na kanina pa naka sunod saakin.

"Ano ang kaganapan dito?" tanong ko sa kanila habang naguguluhan. Nakita ko na nalahawak sa sintido ang babae na pumasok sa kwarto ng wala ni kahit anong pasabi. "Ito na nga ang sinasabi ko. Hindi ka na naman nakinig sa sabi ni Ama. Selebrasyon ngayon ng iyong kapanganakan." she answered habang lumapit saakin at kinurot ako ng mahina pero masakit pa rin. "Ano ba?!" hindi ko namalayan na napasigaw na pala ako. Huli na nang ma realize ko. Napapikit nalang ako sa inasal ko. I'm screwed.

The Untold story of EstrellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon