Sais

10 0 0
                                    

BELATED HAPPY VALENTINE'S EVERYONE! Because of the said day here is a treat for you all!

A SNEAK PEEK OF THE SECOND STORY OF THIS SERIES!
Yup you read it right may 2nd story po ito, stand alone.
The missing Case of Efania. You can check now the 'Sinugdanan'.
It's in my profile now.
I'll unpublished it  by Feb 28. So read it na. I'm begging. LOL.
So without further ado here is the Sais.

Sais

"Ako si Andres binibini, sana ay hindi ka matakot sa akin. Hangad ko lamang na ikaw ay matulungan." matamis na ngiti niya saakin habang inilalahad ang panyo na may nakaburdang pangalan niya.

Umawang bibig ako. Ang gwapo niya pala noong nasa early twenties siya. He still has the same features when I saw him as my husband, but softer. Angel looking. Parang ang inosenteng inosente na hindi niya man lang kaya pumatay ng langaw.  I can feel my cheeks burning up dahil sa realisasyon ko. Nagiging kamatis na siguro ako.

"S-salamat p-po" nakayuko kong sabi sakanya at kinuha ko agad ang panyong binigay niya saakin at agad na umiwas ng tingin sa kanya.

Pinunasan ko ang noo ko at ang mga gilid ng aking mukha. I also wiped the sweat on my neck. Pagkatapos ko mag punas pilit kong ilinagay ang panyo ko sa likod ko. As what my lola always do when i'm all sweaty.

Nahirapan ako. Akma pa sana akong tutulungan ni Andres pero hindi niya magawa dahil alam niya hindi iyon dapat gawin dahil sa ito ay isang pahiwatig na wala siyang respeto saakin. Kaya napabuntong hininga nalang siya.

Eventually, nalagay ko naman ang panyo sa likod ko ng maayos. Though there are bumps pero sure naman ako na mawawala iyon once na makagalaw galaw na ako.

"Salamat. Lalabhan ko nalang ang iyong panyo." nakangiti kong sabi sakanya. Nakita ko na namula ang tenga niya.

I am speechless. Ngayon ko lang ito nakita sa tanang buhay ko. I never seen someone na namula ang tenga.

"Sa iyo nalang iyan binibini. Hindi dahil nagamit mo na kung hindi ay para magkaroon ka ng palatandaan na minsan ka nang maiwan ng sarili mong kalesa" napakamot siya sa kanyang batok at tumawa ng mahina.

Napatawa rin ako sa kanyang sinabi. It would be such a memory! Magiging part ito sa mga late night flashbacks ko that sometimes makes me crack.

"Ikaw ay sumabay nalang sa amin binibini. Saan nga pala ang iyong tahanan?" he asked me. The question made me stop. Hindi ko alam kung saan ano ang pangalan ng bahay namin. Bahala na 'to. I'm just gonna give the description. " Ah....ehh.... Sa ano.... Yung may mga maraming mga puting rosas.... Mga tanim, maraming mga tanim na mga bulaklak. Malapit sa dagat at kulay puti na bahay na malaki" I said. Hoping that he got where do I live. "Ah o siya sige. Malalampasan naman siguro namin ang bahay na iyong tinutukoy. Sabihan mo nalang ako kapag nakita mo na ito upang ikaw ay maihinto." He said trying to save my ass.

Yes!

Tumango-tango ako sa sinabi niya bilang pagsang-ayon sa sinabi niya at ngumiti. "Halika na binibini." he said and started walking.

Sumunod ako sa paglalakad niya pero habang naglalakad I can't help noticing that the handkerchief on my back is uncomfortable.

Hindi ito naayos sa paglalakad ko.

I stopped walking. I tried to fix the handkerchief by pulling it pero hindi ko magawa dahil sa makapal na tela na suot-suot ko. I tried it again, but it failed. So tumalon talon nalang ako. I jumped and jumped at nang ma feel ko na ayos na ang panyo sa likod ko lumingon na ako sa direksyon kung saan kami patungo ni Andres kanina.

The Untold story of EstrellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon