Siyete

6 1 0
                                    

This Chapter and the following chapters will be on third person's POV. Thank you. 

Ikapitong kabanata

Hindi nakagalaw si Estella sa kanyang kinatatayuan habang nakatingin sa papalubog na araw na dahilan ng pagkabago ng kulay sa langit. Napa igting ang kanyang panga sa boses na narinig niya kanina. Alam na alam niya kung sino ito nanggaling, kay Emil. Hindi talaga naiiwasan na kumulo ang dugo niya sa lalaking ito dahil siguro sa mga binitawan niyang salita noong nagkita sila sa hardin. Oo, nagmumukha siyang mayroong makitid na utak pero hindi niya talaga maiwasan yun dahil ito naman talaga ang nararamdaman niya. Nakarihistro na sa kanyang utak na na siya ay malinaw na bastos base sa kanyang mga kilos at pananalita sa una nilang pagkikita.

"Ganyan talaga ang buhay. Nagkakapag desisyon tayong mga tao na hindi ginagamit ang isip at pinatitigbabaw ang sigaw ng puso, hindi na minsan nakokontrol dahil sa masidhing damdamin." Patuloy ni Emil sa kanyang pagbibigay opinyon sa kwento ni Puhon Laum. "Kung hindi natin nakokontrol ang ating mga damdamin sana ay gumawa man lang tayo ng paraan upang maiwasan ang pagkalala ng masidhing emosyon. Dapat sa una pa lang ay naghimok na ng paraan upang maiwasan ang maaring kahihinatnan." Tangong sabi ni Estella habang tumingin na kay Emil na nasa likuran niya. Napayagpos si Emil sa sinabi ni Estella. "Paano pa makakapag-isip kung hindi na namamalayan ng tao dahil parte ng kanyang isip ay nagsasabi na maaring mawala ang kasiyahan na ngayon lang natamasa? Sa huli ay pipiliin niya ang makakapagpasaya sa kanya kahit na may natatapakan na siya ng tao." Ika ni Emil. Nakuha ni Estella ang kanyang punto pero alam niya sa sarili niya na "Siya ay naghahangad ng kasiyahang pansarili, yinuyurakan ang pagkatao ng tao, nagiging gahaman siya, hindi ba? Kung mayroon siyang nasasaktan na taong inosente hindi iyan ang totoong kasiyahan. Para saakin ang totoong kasiyahan ay natatamasa lang sa pagiging kontento ng tao habang walang nasasaktan, walang pagkagahaman. Pagiging kontento sa mga bagay na ibinigay ng diyos dahil kung ito talaga ay nakatadhanang mangyari, ito ay mangyayari." Sabi ni Estella. Sumilay ang mga ngiti ni Emil sa sinabi ng dalaga. Base sa sagot nito, naipakita niya ang pinaniniwalaan niya sa buhay na ibinigay. May paninindigan si Estella. "Ngayon ay alam ko na kung bakit kita nakilala." Bagama't naguguluhan si Estella sa sinabi ni Emil sakanya dahil wala naman ni kahit na anong konektado ang pagkakilala nila sa isa't isa sa kanilang pinaguusapan binalewala niya nalang ito.

Inalis ni Estella ang kanyang titig kay Emil at napatingin sa babaeng hindi mapakali sa para bang naghahanap ng kung ano sa paligid. Dismayadong nakatingin si Estella kay Cassandra dahil wala itong dala ni kahit na anong menudo or maski kanin man lang. Gutom na rin kasi talaga siya. Lumingon pabalik si Estella kay Emil at yumuko bilang pagsasabi na siya ay aalis na. Hindi nagsalita si Emil bagkus tumango lang ito. Madaling naglakad si Estella patungo kay Cassandra na hindi parin siya nakikita.

Sinundan ni Emil ng tingin ang naglalakad na si Estella. Lumilingo lang si Emil habang nakangiti. Hindi siya makapaniwala na hindi nautal si Estella sa pakikipag usap sakanya. Wala ni kahit na anong bahid ng hiya, ilang o kahit na ano at yun lang niya iyon naranasan. Kinuha niya ang isang baton a para bang parte ng isang kabebe na nawasak. Kinuyom niya ito sa kanyang palad, may binulong siya rito at itinapon sa dagat na naglikha ng dalawang paglundag ng bato. Magandang pangitain.

"SAAN na ang menudo at kanin Cassandra?" mahinahong tanong ni Estella kay Cassandra na para bang nagulat na nandoon na pala siya malapit sa kanya. "Ako po ay sinabihan ng iyong ama binibini na sasabay po daw kayo na kumain dahil kakain na rin po sila." Tugon sa tanong ni Estella.

Ayaw pang bumalik ni Estella dahil maganda ang dagat kapag gabi pero naalala niya na papagabi na at wala pa gaanong ilaw dahil lampara lang ang gamit ng mga tao. Nalulungkot man na babalik kailangan niya itong gawin dahil mas ligtas na pumaroon na sa bahay bago pa man gumabi dahil baka may mga aswang pa sa lugar na 'to mahirap na, edi mamatay pa siya. "Sige, papagabi na rin lang naman." Ika ni Estella at naglakad na patungo sa bahay nila. Nagmadali sila dahil natitiyak si Estella at Cassandra na siya nalang ang hinihintay sa hapagkainan. Halos takbuhin na nila ang bahay pero Mabuti nalang hinintay talaga si Estella.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Untold story of EstrellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon