Mainit ang hanging yumayakap sa aking balat. Maalinsangan ang paligid at parang hindi maiibsan ng kahit anong samalamig ang uhaw ng mga tao dahil sa tirik ng araw.
"Eden!" Napalingon ako biglaang pagtawag ng kasamahan ko sa trabaho, si Anya.
"Ano? Tirik na tirik ang araw tapos tulala ka diyan?" Tanong niya, bwisit na rin dahil nga masyadong mainit at ang tagal kaming suklian ng tindera.
"Kung dinala mo na lang kasi 'yong payong mo, eh 'di sana hindi ka naiinitan ngayon." Hirit ko sa kaniya.
"Mamaya na kayo mag-away, pwede ba?" Sabat ng isa naming kasamahan habang hinahatak kami pabalik sa building ng office namin.
"May ganap? Bagong employee? Dagdag na workload?"
I was silently hoping that it's not the latter. I mean, I love my job so much but I still have tons of manuscripts to edit and I just can't afford to have more.
Humahangos pa kaming umupo sa meeting room dahil nagmamadali kami. Turns out, kami na lang din ang hinihintay. Nagtanong lang saglit 'yung Head namin bago nagsimula sa announcement.
"I am really sorry for this urgent meeting. We were just really shocked when the news came out." Halos hindi humihinga ang lahat, hindi naman namin alam kung magandang balita ba 'to o isa na namang kalbaryo sa buong team.
"Shet. Ang pasuspense naman ni Madam Gia," bulong ni Anya sa gilid ko. Hindi ako sumagot dahil maging ako ay kinakabahan. Nakayuko lang ako tinitignan ang oras.
"Eden."
Putangina? Bakit ako?
"Eden. Nandiyan ba siya?" Tawag ulit ni Madam Gia at bahagyang lumingon lingon.
"Y-yes po?" I uttered in a small voice.
"This is actually about the first book you wrote." Hindi ako sumagot at nanatili lang na nakatingin. Maging ang mga kasamahan ko ay nakatingin din sa'min, naguguluhan.
"It was chosen to be showed in big screen! Kakatawag lang sa'kin kanina no'ng producer and he immediately told me that the director loved your book the most among the 10 participants. Can you actually believe that?" Miss Gia beamed with joy as she told me the "big news". My co-workers started to congratulate me while I can't still process the whole situation.
Gagawin siyang pelikula.
Gagawin siyang pelikula?
Gagawin siyang pelikula!
"Weh? Totoo po? Bakit? Ha?" I reacted late which made everyone laugh. Sinabihan ako ni Miss Gia na ididiscuss na lang niya bukas lahat ng detalye para daw makausap ko na rin 'yong direktor. Natuwa lang daw siya kaya ipinatawag niya 'yong buong team. May ilang event ding kailangan paghandaan dahil ilan sa mga proofreaders na nandito ay mga writer din ng publishing house.
I was still in shock after the meeting ended. Nasa cubicle na ko't lahat lahat pero hindi pa rin talaga naa-absorb ng utak ko. I am really happy for my work but I have this feeling that this, this whole thing isn't something I should celebrate. Hindi ko alam kung instinct ko lang ba 'to, o masyado lang akong negatibo mag-isip.

BINABASA MO ANG
Buwan ng Mayo
RomansaSummer is usually bright, fun, and colorful. In Eden's case, it was the same. Not until she met Coin who gave her a different type of summer - a total opposite of how she anticipated it to be. Buwan ng Mayo tells the story of two people who found an...