[1]

15 1 0
                                    

Chapter 1

FAITH'S POV

"Faith! Wake up!"

"Uhhmmm.."

"Faith! Wake up! Male-late ka na sa school! First day mo pa naman!"

"Five minutes.."

"CASSANDRA FAITH DELA VEGA!!!!"

*splash!!*

"WAHHHHHHHH!!!"

Nagising ako ng biglang may bumuhos ng tubig sa akin.

Waaahhh! Basang basa ako!!

"Oh ayan edi nagising ka."

Napatingin naman ako sa gilid ko at sinamaan ng tingin itong lalaking matangkad na nakatayo ngayon sa gilid ng kama ko na may hawak pang tabo.

"Ano ba Kuya! You're so bad! Basang basa na ako!" sigaw ko sa kanya

"Ayaw mo magising eh. Sige na maliligo ka na naman eh hahaha. Bilisan mo ha. Babye!" sabi niya tsaka tumakbo palabas ng kwarto ko

"Arggghhh!!! I hate you HARRY DELA VEGA!!!!" sigaw ko

Nakakainis talaga si Kuya! Aish! Bwisit!

Dumiretso na ako sa banyo at naligo. Pagkatapos ko mag-ayos bumaba na ako para kumain.

"Good morning dad." tapos humalik ako kay Daddy sa pisngi

Tinignan ko naman ng masama si Kuya Harry na patay malisyang kumakain na akala mo walang ginawa sa akin kani-kanina lang. Si Kuya Mond naman pinaupo na ako sa tabi niya para kumain.

"Good morning honey."

Sheez. Ito na naman 'tong babae na 'to. Mawawalan na naman ako ng gana.

"Good morning honey. Come join us." sabi ni dad

"Oo nga Tita ay este Mommy pala. Dun ka sa tabi ni Harry oh." sabi naman ni Kuya Mond

Psh! Sigurado ba silang isasabay nila sa pagkain yan?! Seriously?! Alam naman nila na ayaw na ayaw ko diyan sa babae na yan!

Tinignan ko naman ng masama itong malanding babae na 'to.

"Good morning Cassandra."

"Don't talk to me." I said using my bored voice

"Cassandra!" saway sakin ni dad. Si Kuya Harry at Kuya Mond naman sinamaan ako ng tingin.

"What? Did I say something wrong?" sabi ko sabay subo ng pancake

"Matuto kang gumalang Cassandra." dad said with a warning tone

"I only respect people who are deserve to be respected." sabi ko sabay tingin ng masama ulit sa malanding babae

"CASSANDRA!" sigaw ni dad sakin sabay tayo at tingin ng masama sakin

Palagi namang ganito ang set-up. Kapag nandidito ang babae na 'to, palaging ako naman ang mali. Palaging ako ang may kasalanan. Palaging ako ang napapagalitan.

Nagpunas ako ng labi at tumayo.

"I'm done. Nawalan na ako ng gana." sabi ko sabay lakad

Binilisan ko lumabas kasi alam ko papagalitan na naman ako ni Dad. Haaay. Palagi naman ganito. Sanay na ba ako? Oo. Sanay na ako. 2 years na akong walang nanay bakit kaya hanggang ngayon hindi pa din ako masanay sa kabit ng tatay ko?

Kinuha ko yung stress ball ko tapos naglakad ako papunta sa school. Hindi kasi pwedeng naka-sasakyan ako, makikita ng schoolmates ko at isa pa, panata ko 'to sa sarili ko na maglalakad ako every morning kapag may pasok para exercise na din.

My Bestfriend's Ex GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon