FAITH'S POV
Hininto ni Nathan yung kotse niya sa tapat ng bahay namin.
"Hindi ka ba papasok?" tanong ko habang tinatanggal yung seatbelt ko
"Hindi na muna siguro. Baka magulat lang sila. Lalo na yung dalawang kuya mo, baka nandyan pa lang ako sa gate patayin agad ako." sabi niya habang nakapout.
Wiiiiii!!! Cute cute!!
"Don't worry. Ako na lang mag-eexplain sa kanila."
Pababa na sana ako ng bigla niyang hinawakan yung kamay ko.
Hinila niya ako palapit sa kanya tapos niyakap na naman ako ng mahigpit.
"I love you. Akin ka na lang ulit ha?"
My god! Hindi ba siya nagsasawa paulit ulitin yan? Isang sabi pa baka sagutin ko na siya!
"Ewan ko sayo. Ligawan mo muna ako 'no."
Humiwalay siya sakin tapos hinalikan ako sa noo.
"Opo." sabi niya habang nakangiti
Bumaba na ako sa sasakyan tapos nagwave na ako sa kanya.
"See you tommorow. Sa school niyo na ako ulit papasok. I love you!" tapos umalis na siya
Naiwan naman akong nakangiti.
Sheeeet!!! Kinikilig akooooo~
"HOY CASSANDRA!! ANONG NGINI-NGINITI MO DIYAN HA! AT SINONG NAGHATID SAYO?!" Kuya Harry
Boyset! Ayoko masira ang araw ko nakuu.
Pumasok na ako sa loob. Hindi ko na lang siya pinansin.
"Hoy Cassandra! Kinakausap pa kita! Sino yun ha?!"
Ang kulit.
"It's Nathan." sabi ko habang naghuhubad ng medyas
"WHAT THE F--"
"Sige subukan mo ituloy yang sinasabi mo papakain ko sayo 'tong medyas ko!" habang nakatapat sa mukha niya yung medyas ko
Bigla naman siyang lumayo.
"Th fck Faith! Ilayo mo nga sakin yan! Sayo ko papakain yan eh!"
"Ang arte mo! Wala namang amoy eh! Ang bango nga oh!"
"Hoy wag mo nga ibahin yung usapan! Bakit mo kasama yung lalaking yun ha?! Akala ko ba nasa London na yun?! Bakit bumalik yun ha!" patuloy pa din siya sa pagsigaw hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay
Naupo sa sofa. Haaaay ang sarap.
"CASSANDRA NARIRINIG MO BA AKO!!"
AISH!
Napakaingay talaga ng lalaking 'to. Daig pa ang babae kung sumigaw.
"HARRY ANO BA YAN! NATUTULOG AKO SA TAAS ANG INGAY INGAY MO!" Kuya Mond
Dinilaan ko naman siya.
"Kuya! Yang si Cassandra! Hinatid ng gunggong na Nathan dito!" sumbong naman ni Kuya Harry
"ANO?!!" at sumigaw na nga din si Kuya Mond
Ang OA talaga ng mga kapatid ko. Ewan ko ba kung saan yan nagmana. =_= Daig pa ako kung sumigaw eh.
"HINATID KA NI NATHAN DITO?! BAKIT?! DIBA NASA LONDON YUN! AT BAKIT SIYA BUMALIK DITO?! NAGKABALIKAN NA BA KAYO HA?! SUMAGOT KA CASSANDRA!!" sigaw ni Kuya Mond
My God Lord! Gusto ko ng peace of mind! Ayoko masira yung araw ko sa kakasigaw ng dalawang kumag na 'to.
Tumayo ako tapos nagsimulang umakyat sa taas.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Ex Girlfriend
RomansCassandra Faith Dela Vega, a simple girl from the royalty family. We owned Royalty University, but nobody knows that.. even my friends. I've met this guy in our school since he, his friends and my boyfriend are friends. We get to know each other and...