[2]

11 0 0
                                    

FAITH'S POV

Sht.

He's back.

"Faith. Faith! Huy!"

Napatingin ako kay Bettina. Classmate ko sa isang major subject.

"Kanina ka pa nakatitig diyan sa papel na hawak mo. Ano ba yan?"

Tinago ko agad yung papel ng balakin niyang tignan.

Hindi ko alam may pagkachismosa pala siya =_=

"Ah wala. Sige Bettina una na ko."

"Sige."

Naglakad ako papunta sa gym.

Nagpunta ako sa locker room at nagpalit ng jersey.

Yup! Hobby ko ang pagbabasketball. Since wala si Matt dahil busy siya sa isang subject niya, ako na lang mag-isa ang maglalaro.

Nagwarm-up muna ako bago ako nagsimula magbasketball.

Puro dribble at shoot ng bola ang ginagawa ko. Pawis na pawis na din ako pero hindi pa din ako tumitigil.

"...I want you back. I love you so much."

Shit!

Hinagis ko ng malakas yung bola tapos padabog akong naupo sa gitna ng court.

"Wala ka pa ding pinagbago Cassey. Magaling ka pa din."

Bigla akong naestatwa sa kinauupuan ko ng marinig ang boses na yun.

Hindi ako pwede magkamali.

Siya lang ang bukod tanging tumatawag sakin ng Cassey.

Tumayo ako at kinuha yung bola. Hindi ko siya pinansin.

Nagsimula ulit ako magdribble.

"C'mon Cassey. Don't act as if you can't hear me."

Hindi ko pa din siya pinapansin tapos shinoot ko yung bola.

Nagulat ako ng bigla siyang tumakbo tapos kinuha yung bola at humarap sakin.

Napatulala ako.

Yang mukhang yan, ngayon ko na lang ulit nakita yan after 3 years.

Gwapo siya dati pero mas gwapo siya ngayon.

May kulay na din yung buhok niya at mas tumangkad pa siya lalo.

Pero nagpoker face pa din ako at hindi ko pinakitang naapektuhan ako sa presensya niya.

"Okay. Let's have a bet. Unang maka 3 points ang panalo. Kapag ikaw ang nanalo, hindi mo na ako papansinin for life. As in habang buhay. Pero kapag ako ang nanalo, kakausapin mo na ulit ako."

Walanghiyang 'to! Paano niya nagagawang umakto na parang wala siyang ginawa sakin dati? Na parang hindi niya ako iniwan sa ere dati?

Pain, anger, love, lahat bumalik ng makita ko siya ulit.

Gusto ko umiyak pero ayoko ipakita sa kanya.

Pero ito ba ang gusto niya? Tss. Let's get it on!

Pinunasan ko yung pawis ko sa noo tapos nagsmirk ako sa kanya.

Lumapit ako sa kanya as in sobrang lapit.

Nakita ko namang napapalunok siya at nanginginig din yung kamay niya na nakahawak sa bola.

Tinitigan ko siya sa mata, "Deal." sabay agaw ko ng bola mula sa kanya sabay takbo

Bigla naman siyang natauhan at biglang tumakbo papunta sakin.

My Bestfriend's Ex GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon