[4]

17 0 0
                                    

FAITH'S POV

Nandito ako ngayon sa Starbucks malapit sa hotel na pinagtuluyan ko.

Nagbebreakfast kasi ako tsaka dito kami magkikita ni Nathan ngayon.

Hindi ko pa din ginagamit yung phone ko pero meron pa naman akong isang phone na hindi alam nina kuya ang number kaya ito yung ginagamit ko pangcontact kay Nathan.

Nagulat ako ng biglang may humawak sa magkabilang pisngi ko mula sa likod tapos tiningala yung mukha ko tsaka ako hinalikan sa noo.

"Good morning my Queen." sabi ng gwapong nilalang na ito

Hindi ko naman maiwasang magblush.

Kuuuu! Itong lalaki na 'to aga-aga pinapakilig ako.

"Kumain ka na?" tanong ko

"Not yet." sabi niya habang nakapout ang cute cute!

"Why?"

"Gusto ko sabay tayo. :)"

Naman eh! Bakit ba ang aga magpakilig nito?

Umorder na siya ng pagkain niya tapos tumabi siya sakin.

"Oh bakit nandito ka? Dun ka sa tapat ko maupo."

"Ayaw. Subuan mo ko."

Naman oh! Umaatake na naman ang pagiging childish ng isang 'to.

Buti na lang konti lang ang tao dito sa SB, kundi mukha kaming PDA dito.

"Naman eh! Ikaw na lang kumain mag-isa."

"Ayaw." aba at nagcross arms pa

Childish talaga =_=

Kumuha naman ako ng cake na inorder niya tapos sinubuan ko siya.

"Wow! Ang sarap naman! Namiss ko 'to!" sabi niya habang ngiting ngiti pa

Pati tuloy ako napapangiti. Nakalimutan ko yung problema ko kagabi.

Ang lakas talaga makagv ni Nathan.

Kumuha siya ng slice ng cake tapos tinapat sa bibig ko. Take note, yung kutsara na gamit niya, yung kutsara na ginamit ko pang subo sa kanya.

"Queen say aaahhh."

"Nate what are you doing?"

"Pleaseeeee?"

Wala na nga akong nagawa at sinubo na lang yung pagkain na nasa harap ko.

Kinikilig ako shems! >///

Kahapon ko lang siya nakita ulit at pinayagan manligaw pero mukhang mapapasagot niya agad ako dahil sa ginagawa niya.

"Ayy Queen may dumi ka sa bibig. Halika aalisin ko."

"Ha? Saan--*chup*"

"Ayan wala na! ^____^ Teka parang mas masarap pa yun kesa sa cake ha?"

Akmang lalapit niya ulit yung mukha niya sakin pero hinawakan ko yung mukha niya tapos tinulak ko palayo.

"Ikaw nakakailan ka na ha. Hindi pa nga kita sinasagot nakakadami ka na."

"Eh bakit kasi ayaw mo pa ako sagutin? Dun din naman mapupunta yun."

"Magpaalam ka muna kay mom."

Napangiti naman siya ng sabihin ko yun.

"Yun lang ba? Oh sige! Alam ko namang boto pa din sakin si Tita eh. Tara na!"

Kung alam mo lang Nathan...

Umalis na kami tapos dumiretso na sa pupuntahan namin.

****
"Teka Cassey, anong ginagawa natin dito?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Bestfriend's Ex GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon