49

104 3 0
                                    

Buti na lang talaga, pinalaki ako ng pamilya ko kung paano mawalan ng pake sa mga bagay na wala na akong magagawa kaya hindi na ako nag-ooverthink kung narinig man ni Abo ang sinabi ko kay Sir Alon. Wala naman kasing saysay kung babawiin ko pa dahil halata naman na. 'Tsaka magaling siyang makahuli ng nagsisinungaling. Hindi na lang ako kikibo para wala siyang malaman sa akin.

Nakaka-intimidate si Abo kapag walang salamin pero ngayong nakasalamin na naman siya, mas nakaka-intimidate pala siya lalo. Mukhang kagagaling niya lang sa eskwelahan.

"Can I have her time?" sabay tingin ni Abo kay Sir Alon kaya tumaas ang isang kilay ko. Bakit hindi siya sa akin magpaalam? Ganun na siya kawalang respeto sa akin? Parang wala ako rito, ah!

"If that's okay with Ulan," ani Sir Alon tapos nalipat sa akin ang tingin nilang dalawa kaya umiling ako.

"Uuwi na po ako," paalam ko kay Sir Alon. Tumalikod agad ako at nagmadaling bumalik sa apartment pero sinundan naman ako ng dalawa. Oo nga pala, nandun iyong sasakyan ni Sir Alon pero hindi ko alam kung bakit sinusundan pa kami ni Abo.

"This is about the body guard you injured," wika ni Abo dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. May bumangga sa likod ko pero hindi naman ako natumba dahil agad niyang nahawakan iyong mga braso ko. Ramdam ko rin na nakadikit sa likod ko ang katawan niya. "You're really pushing me to tell this, aren't you?" bulong niya sa tainga ko mismo tapos humigpit na naman ang hawak niya sa mga braso ko na parang hindi niya ako hahayaang makawala pa.

"A-anong nangyari sa kanya?" kinakabahang tanong ko. Sinabi ba nung guard kung paano siya nauntog sa pader na iyon? At sino naman ang maniniwala? Buti nga at buhay pa siya, e.

"What are you saying?" tanong ni Sir Alon.

"You wanna tell him?" bulong sa akin ni Abo pero hindi ako nakakibo dahil sa dami ng tumatakbo sa isipan ko. Alam naman na ni Sir Alon ang kakayahan ko pero ayokong isipin niyang ginagamit ko ito sa masama.

Kakawala sana ako mula sa pagkakahawak ni Abo kaso hinila niya ako papunta sa kung saan tapos sumunod naman si Sir Alon. Ang bilis maglakad ni Abo kaya para na akong nakakaladkad dito habang hawak niya ang kaliwang braso ko.

"Ako na po'ng bahala," sabi ko kay Sir Alon para hindi na siya sumunod. Marami kaming dapat pag-usapan ng Abo na 'to.

Nagtatanong pa ang mga mga ni Sir Alon kung ayos lang ba talaga ako kaya pilit akong ngumiti bago siya nawala sa paningin ko. Alam kong nag-aalala lang siya pero alam ko rin namang walang gagawing masama sa akin si Abo this time.

"P'wede mo na akong bitawan," sabi ko nang makapasok kami sa isang café pero hindi niya pa rin binibitawan ang braso ko. Nagsisitinginan tuloy sa amin ang mga tao rito. Pero karamihan, kay Abo nakatingin. Hindi ko lang alam kung ano'ng nakakatawa kaya bakit sila parang nagtatago ng kilig diyan?

"So you can escape?" mahinang tanong niya at mas dinikit pa ako sa kanya.

"Alam ko naman kung gaano ka naiirita lalo na kapag nakikita ako. Ano pa kaya ngayong hawak mo ako?" mahinang tanong ko rin.

Nakarating kami sa counter para yata mag-order pero wala akong gana magkape. Presence niya pa lang, nagpa-palpitate na ako, e.

"Who said that?" tanong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Kahit iyong nasa counter na kaharap namin ay parang nagtataka sa pinag-uusapan namin. "Remember when our lips touched?"

"Nasuka ka ba?" Kailangan niya bang ipaalala iyon? Gusto ko na nga lang kalimutan iyon, e. Kasi potek, ugh! Sa lahat ng tao, si Abo pa? I mean, hindi naman siya ang first kiss ko... si Bughaw. Shocks! Nakakasuka talaga! Buti at hindi iyon maalala ni Bughaw ngayon. Hindi niya alam na hinalikan niya ako kaya kakalimutan ko na lang.

Curse Of The Rain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon