13

134 5 0
                                    

Dahil sa bilis ng pangyayari, napapikit na lang ako nang mariin at hinintay kong bumagsak kami sa tubig pero iba ang nangyari. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at tumigil sa pagtakbo ang sasakyan. Tumahimik ang paligid namin pero dinig at ramdam ko kung gaano kalakas ang kabog ng dibdib ko. Hanggang ngayon, nagpipigil pa rin ako ng hininga kasi baka biglang tumakbo na naman ang sasakyan sa maling kilos ko lang.

"We're safe," ani Sir Alon na mabibigat din ang paghangos. Unti-unti akong nagmulat ng mga mata. Nawala ang kaba ko nang makitang bumangga lang kami sa harang ng tulay. Buti at hindi kami natuluyan.

"Kailangan niya ba talagang hawakan ang iyong kamay?" walang emosyong tanong ng lalaking nasa likuran pa pala kaya napatingin ako sa kamay kong hawak ni Sir Alon. Agad ko itong inagaw kaya nagulat siya at napalingon sa akin.

"I'm sorry, nagulat lang," kinakabahang paumanhin ni Sir Alon. Tumango lang ako at saka umiwas ng tingin sa kanya. Mas nakakakaba pala iyon. Baka magalit sa akin si Alab kapag nalaman niya ito.

"Kailangan na po ba talaga nating pumunta sa albularyo?" tanong ko habang binabawi pa namin ang matitino naming pag-iisip. Hindi pa rin kami umaalis dito sa gilid. Nakapatay rin ang makina ng sasakyan.

"Yes. Babalik din tayo agad," sagot ni Sir tapos in-start niya na naman iyong sasakyan at maingat itong inatras bago nagsimulang tahakin ang kalsada. "Bakit ka kasi sumigaw?" tanong niya.

Umiling ako sabay tingin sa bintana. "Wala po. Nagulat lang din. Sorry," mahinang sagot ko habang tinitingnan iyong bintana. Wala na iyong babaeng biglang nagpakita.

"May nakita ka ba, Ulan?" tanong ng lalaking nasa likuran pero hindi ko na lang sinagot. Ilang oras kaming nasa byahe ni Sir Alon at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising ako nang tapikin niya ang braso ko. Tumila na ang ulan pero gabi pa rin. Nasa labas na si Sir Alon, nakatayo sa tabi ko.

"We're here," ani Sir Alon. Nilingon ko sa likuran iyong lalaki pero wala na siya. Nagtataka ako kung saan siya napupunta kapag hindi umuulan. Nandun ba siya sa lugar na umuulan din? What if hindi umulan sa buong mundo?

Bumaba na ako ng kotse at nakita ko ang isang bahay na pawid. Isang palapag lang ito na may maliit na bakuran. Mukhang walang kuryente dahil sa gaserang nakikita kong nakasindi sa loob. Kumatok kami ni Sir Alon at makalipas ang dalawang minuto, may nagbukas na ng pinto. Isa siyang matandang lalaki na mahaba ang puting buhok at balbas. Kubado na rin siya at payat lang. nahahalata ang kulubot niyang balat. May bandana rin siyang kulay pula.

"Magandang gabi po," bati ni Sir Alon. Pinaningkitan ng matanda si Sir, mukhang inaalala niya ito.

"Nagbalik ka," mahinang sambit ng matanda. "May problema na naman ba?"

Tiningnan ako ni Sir Alon kaya nilingon din ako ng matanda. Pinakatitigan niya ako hanggang sa napaawang ang bibig niya at tinuro niya ako. "N-nagbalik ka," sabi niya sa akin kaya kumunot ang nook o.

"Nanggaling ka na rito?" tanong sa akin ni Sir Alon na inilingan ko rin.

"Ngayon lamang siya rito... ngunit batid kong nagbalik siya para sa isang bagay," sagot ng matanda. "Pumasok kayo ngunit hindi ko matitiyak na ako'y isang malaking tulong."

Nagkatinginan pa kami ni Sir Alon bago kami sumunod sa matanda. Maraming gamit dito sa loob kaya nagmumukhang masikip ang paligid. Ang dami niya ring dahon at botilya na kulay brown. May mga manika pa siyang itim na nakikita kong ginagamit ng mga mambabarang sa TV.

"Albularyo po kayo?" tanong ko sa matanda nang humarap na siya.

Tumango siya. "Sa akin din lumalapit iyong mga nababarang, nakukulam at mga taong may sakit na hindi alam kung ano ang lunas dahil bata pa an gating agham. Hindi pa nila nadidiskobre ang lahat."

Curse Of The Rain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon