Epilogue

271 16 37
                                    

Hindi ko alam kung anong nangyari... lumulutang pa ang diwa ko. Basta ang alam ko, napalilibutan ako ng iba't-ibang espiritu sa loob ng isang malaking bulwagan kung saan sa harapan ko ay ang hukom na tila mga bituin sa kalangitang bumaba sa aking harapan.

Lubhang nakamamangha talaga. Pero anong nangyayari? Bakit ako nandito?

"Nais kitang batiin, espiritu ng tubig dahil iyong napagtagumpayan ang mahirap na pagsubok na aming ipinataw sa iyo," sabi ng hukom. Hindi ako kumibo. Nanatili akong nakalutang sa harapan nila. Teka...

Sandali! "B-bakit ako nandito?" tanong ko dahil ang pagkakaalala ko, isa akong tao. Ako si Ulan. Paanong nandito na ako sa aming bulwagan?

"Ang sumpa sa espiritu ng tubig ay ang maiparanas ang pagiging tao. Na sa mundo ng mga mortal, hindi lamang saya ang mararanasan kun'di kaakibat noon ang napakaraming responsibilidad, pasakit, hinagpis, pagsasakripsiyo at pag-aalay ng sarili alang-alang sa kanyang mga minamahal.

"Upang mapawi ang sumpa, kinailangan mong isuko ang bagay na iyong inaasam dahilan upang magawa ang iyong kasalanan noon. Hinangad mong mabuhay bilang mortal at dahil iyon ang isinuko mo sa amin, itinatanggal na namin ang sumpa sa iyo."

Ha? Iyon na lang ang lumabas sa isip ko kasi what? Seryso? Malaya na ako? Hindi ito ang inaasahan ko. Gusto kong maging masaya kasi malaya na ako. Na nakabalik na ako sa dating ako pero parang may mali. Wala akong maramdaman... Oo nga pala, isa akong espiritu. Hindi puro ang pakiramdam dito.

Hindi ko marinig ang hiyawan ng mga espiritung nakapaligid sa akin. May pag-aalinlangan na hindi ko mawari.

"Paano ang hangin?" tanong ko tapos natahimik ang mga espiritu. Maging ang hukom ay napatigil sa kanyang pag-galaw. Kumikinang kasi iyong mga liwanag niya pero nag-pause iyon dahil sa tanong ko. Baka iniisip nilang bakit hindi pa ako makontento na malaya na ako? "Paano si Bughaw? Ang lupa? Sila ang gusto kong makalaya, hindi ako. Tanggap ko naman na nagkasala ako pero sila, hindi."

"Kanila ring napagtagumpayan ang pagsubok. Kahit walang maalala ay naging tunay ang pagkalinga sa iyo ng lupa. Ang hangin, sinubok namin ang kanyang pagiging tapat sa iyo alang-alang sa kanyang kalayaan ngunit mas pinili niyang manatili sa sumpa, maprotektahan ka lamang. Ang sumpang ito ay nagpapatunay na walang makabubuwag sa inyo. At iyon ang ating kailangan dahil hindi maaaring magkaroon ng alitan ang mga espiritu rito sa ating mundo."

Iyon pala 'yon. Sinusubukan lang nila ang pagiging tapat namin. Kung sakaling naglaban nga kami, may isa o dalawa sa amin ang mananatili bilang tao at ang matatalo ay hindi ibabalik sa pagiging spirit kasi makakagulo lang ang isa o dalawa sa amin.

"Nauunawaan ko," mahinang sagot ko. "Ngunit bakit wala pa rin sila rito?"

"Makababalik sila rito oras na matapos ang kanilang buhay sa lupa. May panahon pa sila upang sulitin ang pagiging tao."

"Natutuwa akong malaman iyan," sabi ko tapos kuminang na naman siya. Magaan na ang loob ko na malamang nasa maayos na kalagayan sina Abo at Sir Alon. Kapag sinabi kong magaan, ang wangis ko'y hindi ko maramdaman. "Ngunit si Bughaw?"

"Ikaw ang magtatanggal ng kanyang sumpa," sagot niya. "Magkakaroon ka ng pagkakataong bumalik sa lupa ngunit bilang espiritu lamang. Pakatatandaan mong lubos na ipinagbabawal sa atin ang pumasok sa diwa ng isang mortal. Oras na ulitin mo ang iyong mga pagkakasala, mawawasak ka."

Kinabahan ako sa sinabi niya pero naiintindihan ko na. "Nais ko lang humingi ulit ng tawad dahil hindi man lang ako nagbigay ng pagkakataong ipagtanggol ni Bughaw ang kanyang sarili laban sa aming paratang. Kung maaari, magbibigay ako sa kanya ng isang bagay na kanyang hihilingin."

Hindi agad siya sumagot kaya medyo kinakabahan na naman ako. Gusto ko lang talagang makabawi sa kanya dahil sa laki at dami ng kasalanan ko. Ilang beses ko siyang nasaktan--sila ni Pluvia. Alam kong hindi ako makakabawi nang lubos pero gusto kong kahit papaano, may isang maging masaya sa kanila. Tatanggapin ko kung hindi ako mapapatawad ni Bughaw. Mahirap naman kasi talaga.

Curse Of The Rain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon