HIS BURIED SECRET 8

393 35 4
                                    

Present

Binagabag ako ng kakaisip kung sasabihin ko ba ang tungkol kina Jen at Cire at yung sa iba ko pang nalalaman kay Grigor. Hindi ko kasi alam kung okay bang sabihin ko iyon dahil baka magalit siya sa akin at mawala sa mood dahil una, lumabas ako ng bahay ng walang paalam. Pangalawa, nakipag meet ako sa mga taong hindi ko alam kung gusto niya bang makasama ko. Baka kasi, alam ninyo iyon? May naging pagaaway pala si either Jen or Cire na hindi sino man sa kanila ang nagbanggit sa akin. Ayaw ko namang mag away kami ng asawa ko ng dahil lang duon.

Pero gusto ko talaga malinawan. Naguguluhan na kasi ako sa mga nalaman ko tungkol sa kanila. Lalo na yung tungkol sa ex ni Grigor na kinwento sa akin ni Jen.

At dahil maagang umalis si Grigor para pumasok sa kanyang trabaho ay ginawa ko muna ang dapat ko na gawin at iyon ay ang maglinis ng bahay bago ako umalis. Oo. Aalis ako ulit. This time, pupunta ako sa lugar kung saan pinaka ayaw ni Grigor ako pumunta - sa hospital. Gusto ko malaman bakit hindi pa kami magka anak ba related sa sinabi ni Cire sa akin ng nasa kainan kami.

Hindi ko alam pero kinakabahan man, malakas ang kutob kong may bagay na tinatago sa akin ang asawa ko at iyon ang gusto kong alamin at malaman.

Pumunta ako sa hospital na may kalayuan dito sa amin para makasigurado akong walang makakakilala sa akin na maaaring magsabi sa asawa ko na nakita nila ako sa labas.

For some reason, nagtataka ako sa mga oras na ito ngayon kung bakit lalaki ang ob-gyn doctor na kaharap ko. Hindi sa gender biased pero nakakagulat lang na may lalaking mayruong passion para pangalagaan ang mga nagbubuntis at gustong magbuntis na gaya ko. Usually kasi di ba, babae ang nasa ganitong larangan?

Naghihintay nalang ako ng response sa kanya mula sa ginawa niyang pag check sa akin kanina at sa naikwento ko na pinapainom na gamot sa akin ni Grigor kung may epekto ba iyon sa kung bakit hindi pa ako nagbubuntis.

Natawa nga ako kasi kanina ng pagpasok ko sa office niya parang nagulat pa siya na makita ko.

"Let's just wait for my co-doctor to arrive, is that alright, Mrs. Magnus?"

"Yes, sure."

Ilang minuto ding tahimik ang paligid hanggang sa muli siyang magsalita.

"Are you really sure we haven't seen each other before or remember my name, Kristoffer, by any chance? 'Coz I'll be honest. Your maiden name really sounds familiar to me."

Umiling ako sa kanya na siyang kinatango niya.

Is this just coincidence? Parang sa tuwing lalabas ako may taong magsasabing kilala nila ako by chance.

"Sandali lang, Mrs. Magnus. I'll be back shortly. May kailangan lang asikasuhin sa nurse desk." paalam nito bago lumabas at maiwan ako mag isa.

Habang hinihintay ko bumalik yung gynecologist at yung sinasabi niyang co-doctor niya na paparating, inilibot ko nalang muna ang tingin ko sa kanyang office hanggang sa madako ang mata ko sa mga nakatalikod na frames sa mismong table niya.

Wala naman sigurong masama kung tignan ko yung picture. Titignan lang naman eh.

Hinarap ko ito sa akin at sa hindi ko maliwanag na paraan, nanikip bigla ang dibdib ko na parang hindi ako makahinga. Bigla din kumirot ang ulo ko kaya agad kong binalik sa pwesto ang hinawakan kong frame.

Para akong may naririnig na boses sa utak ko at rumehistro yung mukha ng isa sa mga kasama ng gynecologist dito sa office sa akin.

"Mrs. Magnus, are you okay?" bumalik ako sa ulirat ng makita ko ang nagaalalang mukha ng doktor kasama ang isa pang kasamahan niya.

HIS BURIED SECRET (TRANS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon