Fifteen years ago
"Oh, anong nangyari sa'yo at late ka? Buti wala yung first subject teacher natin kundi na-absenan ka na." sermon sa akin ni Cire na bestfriend ko for one year and counting dito sa school.
I'm a second-year high school student, section A by the way. Meaning, I got here through my A+ performance in academics during elementary days so here I am, a scholar at St. Marguerite's Academy. But being here is not easy. Nope. Hindi ang pagii-stay as scholar ang tinutukoy ko kundi ang pakikisama sa mga estudyante na nandito. I just couldn't fit in and passed to other people's standards just because I'm a scholar and. . . gay.
Other students in other sections also make fun of me but I'm happy to know that some of them accept me for who I am. I mean, I didn't choose to be gay in the first place.
"Abi! Kinakausap kita. Bakit ka late ha? May nangyari ba?" I can see how concerned she was kaya hindi ko na napigilang maiyak. Buti at wala kami sa classroom kundi sasabihin na naman ako ng mga classmates ko na nagpapa awa ako.
" 'Yung demonyong Grigoris na naman ba at mga alipores niya?" nanggigigil niyang tanong.
Tumango ako habang umiiyak sa balikat niya. Niyakap niya ako ng mahigpit habang pilit na pinapatahan sa pamamagitan ng paghaplos sa buhok ko.
"Sumosobra na talaga 'yang walang hiya na 'yan sa'yo! Ano bang problema niya at ikaw ang ginugulo niya? Ang dami namang pwedeng pagtripan d'yan kaya bakit ikaw pa? Ikaw na wala namang atraso o ginagawang masama sa kanya? Tsk. Hindi na pwede ito, Abi! Isumbong na natin siya sa guidance or much better kung sa mismong Headmaster! Hindi na tama ang ginagawa niya at ng mga kaibigan niya sa'yo! Harassment na 'yan at hindi lang basta pambu-bully!"
Kinabahan ako sa sinabi niya kaya agad ko siyang pinigilan ng kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.
"H-h'wag, Cire! P-please. .!"
"Anong h'wag? Abi! Maling-mali ang ginagawa nila sa'yo! Ang tagal mo ng tinitiis ang pangbu-bully nila sa'yo. Simula ng pumasok tayo dito wala na silang ibang ginawa kundi pahiyain at saktan ka tapos sasabihin mo sa akin na h'wag nating i-report? Abiel!"
"P-please, Cire h'wag na. . . l-lalo lang nila o niya ako pagiinitan. . a-alam naman nating lahat na ang pamilyang Magnus ang may-ari ng eskwelahan na ito kaya baka hindi sila maniwala sa atin lalo na sa akin. . . a-at saka baka idamay ka nila. . a-ayaw ko mangyari 'yun kaya please, Cire, hayaan nalang natin. . m-magsasawa din sila. ."
"Abi. . hanggang kailan?" naaawa niyang tanong sa akin at napa buntung-hininga.
"Hanggang sa maka graduate tayo." ngumiti akong pilit sa kanya para ipakitang kaya ko pa pero sa totoo lang, gusto ko na talagang sumuko pero hindi pwede. May dahilan ako kung bakit ginusto kong pumasok sa eskwelahan na ito kaya hindi ko sasayangin ang opportunity ko ng dahil lang sa pangbu-bully sa akin. Nangako sa mga nag alaga sa akin sa ampunan kaya hindi ko sila pwedeng i-disappoint.
Grigoris Magnus.
The one and only son of Magnus's and sole heir of St. Marguerite's Academy and their other international companies their family owns. Grigoris is full of pride and some say, he's quite possessive and do what he pleases.
Hindi na ako magtataka kung bakit. Anak mayaman siya. Siya yung kahit hindi na mag-aral at mag trabaho ay mabubuhay ng matagal hanggang sa mamatay dahil sobra-sobra ang yaman ng pamilya niya. To be honest, he can literally do everything he wants without concerning other people opinions dahil siya nalang ang nagiisang miyembro ng Magnus Family. His parents died in an accident (according to rumors) and as to what I've heard, mas yayaman pa siya kapag tumuntungtong siya ng eighteen dahil makukuha niya na ang kalahati pa ng yaman na meron siya mula sa naiwan ng kanyang mga magulang.
![](https://img.wattpad.com/cover/34556551-288-k231303.jpg)
BINABASA MO ANG
HIS BURIED SECRET (TRANS)
Mystère / Thriller"Hide it 'til it's buried until it is dug up and expose you to death." Date Created: April 14, 2015 at 12:18 AM Date Published: June 11, 2020 at 12:18 AM Date Ended: February 03, 2021 at 12:30 AM