"Are you alright, Hon?" inaantok na tanong ni Grigor sa akin sa biglang pagbangon ko sa kama.
Alangan akong ngumiti sa kanya at bumangon siya para yakapin ako at haplusin ang buhok ko. Ewan ko ba. Binangungot yata ako.
Sa panaginip ko, may nakita akong ilang kalalakihan na may hinahabol at ayun. All I know is may nangyaring hindi maganda dahil sa sigawan at pagmamakaawa na aking narinig sa aking kinaruruonan sa panaginip.
"Sorry," halos pabulong kong paumanhin at sumiksik ng yakap sa kanyang bisig.
"Sshh. No worries," bahagya siyang lumayo sa akin at pinagmasdan ang mukha ko at hinaplos, "Ininom mo ba yung gamot mo bago ka natulog?"
Shit. Nainom ko ba? Lagot. Hindi ko maalala.
"Uhm-hmm." pagsisinungaling ko.
Nilapit niya ng husto ang mukha niya sa akin upang matitigan ako ng maigi sa mata. Yikes. Alam ko kasing magagalit siya kapag sinabi kong hindi ko maalala. Nakakatakot pa naman siya magalit.
"Abi?"
"U-uminom ako. ."
"Abiel Magnus." ulit niya sa pangalan ko sa mas malalim at seryosong tono.
"S-sorry, Hon. . Hindi ko maalala. . Hindi ko yata nainom."
Isang mabigat na buntung-hininga ang pinakawalan niya at tumayo paalis ng kama.
"Hon? Saan ka pupunta?" hindi siya sumagot sa tanong ko kaya sinundan ko siya papunta sa bathroom na nasa luob ng kwarto namin.
"Abi, don't make me mad. If I tell you to drink your medicine, drink it. Understand?" seryoso niyang sabi at pinaharap ako sa kanya. I can see the fire in his eyes because of my mistake.
Tumango ako at ininom ang gamot na binigay niya. Actually, hindi ko alam para saan ito pero ang sabi niya sa akin ay para sa health ko itong gamot na ito thou hindi ko magets kung bakit big deal sa kanya kapag nakakalimutang kong inumin ito kung para lang itong vitamins.
"And please, don't lie. It makes me sad."
"Sorry." sinalubong ko ang halik niya at yumakap ng mahigpit sa kanya.
Bumalik kami sa kama at nahigang muli. Pinagmasdan ko siya hanggang sa makatulog siya samantalang nanatili akong nakatitig sa kisame. Hindi pa rin mawala ang pagkabog ng dibdib ko sa takot sa panaginip ko na 'yon pero hindi niya na siguro dapat pang malaman ang tungkol duon dahil hindi naman iyon importante.
Kinabukasan. .
"I love you, Hon." nakangiti kong sabi at hinalikan siya labi habang nakadukwang ako sa bintana ng kanyang kotse.
"I love you too. Don't forget to eat, okay?"
"Yes, Hon. I will."
Dating gawi sa tuwing umaalis si Grigor ay naglilinis ako ng bahay at gumagawa ng kung anu-ano para hindi ma-bored. Nang matapos ako ay tumambay ako sa sala para manuod ng tv at sakto namang ang palabas ay tungkol sa mga baby. Sa una ay natutuwa pa ako sa pinanunuod ko pero habang tumatagal ay nalulungkot ako lalo na ng maalala kong hanggang ngayon ay hindi ko pa nabibigyan ng anak si Grigor. Laging niyang sinasabi sa akin na hindi siya nagmamadali na magkaruon kami ng anak, na mahal niya ako, pero hanggang kailan? Ang alam ko, sa mag asawa, excited lagi ang asawang lalaki na magka anak agad at mas doble pa ang magiging saya nito kapag lalaki ang naging anak kasi may tagapag dala ng apelyido niya at lahi.
Ayaw kong isipin na baka mangyari sa amin ni Grigor ang gaya ng sa mga napapanuod ko sa teledrama kung saan dahil hindi sila magka anak ng asawa niya o sa tagal ng paghihintay nila na magkaruon ng anak ay mambababae ang asawang lalaki at magkakaruon ito ng anak sa iba. My god! Ikamamatay ko kapag nangyari 'yon sa amin. Mahal na mahal ko si Grigor kaya hindi ko hahayaang mangyari 'yon. Ayaw kong magkaruon siya ng anak sa iba liban sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/34556551-288-k231303.jpg)
BINABASA MO ANG
HIS BURIED SECRET (TRANS)
Misterio / Suspenso"Hide it 'til it's buried until it is dug up and expose you to death." Date Created: April 14, 2015 at 12:18 AM Date Published: June 11, 2020 at 12:18 AM Date Ended: February 03, 2021 at 12:30 AM