Chapter 5

15 2 0
                                    







From: Saoirse

Di!
Mga kalahati ng first sem,
papasok na ako.




To: Saoirse

WTF?
Nice!



From: Saoirse

Pangit naman nito kabonding..

Masaya ka ba o ano?




To: Saoirse

Joke lang! na wow mali kita,

Syempre hindi na 'ko makapagintay.

Actually, nasa labas na 'ko ng bahay n'yo.



From: Saoirse

HA?!


To: Saoirse

Wow mali ulit!






I woke up feeling under the weather, kaya after kong maggrocery ay agad din akong bumili ng gamot at bumalik sa condo. I can't miss tonight's race. Baka bangasan ako ni Max, kaya kahit masama ang pakiramdam ay pinilit ko pa ring isa-ayos ang sarili ko. Dala lang ito ng pagod nitong mga nakaraang araw.

Ngayon lang kasi ako masyadong naggagalaw. Noon kasi ay puro mall, condo, at gig lang ako. Ngayon ay mayroon na akong alagang aso, pinangalanan ko siyang Max.

Joke lang.

I cleaned the whole living room and kitchen area, para naman pawisan ako. Nakita ko iyong mga clay supply ko sa ilalim na cabinet sa kusina. I always dreamt of being a sculptor. That's why I wanted to take an art course sa Paris sana. But because my does not support that dream, dito ko na lamang iyon ipinagpatuloy sa Pilipinas. Then, I promised myself after getting this art degree. Itutuloy ko ito sa Paris.

Ipinangako ko sa sarili ko na lahat ng makakamit ko ay paghihirapan ko, I'm only allowed to ask help kapag talagang kailangang-kailangan ko na. I know it might have sound exhausting, pero ganito lang kasi ang paraang alam ko makasurvive at hindi pagsisihan ang mga desisyon ko sa buhay. Ang mabuhay ng nagpapadikta sa iba ay hindi ko kailangan man pinangarap.

I work my way to where I am right now, I will continue to work my way to where I am going.

Mom picked me up this morning. Nagpatulong siya sa pagdala ng mga gamit para sa newly opened niyang branch sa Bonifacio Global City. Goal niya ito eh. She wanted to branch out her café and it's finally happening. Nakakaproud nga siya nga ang nagturo sa akin na huwag iasa sa iba ang tagumpay mo. Kung kaya mong gapangin iyon gawin mo.

I even helped her sa pagkabit ng ibang mga minimal interior, because I'm an art student, she always believed that I can always have opinions in these kind of things. Tinanong din niya ako kung ayos lang ba akong mag-isa sa condo. I said yes. Kahit naman free spirited akong tao, I sometimes enjoy my own company.

She also told me na huwag akong mahihiyang humingi ng tulong sa kanila ni Dad para sa parating na balik eskwela sa susunod na linggo. Tipid lang ang tugon ko sa kaniya doon. Then, after that she drove me home na rin naglagay din siya ng mga stock na kape sa condo. She checked some of my sculptures and bring one home.

In Apollo's Arms (Sining Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon